33

10 0 0
                                    

Chanel Dior's POV








Nagising akong sobrang sakit ng ulo ko. Napatingin ako sa paligid ko at napagtantong nasa kwarto na ako, paano kami nakauwi ni Aziel? Hindi ba siya nalasing?





Pinukpok ko ang ulo ko, napakasakit! Huhu! Sa susunod hindi na ako maglalasing, teka? Nalasing ba ako? Hindi naman siguro, pero Wala na akong maalala sa mga nangyayari ang huling naalala ko lang ay naglalaro kami ng truth or dare ng mga kaklase ko at wala na. Nalasing ata ako..









Napatingin ako sa bandang tyan ko ng may gumalaw dito, bakit may kamay dito?  Tumagilid ako at agad na nanlaki ang mga mata.





BAKIT NANDITO 'TO SA KWARTO KO NATUTULOG?





Napatingin ako sa damit ko at nakahinga naman ng maluwag nung makitang suot ko pa, kaso ang lagkit na ng pakiramdam ko.








Niyugyog ko si Aziel. "Aziel, gising!" Hindi siya gumising at biglang hinatak lalo ako, ano ba 'tong taong 'to ba't dito 'to natutulog?







"Huy Aziel," tinapik ko pa ang pisngi niya pero hindi talaga siya gumising. Tulog mantika pala 'to.






Humiga nalang ulit ako at humarap sa kanya, nakangiti ko itong pinagmasdan. Nakaka insecure naman tignan 'tong tao na 'to. Ang tangos tangos mg ilong, ang haba pa ng pilik amta tapos 'yung kilay niyang ang kapal at akal mo laging naka ahit, Yung panga niya ang gwapo tignan parang perfect shape tapos 'yung red kissable lips niya na ang lambot lambot. Huhu, ba't naman parang ang perfect ng taong 'to?











Hinawakan ko ang mukha niya't tinrace ang bawat parte nito. Ang kinis ng mukha niya parang 'yung pimples na ang nahihiyang tumubo dito. Kinurot ko ng bahagya ang pisngi niya, sarap gawing keychain netong taong 'to.










Dahan dahan siyang dumilat ng mata pero hindi ako nag iwas, ngumiti lang ako ng magtama ang paningin namin. Hindi naman siya nag salita at tumayo nalang. Ngayon ko lang napansin na naka sando nalang siya. Ang matcho niya tignan.










"Good morning Aziel manyak!" Tumayo na din ako at nag inat. "Grabe ang tagal mo gumising, nangangawit na ako."








"Sorry.." sagot lang niya, "bilisan mo mag ayos, para makakain ka na at makainom ng gamot," dagdag pa niya bago lumabas ng kwarto ko.










Dumiretso nalang ako sa banyoa t ginawa ang morning routine ko Bago lumabas, pagbaba ko ay nandoon na siya sa sala at nag po-phone. Nag angat lang siya ng tingin nung umupo ako sa katapat niya.








"Eto gamot, masakit ba ulo mo?" Inabutan niya ako ng gamot tapos ay tumayo siya at kumuha ng tasa tsaka nagtimpla ng kape. Inabot din niya ito saakin. "Mag kape ka.."








"Thank you.." sagot ko nalang at kumain na, nagugutom na din kasi ako.








"Paano pala tayo nakauwi kagabi?" Nag angat ako ng tingin ng hindi siya mag salita, nakita kong nakangiti siyang aso, lah? Bakit? "May ginawa ba ako kagabi?"








"You're a pain in the ass, Dior.." tumawa pa siya. Naginit naman ang pisngi ko at nakaramdam ako ng hiya. Ano ginawa ko kagabi? Puro kahihiyan ba? Si Clyde kasi e, sabing ayaw ko na uminom sjnalinan naman ako ng sinalinan.









"Hehe, peace tayo.. ano ba ginawa ko?" Huhu, sana hindi masyadong nakakahiya kasi nanakawin ko na talaga kay danaya ang brilyante ng lupa.









Three Words Better Than I Love YouWhere stories live. Discover now