27

5 1 0
                                    

Chanel Dior's POV





Tumayo agad ako pagkatunog ng bell pero napatingin ako kay Aziel na nasa tapat ng room kasama si Bir na naguusap. Bakit ba ako tingin ng tingin dito kay Aziel na 'to?





Syempre crush mo siya.







Oo na! Crush ko nga so Aziel kasi naman ih, basta Ang gwapo kasi niya talaga nung acquaintance tapos 'yung mga nakakakilig pang ginawa niya saakin no'n, lalo na 'yung pag sasayaw naming dalawa doon sa bahay nila.







Dumaan ako sa pagitan nilang dalawa, "padaan dadaan ang maganda!" Hinawi ko sila at mabilis na lumabas doon. Narinig ko pa ngang tumawa si Bir pero hindi ko na sila nilingon.








Napatingin ako sa gilid ko ng mahagip ng paningin ko si Asher at Noah. "Anong ginagawa niyo dito?" Lumapit ako sa kanila, nalagpasan ko na kasi sila nandoon sila sa may mismong tapat ng pinto, ang sungit nga ulit ng tingin ni Asher saakin, lagi naman. Pinaglihi kasi sa Sama ng loob 'tong pinsan ko.







"Hi Cha, sabay tayo mag lunch?" Si Noah ang sumagot. "Sige, Tara na!" Hinawakan ko ang kamay niya at hinila ito.







"Bullshit." May narinig akong nagmura pero d ko alam kung sino.





"Gutom ka ba Cha? Ba't nagmamadali ka?" Tuantawang tanong saakin ni Noah. "Ah, kasi hindi ako nag recess kanina."






Napatingin ako kay Asher ng tabihan niya ako at bigyan ng malakas na batok kaya sabay kaming napahinto ni Noah sa paglalakad. "Ano ba? Nababaliw ka na naman!"









"I know what you did to Siofra," masamang tingin na sabi nito saakin na ikinangiwi ko. "Oh, e ano naman?" Nagpamewang ako.







"You shouldn't do that." Umiiling na sabi pa niya. "Dapat sa kanya mo 'yan sinasabi!" Sinigawan ko siya. Feeling ko kasi mali mali ang naririnig niyang kwento tungkol doon sa issue namin ni Siofra.







"Nakita mo ba 'tong buhok ko? Siya lang naman ang gumawa niyan saakin, kaya binawian ko lang. Sino ba 'yang Siofra na iyan at ganyan pati ikaw?" Tinaasan ko siya ng tingin.







Nag iwas naman siya saakin ng tingin at hindi na nag salita at naglakad lang kami papunta sa canteen.







"What do you want to have Cha?" Pambabasag ni Noah ng katahimikan. Buti nalang at nandito 'tong si Noah, kundi baka nag aaway kami ngayon ni Asher.








"Kahit anong laman tiyan, pero parang gusto ko ng chicken barbecue tsaka pizza," tumawa naman siya at tinapik na sa balikat si Asher para bumili ng makakain. Napatingin ako sa paligid ng makita ko si Siofra na papalapit saakin.







Nakipagsukatan naman ako ng tingin sa kanya peor pinagmasdan ko din ang itsura niya, naka wig nga siya pero hindi naman masyadong halata, narinig ko din pala kanina sa tsismisan ng mga studyante na kalbo daw ngayon 'yang si Siofra.








Nang makalapit siya saakin ay kita ko Ang konting luha sa gilid ng mga mata neto pero mas lamang nga lang ang galit. Galit saakin. "Bitch, hindi pa ako tapos sayo!" Galit na galit na susugurin siya ako kaya napatayo ako sa pagkakaupo ko at pumikit.








Siguro naman bagay lang saakin na masampal niya or masabunutan, deserve ko din naman kasi, naguiguilty kasi ako sa ginawa ko sa kanya, feeling ko sumobra 'yung ginawa ko.








Three Words Better Than I Love YouWhere stories live. Discover now