KABANATA 29 - Happy Hunting

209 16 27
                                    

Uminit ang pisngi ko at parang ewan na ngingiti-ngiti habang tulala sa card na hawak ko. Penmanship siguro ito ng CEO at may signature pa siya sa itaas ng pangalan niya.

Kinamot ko ang aking kilay at tumawa. I used to think of Shane's sister as an untouchable individual and now she wants to meet me. And that means I'm going to be involved in her life.

Biglang nagring ang phone ko at nakitang si Shane iyon kaya ko sinagot agad. Una kong narinig ang halakhakan nila Layla at Mike.

"Allyse... on the way na kami sa airport."

"Hi, Ate Allyse!" sigaw ng mga babae.

"Hi!" bati ko pabalik. Humalakhak si Shane.

"Sorry. Uhm-"

"Anong on the way!? Nagpapark na kami ate!" sigaw ni Vannie.

"Tumigil na nga kayo!" saway ni Brooklyn.

Napangiwi ako. Kailan kaya makakarating sa puntong maboboring ang mga ito sa kanilang buhay?

"Baby-"

Naghiyawan bigla yung mga kapatid niya.

"Darn it! Allyse, I'll text you. Okay?" ani Shane. Tumawa ako.

"Okay, okay." sagot ko.

Pinatay niya ang tawag at ilang sandali pa ay nagmessage siya sa messenger ko.

I'll call as soon as we land.

Iyon lang sasabihin niya? Ngumiwi ako at nagreply.

Okay. Ingat sa biyahe.

Lumabas ako para magpunta sa kuwarto nila mama. Kumatok pa muna ako bago nila ako pinagbuksan.

"Kumusta kayo dito ma?" tanong ko at pumasok ako; pinagmamasdan ang kuwarto nila. Ganun din sa kuwarto ko.

"Maayos naman. Ang lamig ha. Inaayos na ni papa mo yung mga gamit namin. Ikaw nakapag-ayos ka na ba?" tanong niya. Hindi ko inintindi iyon dahil hinahanap ko rin ang isang card pero wala akong mahanap.

"Ma, may card bang nakapatong sa higaan niyo kaninang pumasok kayo?" tanong ko. Kumunot ang noo niya at ganun si papa. Parehas silang umiling. Nagkibit-balikat nalang ako.

"Hmm, magpahinga na muna kayo ha? Kahit one day muna tayo na mamahinga para bukas full ang energy ninyo." ngiti ko. Pumayag naman sila dahil pati sila talagang pagod. 

Lumabas ako at eksakto namang may isang intern siguro ito na tumatayo sa harap ng pinto ko.

"May I help you?" tanong ko. Lumingon siya sa akin at ngumiti.

"Miss Allyse Wilson?" tanong niya.

"Oo. Bakit?" tanong ko.

"Nabasa mo na ba po yung card na nasa kuwarto niyo, ma'am?" tanong niya. Ngumiti ako at tumango.

"Okay. Ma'am del Valle wants to see you in 30 minutes in the lobby, ma'am." aniya.

"Okay. Thank you." tumango siya bago umalis.

Niswipe ko ang card bago pumasok sa kuwarto ko. Kailangan ko nang maligo at mag-ayos.

Binuksan ko ang bathroom at agad na namangha sa kulay nito. Gold ang wallpaper ng bathroom may design na lighter shade of gold at white ang tiles. 

Ang bathtub ay black marble at nakahanda na rin ang mga gels at kung ano-ano pa doon. 

Now I gotta a funny feeling that everything was prepared for me. But then, I didn't tell Shane na dito ako pupunta.  Winala ko ang iniisip ko at nagsimula nang magtanggal ng damit. Hindi na muna ako magbababad sa bathtub. Kailangan maaga ako sa lobby.

Always and Forever (Allyse Sequel)Where stories live. Discover now