"Master naman! Huwag mo kaming takutin, gusto lang naman namin na bisitahin ka" si Ares na ang sumagot sa tanong ko. Nakangiti ito na parang nasa good mood talaga siya. That's unusual.

"Mamaya na lang tayo mag-usap, may pasok pa ako kaya huwag nyo na kong kulitin" aalis na sana ako nang bigla na namang may nagsalita.

"Master, naman hindi mo ba kami namimiss?" oh yeah, pinapunta ko pala sila sa isang medical mission kasama si Auntie galing sa father side ko, hindi kasi ligtas ang lugar dun at naki-usap naman sila kay Apollo.

Ayaw ko sana kaso they're my family afterall. Kadugo ko sila at kahit papano ay pake pa naman ako sa kanila.

"Kapag may oras na ako, ipapatawag ko na lang kayo" nakita ko pa ang pagnguso ni Apollo, Hermes at Poseidon sa sinabi ko habang seryoso naman si Ares.

Nakangiti pa rin sina Dionysus at Haphaestus sa mga babaeng nasa paligid. May natitira pa kasing hindi pa umaalis at lumayo lang sa amin. Napailing na lang ako, ang lalandi talaga.

Tinalikuran ko na sila habang si Marianne ay sumunod na lang sa akin. Pero alam kong may mga katanungan na umiikot sa isip niya. Sasabihin ko na lang siguro sa kaniya sa susunod, bahala na.

Lumapit kami sa counter at umorder na. Kainis kanina pa sana ako nakakain kung wala lang maraming sagabal. Una kay Miley tapos ngayon naman ay ang mga tauhan ko.

Nasa airport kami ngayon dahil aalis ulit si mommy. Walang iyakan na nangyayari. Sanay na rin naman kasi kami nina nanay. Kasama ko ngayon sina Marianne at nanay habang si tatay naman ay nasa bahay.

Nakatingin lang ako sa kaniya habang naglalakad ito palayo sa amin. Pagkatapos nang magyakapan at ilang salita ay umalis na rin si Mommy dahil baka mahuli pa siya.

Nang makitang nakalipad ang eroplano nila ni Mommy ay umalis na rin kami ng airport. Hindi pa kami nakakalapit sa gate ng hacienda ay may nakita na kaming isang tricycle. Base sa itsura nito, alam ko na kung sino ang mga may-ari nun.

"Dito na lang, Arturo" sambit ni nanay nang malapit na kami sa gate, na agad namang sinunod ni Mang Arturo. Siya ang tatay ng driver namin o driver ko.

Bumaba naman kami ni Marianne nang bumaba si Nanay. Hindi nga ako nagkakamali dahil ang Lola ni Miley, si Caster at si Miley ang sakay ng tricycle. At siyempre as usual ay si Nanay ang unang nag-approach. I don't know kung bakit parang may something going on between them.

"Bakit hindi kayo pumasok?" Kaagad na tanong ni Nanay nang makalapit na kami. Nakatayo lang kami ni Em sa likod ni nanay. Nakita ko kaagad si Miley at si Caster sa likod ng lola niya. Ngumiti sila ng palihim sa amin.

"Hindi naman kami magtatagal" nakangiti nitong sagot nito kay nanay. Akala ko kabataan lang nagpaplastikan pati na rin pala matatanda. Akala ko ba mature na sila para makipagplastikan?

"La, pasok na lang ho kayo para makapagpahinga kayo mahaba pa naman ang binyahe ninyo" nalipat ang atensiyon nito kay Em nang magsalita pati na rin si nanay ay napatingin na sa kaniya.

"Huwag na" umiling pa ito at kaya kaagad akong sumabat. Aayaw-ayaw pa eh marami lang namang kakaining pagkain mamaya sa loob. .

"Sige na ho, La" mahinhin ang pagkakasabi ko nun kaya kaagad na napunta ang atensiyon nito sa akin. Kung pwede lang talaga maging straightforward sa matanda kaso baka masabihan akong bastos.

"Sige na nga" nakangiti nitong sabi. Aayaw pa papayag lang rin naman pala. Daming arte.

Naglakad kami papunta sa sasakyan. Akala namin ay sasakay kami pero pinigilan kaming sumakay ni Nanay. Nagtataka naman kaming napatingin sa kaniya. Like masakit kaya ang paa ko kung lalakari lang namin papasok.

Only Exception (UNDER REVISION) Where stories live. Discover now