KABANATA 45 - Unresponsive

231 13 51
                                    

"Whoa. Chill, dude. Wala akong balak na agaw-"

"Allister." Tumayo ako pumagitna sa kanila ni Ben dahil humakbang si Allister palapit sa kanya. Umaapoy ang mga mata niya kay Ben. Mukhang nangangamoy away ito a.

"Huwag dito." Bulong ko. Sinamaan ko siya ng tingin. Bumagsak ang tingin niya sa akin at lumambot ang itsura niya.

"Pinopormahan ka niya, Allyse." Kalmado pero halatang mabigat ang bawat salita.

"Will you stop being so territorial, Collado!?" Inis kong bulong sa kanya. Umigting ang panga niya at unti-unting tumango.

"Fine." Tumingin pa minsan kay Ben bago bumalik sa akin. "Inilagay ko sa suite mo yung mga pinamili mo kanina." Tinalikuran niya kami at dere-deretso sa labas.

Lumingon ako kay Ben na namumutla at nakatingin pa sa nilabasan ni Allister.

"Okay ka lang, Ben?" Tanong ko at hinawakan ang pisngi niya. Doon lang siya namula. Hinawakan ni Kissa ang balikat ni Ben at inikot paharap sa kanya.

"Huy! Ano na nangyari sa'yo?" Tanong niya. He shook his head and shrugged.

"Okay lang ako. Wheew. Ibang-iba pala si Allister kapag naging possessive a." Huminga siya nang malalim.

"Kumalma ka na muna, Ben. Dito muna kayo." Sabi ko bago lumabas.

Naabutan kong paalis ang Hilux ni Allister. Tumakbo ako at nang maabutan ko ang buntot ay pinalo-palo ko iyon.

"Allister! Teka!" Sigaw ko. Huminto ang sasakyan.

"Saan ka ba pupunta?" Tanong ko nang naglakad ako sa tapat niya. Pinaglalaruan niya ang panga niya na hindi man lang ako sinusulyapan.

Napagtanto kong galit na ito dahil una, tungkol iyon sa pinag-awayan namin kanina. Pangalawa, nalaman niyang crush ako ni Ben kaya naisip niya sigurong nililigawan niya ako. What the!? Para namang bata itong isang 'to.

"Al! Ano ba? Sumagot ka naman."

"Nagiging territorial ako para maprotektahan kita, Allyse. But you said I should stop. Okay then. Sumusunod lang ako. Doon ka na sa Ben na iyon na parang ewan kung natatakot. Mapoprotektahan ka nun." Wika niya. Iyon iyon?

"Alam mo, para kang bata."

"Territorial na kung territorial, bata na kung bata... I can be whatever I please just to protect and take good care of you, Allyse. Pero ikaw itong umaayaw. Tabi. Uuwi na ako." Napaatras ako nang umugong ang Hilux. Sinadya niya iyon para umatras ako atsaka siya lumabas ng gate.

Naiwan ako sa gitna ng parking area na nakatayo lang doon. Natulala sa kung saan lumabas si Allister.

What just happened? Nagawa niya akong iwan dito?

Inisip ko nalang na baka may sumpong iyon. Meron yata e. May importante pa akong gagawin kaya hindi ito ang tamang oras para mag-isip kung paano ko siya paaamuhin.

Naging busy ako sa pag-eentertain ng mga bisita. Nakapagpahinga lang ako nang kaonti nang nag-ala una media na ng madaling araw.

"Matulog ka na, iha. Pagod na pagod ka na o." Hinugod ni Tita Anita na asawa ni Tito Ren, ang buhok ko nang nakaupo kami. Humikab ako.

"Okay lang, tita. Kaya ko pa po." Ngumiti ako sa kanya at humikab ulit.

"Hindi mo na kaya. Sumandal ka nalang diyan sa mesa nang makatulog ka kahit papaano." Aniya. Tumango ako at ginawa ang sinasabi niya. Dahil sa aircon sa loob ay hindi ko maiwasang medyo manginig sa lamig. Pero dahil sa talagang antok na antok ako ay hindi ko na ininda ang lamig.

Always and Forever (Allyse Sequel)Where stories live. Discover now