23

8 2 0
                                    

Chanel Dior's POV




~~Labis na nasaktan ako sa mga Alaala~~


Napatakip ako sa tenga ko sa lakas ng tugtugan ni manang pag dating namin dito. Umalis pala ang ibang maid at siya lang ang natira. Hinayaan nalang namin ni Aziel kahit na halos mabingi na kami dito.







Nagpahinga muna ako pagkadating namin, pakiramdam ko kasi ay napagod ako sa mga nangyari ngayong araw kahit na nag enjoy naman ako.





After kong magpahinga ay naligo na ako, mag aayos na kasi ako ayaw ko kasing madaliin ako ni Aziel gusto ko maayos ako ngayong Gabi kasi last year na namin as a junior high gusto kong ma enjoy ang gabing ito. Hindi na din dinala ng driver ang mga damit namin ni Aziel dahil sinabi siya niya na uuwi nalang pala kami.











Magbihis na ako after kong mag make up, hindi gaya ng kanina na nakababa lang ang buhok ko, ngayon ay itinaas ko ito at nagladlad lang ng konting buhok sa harapan kasama ang bangs ko. Naka bun ito at may gold na ipit na mahaba para pag nag lakad ako ay gumagalaw galaw doon sa buhok ko.







Isinuot ko din 'yung necklace kong moon ang design. Tuwang tuwa talaga ako sa gown ko na 'to. Ang mahabang manggas kasi neto ay manipis at agad na tatangayin ng hanging pag mahanginan. Para talaga siyang damit ng mga fairy, sabagay fairy gown daw ang tawag dito Sabi ni Aziel.









Umikot ako ng isa sa salamin at nag feeling sa sarili, bakit ba? Gustong gusto ko kasi talaga itong gown na ito at naeenjoy akong suotin. Bago lumabas ay kinuha ko na ang pouch ko na ang laman lang ay mga make up at wipes, pang retouch ko. Syempre nakasuot na naman ako ng pamatay ng paa na heels. Hindi nga kasi ako katangkaran.









Paglabas ko ay saktong paglabas din ni Aziel, naka grey suit din siya, kapartner ng gown ko. Ang gwapo niya tignan lalo, naka wax pa ang buhok niya. Napatingin ako sa kamay niya na may hawak hawak na isang piraso ng rose.







"Oh," Sabi niya at halos tumama sa mukha ko ito. Parang tanga na naman! Konti nalang iisipin kong takas 'to sa mental.




Pero aaminin ko na touch ako dahil binigyan niya ako ng bulaklak.









"Ano 'yan? Oo alam kong rose pero bakit?"






"Kuhain mo nalang." Masungit na sabi niya, tinanggap ko nalang. "You're welcome," Sabi ko.






"Thank you.." sagot naman niya, nagsisigaw talaga kami dahil malakas talaga ang tugtugan ni manang.








Inalalayan ako ni Aziel hanggang sa makababa ng hagdanan. Umupo muna kami sa sofa at tinignan ang hawak kong rose, ngayon lang ako nakatanggap ng bulaklak at 'yung talagang favorite ko pa. Napahawak ako sa labi ko ng marealize na nakangiti na pala ako, naramdaman ko din ang bilis ng tibok ng puso ko sa hindi ko malamang dahilan.







Biglang pumunta si Aziel sa harapan ko at nakalahad ang isang kamay. Nagtama ang mga paningin namin habang nakangiti siya.





"You're beautiful Dior.." bulong pa niya, grabe ang husky ng pagkakasabi niya non. Naramdaman ko Ang paginit ng pisngi ko, oo aaaminin ko kinikilig na ako.






"Can I have this dance?" Sabi niya na nagpatulala saakin. Pakiramdam ko ay bumabaliktad lahat ng internal organs ko at sasabog na Ang puso ko sa bilis ng tibok nito. Wala sa sarili kong tinanggap ang kamay ni Aziel.

Darling, don't move too much
'Cause you might break the things that you have touched
But let me tell you, don't go too far
And just enjoy this artistic room of ours



Inilagay niya sa bewang ko ang mga kamay niya, kumapit ako doon sa leeg niya, pinipigilan ang pag nginig ng kamay ko.





Habang sumasayaw kami ay nakadiretso lang ang tingin namin sa isa't isa. Hindi ko alam ang iniisip niya at hindi ko na alam ang nararamdaman ko.




This empty canvas, that they misunderstood
I wanna paint you in it, but I'm not good
'Cause I wanna look at you when we are apart
'Cause you're not just a human being, you are art




Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko, sinubukan kong umiwas ng tingin ngunit hinuli nito ang baba ko at pilit na hinarap sa kanya.

So darling, darling don't be scared
'Cause even if I look everywhere
Your colors caught my eye
And you're my favorite sight to see

It's from the way that you move
And everything that you do
And after that it's when I realize
That I love you


Ako lang ba o parang nakita kong nag kumislap ang mga mata niya? Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Kahit sino naman siguro ay kikiligin diba kung ganto ang ginawa sa kanya.



You told me to look everywhere else
But I said no, 'cause when I look at you
My heart always melts
So I stayed even though you're a mess




'Cause you're like drugs and with you
Yeah, I'm obsessed
So, darling, darling, don't be scared
'Cause even if I look everywhere




Hinatak niya ako sa bewang ko at niyakap. Naramdaman ko pa ang bilis ng tibok ng puso niya kasabay ang tibok ng puso ko, kumapit ako lalo sa leeg niya at pumikit habang sumasayaw kami ng magkayakap.



Your colors caught my eye
And you're my favorite sight to see
It's from the way that you move
And everything that you do



And after that it's when I realize
That I love you
Darling, darling, don't be scared
'Cause even if I look everywhere
Your colors caught my eye
And you're my favorite sight to see



"An art gallery could never be unique as you." Bulong niya saakin bago ako halikan sa noo, napapikit nalang ako at dinama iyon kasabay ang pagkakagulo ng puso at isip ko.












Dumilat ako ng pagdikitin niya ang mga noo namin. Nagtama na naman ang mga mata namin, hindi na talaga tumigil sa pagtibok ang baliw kong puso.










Ngumiti ito saakin pagkatapos ay niyakap ako ng mahigpit. Hanggang sa nakarating kami sa school ay nakatulala lang ako at inaabsorb ang nangyari. Bakit ginagawa iyon ni Aziel at bakit ko nararamdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko.








May gusto na ba ako kay Aziel?









Three Worls Better Than I Love You
Chapter 22
hanadjirel

Three Words Better Than I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon