KABANATA 17 - Exposé

242 17 13
                                    

It’s already December and the first rain of the winter was falling down the ground. My mama and papa already received the package two weeks ago.  I spent hundreds of dollars but when I saw them very happy upon receiving it, it promised my heart the contentment I didn’t expect.

May sleepover kami kaya nandito ako sa bahay nila Crista. Wala nanaman ang kaniyang mga magulang kaya malaya niyang gawin ang mga kapritso niya. Nakasalampak kami sa kanyang queen-sized bed at titig na titig sa pinapanood naming episode ng Ellen DeGeneres.

Nang matapos iyon ay inilipat ni Jessa ang channel at itinigil sa isang horror movie: Ouija. Hindi ko alam pero hindi man lang ako nagugulat sa pinapanood nila. Tumatayo ang mga balahibo ko kahit sa batok ko pero hindi ako tulad ng dalawang ito na halos mahulog lahat ng unan dahil sa pagkakagulat. Titig na titig sila habang nakaharang naman ang mga kamay sa mukha; sinisilip ang tv. Ako naman nakahalukipkip at nakatingin lang sa tv.

“AAAHH!” sigaw nilang dalawa at nagyakapan. Suminghal ako.

“That movie is lame.” Straight ang face ko habang pinapanood ang isang babaeng nagroll up ang mga mata at pumuti nalang ang mga ito.

“Get out, Allyse!” ani Jessa at inirapan ako. Tumawa ako at tinakpan ang katawan ng comforter.

Nakasurvive ang dalawa nang natapos ang pinapanood. Huminga nang malalim si Crista.

“Okay, I will never get over that movie unless we’ll do something else.” Aniya at agad tumango si Jessa. Humalakhak ako.

“I have an idea. Spirit of the glass.” Niwiggle ko ang kilay ko sa kanila. Nakatanggap ako ng sapak at kurot mula sa dalawa kaya ako tumakbo papunta sa pinto. Bago ko binuksan ay pinatay ko ang ilaw. Umalingawngaw ang maninipis nilang tili. Binuksan ko ang pinto at lumabas.

“ALLYSE!” sigaw ng dalawa at pinagmumura ako. Tumakbo ako papunta sa salas at narinig ko ang mga yapak nilang sumusunod sa akin. Tawa ako nang tawa nang umupo ako sa sofa sa salas. Pinaulanan nila ako ng mura pero parang hangin lang na dumaan sa akin iyon.

Ginawa kong pangsangga ang mga braso ko nang pinagpapalo ako ng throw pillows. Mangiyak-iyak na rin si Crista sa ginawa kong pang-aabando sa kanila sa madilim niyang kuwarto.

►►►

"Deal! Whatever you want!" nagpipigil ako ng tawa sa ginagawa nila. As punishment ko daw, ay hahayaan ko daw silang magpili ng pupuntahan namin ngayong gabi sa ayaw ko man o hindi.

“Allyse, have you been in a club?” Umiling ako.

“No. What you have in mind?” tanong ko. Ngumiti siya at siniko si Jessa.

“Tonight. Are you up?” ngisi ni Crista.

“Where?”

Maaga kaming nagpunta sa Foundation Club na malapit lang sa CenturyLink Field.  Maaga palang pero umiinit na ang aura sa loob. Nag-iingay na at may mga sumasayaw na sa dance floor. Umupo kami sa isang bakanteng booth.

Dahil sa first time kong magclub ay normal lang sa aking luminga-linga. Nang ibalik ko ang atensyon ko sa gitna ay nagulat ako dahil may mga mamahaling inumin na sa mesa. Narinig kong suminghap si Crista at malawak ang ngiting nakatingin sa entrance. It was Carlisle.

Namilog ang mata ko nang dumausdos ang kamay niya sa baywang ni Crista. Nakompirma kong may relasyon sila nang nakita kong hinalikan ni Carlisle si Crista. Nagkatinginan kami ni Jessa at kumibit-balikat lang.

Naglagay si Jessa ng JD sa kanyang shot glass. Naglagay din si Crista ng Canadian Club sa glass niya at ganun din si Carlisle.

Wala na bang ibang maiinom dito? Ayokong uminom. Ayokong subukan. Pero minsan lang naman ito. Aabutin ko na sana ang JD sa mesa nang nagsalita si Carlisle.

Always and Forever (Allyse Sequel)Where stories live. Discover now