"Maglalakad tayo para magbigay respeto na rin sa kanila" wala kaming nagawa ni Marianne. Sinunod na lang namin ang sinabi niya kahit ramdam na ramdam ko na talaga ang mga paa ko.
And as usual pagkarating namin nagkwentuhan silang dalawa habang dinala naman ni Miley si Caster sa kwarto niya. Habang ako ay nagbasa na naman dahil wala naman akong homeworks, tapos na kasi.
Dumating na ang Sabado, ang game ni Eli. Napatingin naman ako sa ticket na hawak ko. Wala pa akong napapagbigyan nito. Maybe just me, Miley and Marianne na lang?
I told Kj about this but he said he can't because they're going to Baguio. I also contacted some of my friends but they're busy rin. Pero try ko pang tawagan ang iba.
Pagkatapos kong maligo ay napa-upo ako sa kama at tiningnan ang nakalagay na ticket sa desk ko. Baka mawala ko pa yun. I grabbed my phone and dialed her number.
"Hello!"
"Ano?" halata sa boses na bagong gising siya. Mukhang naistorbo ko pa ah.
"Nood tayo mamaya ng game?" sinandal ko ang likod sa headboard.
"Anong game?" narinig ko pa ang tunog ng kumot niya na biglaan niyang inalis sa kaniyang katawan.
"Basketball" tipid na sagot ko sa kaniya tsaka narinig ko naman ang pagsuot niya ng tsinelas.
"Kanino game ba? Baka gurang na ang mga naglalaro ah! Gosh, kung ganon ayoko" narinig ko naman sa kabilang linya ang pagbukas ng pinto at kasunod nito pag-agos ng tubig.
"Hindi. . . kina Kuya Eli to" narinig ko naman ang pagbagsak ng isang bagay tsaka ang parang pagpulot dito. Ano yun?
"Sorry nahulog kasi yung phone ko" tsaka nakarinig ako ng pagsara ata ng gripo "Grabe hindi man lang niya ako binigyan ng ticket" narinig ko pa ang pagsara ng pinto.
"Meron ako dito" tiningnan ko naman ang ticket na nasa side table ko "Meron pang dalawa nabigay ko na kasi ang dalawa sa pinsan ko then naisip ko na ayain ka na lang dahil kilala mo naman siya e"
"Ah okay so sino pa ang isa mong pagbibigyan?" narinig ko ang pagbasak niya sa kaniyang kama.
"Si Ivory naisip ko kasi na close rin siya kay Kuya Eli" ang likot niya naman. Ano-ano na lang ang naririnig ko e.
"Sige sasabay na lang siguro ako mamaya sa inyo" napatango naman ako sa sinabi niya. Mabuti na rin siguro yun.
"Mamaya na lang, maglilinis pa ako ng kwarto ko" ibaba ko na sana ang tawag nang marinig ko na naman siyang magsalita.
"Bakit hindi mo na lang ipalinis sa mga kasambahay? Ang sipag mo naman!" ramdam na ramdam ko ang pagkasarkastiko niya. Ansama ng ugalit oh!
"Kasi gusto kong ako ang naglilinis. Bahala ka na nga, ibababa ko na to ha" sabi ko na lang sa kaniya.
"Byeeeee-" pinatay ko na kaagad ang tawag kasi nakakarindi ng boses niya.
Hanggang alas diyes ang paglilinis ko sa kwarto ko dahil na rin every inch of it nilinis ko. Ayoko ko sa amoy ng alikabok kaya kahit loob ng closet ko kinuha ko ang lahat ng aking mga damit then nilinisan 'yun.
Kinagabihan ay nag-alinlangan pa ako kung susuotin ko ba talaga ang damit na binigay niya sa akin pero sa huli sinuot ko yun at na pinatungan ko ng cotton jacket paired with a high waisted pants.
"Aalis na?" She ask as long as she opens the door of her bedroom
"Yes" tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa at nakita kong nakasimpleng shorts lang siya at white tee shirts
"Ayos lang" nabalik ko ang tingin sa kaniya tsaka tumango
"Hindi naman kailangan na naka skirts eh" napatawa naman nito sa sinabi ko
"Halika na, Ateng" hindi ko na siya hinayaang magsalita at kaagad na pinulupot ang braso ko sa braso niya
"Nhang ayos lang ba?" Napatatingin kaming dalawa kay Miley na ngayon ay nakasuot ng kulay blue na sleeveless shirt then skirt na parang pang cheerleading squad
Well cheerleader kasi siya sa kanilang purok sa lugar nila and green kasi ang sa kanila but last year yun and this year ay blue.
"Wala ka namang pinopormahan 'dun, diba?" Nanlaki ang mga mata nito tsaka umiling ng marahas
"A sign of being defensive" pinaningkitan ko siya ng mata at nilapitan na para bang I'm scanning her "Hmmm" nilayo naman nito ang mukha sa akin
"Hindi ah" napatawa naman kami ni Em-em sa kaniya ang defensive niya talaga
Nagpaalam muna kami kay Nanay at Tatay tsaka na nilisan ang bahay. Dinaanan pa namin sina Kaye at Ivory sa kani-kanilang mga bahay.
Habang nasa daan papunta sa event ay nakatanggap ako ng message kaya kinuha ko ang phone sa bulsa ng pants ko.
+63 *********42
Pwedeng bilhan mo na lang ang ako ng Gatorade on the way. Wala kasi dito eh
Napakunot naman ang noo ko sa natanggap na text. Sino naman 'to. Baka wrong send kaya binalik ko na lang sa bulsa ang phone ng magvibrate na naman ito
***
+63 *********42
Hoy! Grabe hindi naman
marunong mag reply kahit K lang
Wrong send ka po. Sino ba 'to?
Hindi ako wrong send mare!
Sino ba kasi 'to
Hulaan mo 🤭
I'm sorry but I'm not in the mood to
play and isa pa hindi ako fortune
teller
Ay highblood si Mare
Can't you just tell me who are you
Ako 'to si Natoy na mahal
na mahal ka
Fine Bye
TO NAMAN DI MABIRO AKO
TO SI FUTURE HUSBAND MO
Isa na lang talaga
FINE AKO TO BEH!!
SI ELIJAH
Ang tagal naman umamin
Oh eh bakit ka naman naka
cops lack
BAT BA FEEL KO LANG
BAWAL
K
***
Kaagad kong pinalitan ang name niya sa Kuya Eli
"Manong pwede ba tayong dumaan muna sa malapit na convenient store"
June 18, 2022
#OnlyExceptionWP
BINABASA MO ANG
Only Exception (UNDER REVISION)
RandomDoes love really exist? To the family who always has an unsuccessful marriage? To the family for whom marriage is just a duty? A duty you need to fulfill when you find a person you think is suitable for you? A marriage that isn't made of love, but...
Chapter 8
Magsimula sa umpisa
