16

17 4 0
                                    

Chanel Dior's POV

Friday na ngayon, nakakaramdam na din ako ng kaba lalo na nung nakita ko 'yung representative ng first section, ang ganda niya, matangkad, maputi, hindi buhaghag 'yung buhok, tsaka syempre matalino, nasa first section, e.


"Hanggang saturday nalang ang practice niyo Clyde, para sa Sunday ay makapag pahinga pero hanggang 10 ang practice sa Saturday, kahit doon na kayo matulog." Mahabang sabi ni Aziel.


"Okay, tapos sa Sunday gala tayo!" Oo nga, gusto ko din gumala.

Sige! Gala tayo

Saan?

Mall kaya?

Puro mall?

Mag beach kaya tayo?

"Mag mall nalang muna tayo bukas, sa susunod na 'yung beach." Sabi ni Bir.

"Sige mag arcade tayo!" Suhestyon ni Marcelo.

"Mag exchange gift kaya tayo? Bunutan tapos exchange gift?" Suggest ko. Sana pumayag sila, mahilig kasi ako magtingin tingin ng mga gift kaya bigla ko 'tong naisip.

"Good idea." Napatingin ako kay Aziel, kinindatan niya pa ako. Binelatan ko naman siya.

"May utang ka pa saaking kiss!" Sagot niya saakin. Hindi pa nga lumalabas ang result kiss na, kampante naman ako na hindi niya ako makikiss, paano niya ma perfect 'yun e hindi naman siya nakikinig sa mga lessons.



Hoy ano na naman 'yan Aziel?

Kayo na ba?

Hoy! Chanel kala ko ba ako forever mo?

Yah! Chanel wag ka papayag!

Ang OA nila, minsan hindi ko na gets ang pinaglalaban nila. "Hoy, ew ha! Hindi ko nga gusto 'tong Aziel Ungas na ito!" Dinuro ko pa si Aziel na tatawa tawa lang. Wala naman nakakatawa tsaka tatawa.



"Para namang gusto kita?" Sagot pa niya saakin.

"Bakit hindi ba?!"







"Gusto!" Natigilan ako.









Naramdaman ko ang pagbilid ng tibok ng puso ko. Bahagya ding nanginig ang kamay ko at namawis. Ano daw? Nabibingi ba ako? Hindi ata ako nakapaglinis ng tenga, mali mali na narinig ko.







Yown!

Ten tenenen ten tenenen

Yieee kilig bilbil ni Chanel

Siraulo!







"Joke lang, wag lang kiligin. Hindi kita type." Mas Lalo naman ako!






"Alam ko! Kasi ang mga type mo kasi ay 'yung, Demonyita, maarte, pabebe at korni." Diniscribe ko si Angel Demonyita.








"Hell no," rinig kong bulong niya. Hell no, hell no pa ikaw eh totoo naman. Mamaya nga chichika ako kila Kiel o kaya Harvey tungkol dito kay Aziel.









"Sus kunwari ka pa, Sige na, sige na, oo nalang!" Humapas pa ako sa hangin. Dahilan pa kasi siya.













"Tama na nga iyan, diyan nagkatuluyan Lola at Lolo ko, e." Pang aasar ni Bir, tatawa tawa ang loko. Sarap batukan, akala ko pa naman seryosong nananaway.








Three Words Better Than I Love YouWhere stories live. Discover now