KABANATA 48 - Stepmother

224 13 48
                                    

"Ha? T-teka lang, hindi pa ako naligo!" Angal ko pero pinaharurot niya na ang sasakyan kaya wala akong magawa kundi maupo lang.

Paano kami magdedate nito kung ang sungit-sungit ng idedate ko? At teka, alam niya kaya ang pinupuntahan niya dito?

May pinindot siya sa baba ng dashboard. Ah oo nga pala. May GPS navigator nga pala itong sasakyan.

"Saan tayo?" Tanong ko.

"I don't know." Sagot niya.

Hindi nalang ako kumibo. Hihintayin ko nalang kung saan titigil itong sasakyan. Nang naglalakbay na kami sa Gilbert Bridge ay nagsalita siya.

"Anong lugar na ang napasyal mo dito?" Tanong niya.

"Wala pa masyado. Sa paligid lang tulad sa Aurora Park na iyan." Turo ko sa kanya ang mababanggang parke nang makarating kami sa dulo ng tulay. "Tapos sa Marcos Stadium, sa Rizal Park... iyon palang." Tumango lang siya.

Ilang sandali pa ay itinuro ko sa kanya ang daan at nakarating kami ng Marcos Stadium. Umakyat kami sa pinakamataas na hagdan sa eastern grandstand. Ang saya lang kasi walang tao doon. Kami lang kasi masyado pang mainit.

Imbes na tignan ko ang ganda ng mga berdeng acacia at lumanghap ng sariwang hangin ay nataranta ako sa ginagawa ni Allister.

"Hoy! Bumaba ka nga diyan!" Sigaw ko. Umupo ba naman sa ibabaw ng sandalan ng pinakahuling hagdan. Ang taas kaya namin.

"What? Ang baba kaya nito?" Tumingin siya sa likod niya. Urgh! Parang ako ang mahuhulog sa ginagawa niya!

"Collado, bumaba ka diyan, sabi!" Galit kong utas. Hinawakan ko ang braso niya at hinatak pababa.

"Tss." Rinig ko sa kanya kaya ko inirapan. Nakakainis lang at ganito ang first date namin a.

Umupo nalang kaming dalawa at payapang pinagmamasdan ang mga puno ng acacia, ang mga ibong lumilipad, mga dumadaang mga sasakyan sa malayong dako.

Ganito a! Yung tahimik kami at may peace of mind ang isa't isa. Ay wala nga pala siyang peace of mind; ang sungit e.

He then snaked his arm around my shoulders and leaned me close to him. Uminit ang pisngi ko sa biglaang galaw niya. Hot and cold huh.

Pagtripan ko kaya ito baka sakaling mawala ang inis niya.

"Bakit may 6 packs ka, babe?" Tumingala ako para makita siya sabay patong ng kamay ko sa abs niya. Naramdaman kong nagcontract ang muscles niya doon. Mabilis na bumaba ang mata niya sa akin na nakanguso dahil sa tanong ko.

"Tanong ba iyan o insulto?" Tanong niya. Ngumisi ako.

"It was just a question, babe. First time we met, wala ka namang katawan noon. Kanino ka inspired at nagpalaki ka ng katawan?" Ngisi ko habang idinidiin ang pagkakasandal ko sa kanya. Lalong kumunot ang noo niya; nakanguso siyang inirapan ako.

Nah, I'm not freaking affected, Al. Hindi siya nagsalita pero kapansin-pansin ang kanyang pamumula.

"Alam ko kung kanino." Napatingin siya sa akin at tinaasan ako ng kilay.

"Kay Michelle, noh?" Tinaas-baba ko ang aking kilay. Bigla akong napaisip. Minahal kaya niya si Michelle kahit papaano? Nasasaktan ako.

"Sino iyon? Nagpapalaki lang ako ng katawan para sa nagngangalang Allyse Crawford Wilson. Sino si Michelle?" Irap niya. Lumawak ang ngisi ko at biglang inangat ang sarili para halikan ang kanyang pisngi.

I will always stay this way in love with him.

Sinamaan ko siya ng tingin dahil di man lang siya naapektuhan sa paglalambing ko.

Always and Forever (Allyse Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon