15

15 4 0
                                    

Chanel Dior's POV





Yay! Today ay mag aayos na kami ng room namin. Iginilid namin sa isang side ang mga upuan para sa kabilang side ang lamesa na gagamitin sa mga pagkain namin. Itutuloy daw talaga nila ang pag papabuffet. Syempre excited ako doon, sino ba namang hindi?






Idinistribute na ni Bir ang mga kapa namin, may nakaburdang Orion doon. Pati ang mga damit na isusuot. Ako lang pala ang magdadamit. Magboborles daw sila. Wala kasing pangitaas si Orion, kaya lahat sila ay naka topless din sa Party, ako naman ay parang 'yung sa mga goddesses na dress, kulay puti. Pati 'yung bow and arrow din ay dinistribute na ni Bir. Pinaalalahanan niya kami na ingatan ito. Ayaw kasi niyang ipaiwan dito sa room baka daw mawala.







"Uy, Chanel may nakita akong turo turo doon, sa may central, mamayang uwian kain tayo doon." Yaya saakin ni Harvey.



"Sige, libre ba?"




"'To naman puro libre nasa isip. Pero, Sige na nga!" Napipilitang sabi pa niya. Bigla namang may pumasan sa likod ko at alam ko na kung sino, edi si Clyde baliw.





"Ano ba! Ang bigay mo!" Ano ba 'tong tao na 'to kala ata niya, ga-saranggola lang ang bigat. "Para akong nagbuhat ng dalawang asking bigas ah!" Hinilot ko pa ang likod ko.






"O.A. mo po, Sama ako sa inyo!" Sabi pa niya. Lumapit naman si Kiel saamin. "Ano 'yun? Saan kayo punta? Sama din ako!" Malakas na sabi niya, narinig ata niya ang malakas na boses ni Clyde, kahit kailan hindi marunong bumulong.






Sunod sunod na nagsilapitan ang mga kaklase namin at nakigulo, puro Sama ang narinig ko kaya Wala na kaming nagawa kung hindi ay um-oo nalang. Ano ba 'yan, mukha na naman akong may mga body guards mamaya.







Dumating si Aziel at Bir na taking taka sa Amin. "Sama kayo? Manlilibre daw si Harvey diyan sa may Central." Aya ni Marcelo sa kanila, binatukan siya ni Harvey.







"Si Chanel lang ililibre ko," angel niyo. "Hoy! Madaya, bakit si Chanel lang?" Ngumuso siya at umakto pang lungkot na lungkot. Ang OA nila, bakit ba sila ganyan.






Pagtingin ko kay, Aziel ay makatingin na siya saakin pero ng magkasalubong kami ng tingin ay pinag taasan niya ako ng kilay at saka inirapan.




Taray ha? Ahitin ko 'yang kilay mo diyan, damay ko pa 'yang mahaba mong pilikmata.










"Mamaya na 'yang kain kain na iyan, mag ayos na tayo.." Sabi ni Bir. Sinunod naman siya ng mga Loko at nag ayos na nga. May ginawa Silang arko, para daw iyon kay Aziel pag rumampa na daw siya, kami naman daw ay hindi na kailangan dahil ang talent daw ang pinakatitignan doon. Konting posing posing at rampa lang ay ayos na daw.






Tinakpan namin ang board ng kulay green at naglagay ng gold na Orion constellation doon may nakasualt pa sa baba na Orion na gold din. Doon daw kami mag picture picture. Sa ceiling naman ay may mga mini arrows and bows na nakasabit. Nag print din sila ng mga pictures namin at idinikit sa pader. Nakakainis lang dahil puro wacky ang mga pictures na ito o hindi kaya ay stolen.






"Pre ang pangit mo talaga kahit saang anggulo!" Sigaw ni Tan na tinutukoy ay ang stolen ni Marcelo na nakanganga at mukhang tulala, angs agwa nga ng itsura niya doon dahil bahagya pa itong nakanganga.





"Pakyu kung sino man ang kumuha niyan!" Nagtatampo ang itsura niya, tinignan niya ako ng nakanguso dahil tumawa ako, nag peace sign naman ako sa kanya.








Three Words Better Than I Love YouWhere stories live. Discover now