KABANATA 18 - Thank You

218 14 21
                                    

I was not sure if Crista overheard our conversation. All I know now was that she's pissed about that secret. I worriedly looked at Jessa who was mentally pleading, asking me for help.

Narinig ko ang paghikbi ni Crista na siyang nakaagaw ng atensyon namin ni Jessa. Pinunasan niya ang luha niya gamit ang kanyang braso. Her lips cringed in disgust to Jessa. Wala na siyang sinabi at tumakbo palabas ng club.

"Crista! Wait!" ani Jessa at tumayo para habulin siya. 

May nakita akong waiter sa malapit sa booth. Naglabas ako ng sapat na pera at tumakbo papunta sa kanya.

"Keep the change." sabi ko at sumunod sa dalawa. Nandatnan ko si Crista na nagpupumiglas sa hawak ni Jessa. Nagulat ako nang sinampal siya ni Crista.

"Cris!?" sigaw ko at tumakbo sa puwesto nila.

"Get away from her, Allyse! She's a big fat liar and..." natigil siya at ako naman ang pinagdiskitahang lamunin ng matatalim na mata. Napalunok ako habang hinahaplos ang likod ni Jessa.

"Crista, calm down." Bumitiw ako kay Jessa at dahan-dahang hinawakan ang braso ni Crista. Marahas niyang binawi iyon kaya ako napaatras.

"I guess you heard her-"

"YES! I heard everything she said! She made me believe all her lies!" putol ni Crista sa akin. Napatingin ako kay Jessa na humihikbi na at nakahawak parin sa sinampal ni Crista.

"Then you would understand why she did that-"

"Understand? Crap, Allyse! She practically lied to me! This is crazy! My life with you Jessa was a lie! How could you?" sigaw ni Crista. Napatingin ako kay Jessa na matalim na ang tingin sa kanya. Uh-oh. This is bad.

"Jessa-"

"I just wanted to fit in, Crista! Is that bad? I just want the society to accept me. Well, if you can't handle it... I'm glad and I whole-heartedly thanking you for hating me because I will never have to waste my time with some perverts like you!" sigaw niya. Laglag ang panga ni Crista at lalong humagulgol na may halong puot at galit.

"Jessa, stop it." sabi ko. Hindi ko alam kung saan ako papanig. Nasa gitna ko sila pero wala akong magawa.

"You're disgusting. And with that, at least, I'm not a big fat liar! Pants on fire!" she blurted and spit in front of us then she walked away to her car. Pinaharurot niya iyon nang makalabas sa kalsada.

Ngayon ko lang napansin na tumila na ang ulan. Tumingin ako kay Jessa na tulala at malalalim ang mga hininga. Unti-unti ko siya niyakap.

"It's okay, Jessa. I'm here." parang isang senyal iyon sa kanya para humagulgol sa balikat ko. Yinakap ko pa siya lalo. Naramdaman ko nanaman ang patak ng ulan kaya sinabi ko nalang kay Jessa na ako na ang maghahatid sa kanya sa kanilang bahay.

►►►

Pagpasok ko sa bahay namin nang makauwi ako ay bumulaga sa akin ang umiiyak na si Allicia at yakap-yakap ang kanyang unicorn. Gumala ang tingin ko sa isang malaking backpack at isang maleta na nasa salas.

"What's going on here?" malakas kong tanong na sapat na marinig ang mga kasama ko sa bahay. Biglang may narinig akong pintong bumukas sa taas. Nakita ko si Xavier na bihis na bihis. Sumunod sila mommy na galing lang sa iyak at si daddy naman na tensyonado ang mukha.

Natigil si Xavier at gulat nang makita ako. Kinabahan ako nang makitang bloodshot ang mga mata.

"Kuya! Please, don't go!" iyak ni Allicia. Then it broke my heart looking at my little sister crying. Hinatak-hatak niya ang pantalon ni Xavier. Aalis si Xavier? Why?

Always and Forever (Allyse Sequel)Where stories live. Discover now