KABANATA 49 - Ripped Apart

248 13 62
                                    

Stepmom? Agad na bang nakamove on si papa? Hindi na ba niya mahal si mama kaya siya naghahanap ng iba?

"Pa..." tulala ako. "P-parang ang bilis naman yata?"

"No, anak. Nag-iisip lang naman ako. Kasi siyempre, kapag gumaling na ako, iiwan mo rin ako dito. Maghahanap din ako ng makakasama."

Mahal ko si mama. Mahal na mahal na kung puwede lang sana ay siya lang din ang mamahalin ni papa. But then, I'm not their daughter. I'm not their biological daughter and they never had one. Eric is my family but there are matters in his life that I should not enter now that I'm not under his roof anymore.

"Iyon ba po ang gusto ninyo, pa? Because if you end up liking someone again, hindi kita pipigilan." ngumiti ako.

At least, I ensured him that I would give him my approval once he's going to remarry. I would love to support him in such decision.

Days past, nakakuha kami ng magandang bahay para kay papa. Lumipat din kami nila Allister at Xavier doon para mas mabigyang atensyon pa ang pagpapagaling ni papa. Sa totoo lang ay gamot nalang ang iniinom niya ngayon.

Pero lalo akong nag-aalala sa bawat araw na gumagaling siya dahil bilang na rin ang araw ko dito.

Si Allister ay naging okay na rin sa akin at totoo ngang bumabawi siya sa mga kasungitan niya sa akin noon. Lagi niya akong pinapasyal kapag nagpapahinga si papa kahit na kung minsan ay nawawala kami sa daan. Si Xavier naman kasi lagi kaming iniiwanan sa bahay.

"Babe, yung tubig please." ani Allister habang nagluluto siya ng tinolang manok. Iyon kasi ang request ni papa na pananghalian namin.

Ako naman ay nakaupo sa island at nakapangalumbabang tinitignan ang likod niya. Nakangisi akong pinagmamasdan ang bawat laman na gumagalaw sa likod niya kapag naghahalo siya ng manok. Tinanggal ba naman kasi ang damit dahil mainit daw. Hindi nga ako pinagpapawisan e.

"Babe..." ulit niya. Jeez! I could live like this forever, watching my man cook something for lunch, topless and sweating, watching each grain of sweat roll on his sturdy back past in his jeans.

"Babe, sunog na 'tong manok! Yung tubig!" lumingon siya sa akin at awang ang bibig niya nang makita akong pinagpipyestahan ang kanyang likod.

"Ano?" tawa ko. Ngumisi siya at kinagat ang labi.

"Well, that explains it. I forgive you." humalakhak siya. Mabilis niyang kinuha ang baso ng tubig at ibinuhos iyon sa kaserola. Ilang sandali pang pagtitimpla ay tinakpan na niya iyon at humarap sa akin.

Aasarin nanaman ako nito.

"Effective pala." itinukod niya ang kanyang kamay sa island at kaharap ako.

"Effective ang ano?" tanong ko at ngingiti-ngiti.

"Ang pagtanggal ko sa damit ko." bungisngis niya. Lumawak ang ngiti ko at aabutin sana siya para mahampas ko pero agad siyang lumayo sa akin.

"Bastos ka! Halika nga dito!" angal ko at hinabol ko siya.

Tumawa siya ng malakas at kumaripas ng takbo sa paligid ng island. Kapag tumigil ako sa isang dulo, titigil din siya sa kabilang dulo.

"Naenjoy mo ba, babe?" kumindat siya at bakas sa mukha ang nanunuyang ngiti. Lalo pa siyang tumawa at itinuro ang mukha kong namumula na.

"You should see your face!" halakhak niya. Nakita ko ang sandok na pinanghahalo niya, tumakbo ako papunta doon at kinuha sabay habol ulit sa kanya. Para kaming bata sa kusina na tawa nang tawa.

"Ang angas mo, Collado!" sigaw ko. Kulang nalang ibato ko sa kanya ang sandok na hawak ko pero baka makabasag pa ako.

"Pero mahal mo ang angas na ito, diba babe?" humarap siya sa akin at nakapamaywang. Lalo siyang pinagpawisan kaya naman hindi ko maiwasang tumingin pababa sa kanyang dibdib at sa baba pa ng dibdib niya. That 6 packs!

Always and Forever (Allyse Sequel)Where stories live. Discover now