31

8 0 0
                                    

Chanel Dior's POV




Hindi ko alam kung bagay saakin 'tong suot kong costume, sabi ni Aziel ay ako daw si Yor or Thorn Princess daw sa Spy x Family ba iyon? Nakalimutan ko, pero mamaya isesearch ko.







"Aziel sino 'yung sayo?"




"Loid." Maikling sabi niya habang inaayos ang necktie. Naka green siyang suit at nag wig pa siya ng yellow tsaka naka salamin din nag contact din siya ng light blue. Ako naman ay naka black dress lang na sabi nga niya ay si Yor tas ginaya daw 'yung buhok doon, nag red contact lenses din pala ako. Hindi ko naman kasi alam itsura pero 'yung mga stylist na ang nag ayos saakin kaya sige nalang.








"Oh." May inabot siya saking parang anime plushie na umiiyak na bata, kulay pink 'yung buhok tas green ang mga mata netong may luha. Ang cute!!! May hawak pa itong parang tsitsirya pero nakalagay ay peanuts. Medyo Malaki din ito, mga kasing laki ng 4months old baby.









"Ano 'to?"










"Anya." Wow, isang tanong isang sagot. Pero Sige okay lang, galit siya e. Kasalanan ko din naman kung bakit siya ganyan saakin.







Tinignan ko nalang ang stuff toy, "Hi, Anya. Ako si Yor! Hehe!" Niyakap ko ito ang cute kasi talaga niya!










"Are you done? Aalis na tayo." Tumingin pa siya sa relos niya.









"Teka, picture muna tayo Aziel." Hinila ko siya doon sa may salamin ng kwarto ko, hindi naman na siya pumalag pa.











Nag mirror shot kami, hawak ko si Anya tas 'yung ewan ko,  pero parang golden stiletto type weapon. Parang pang assassin. Pero assassin ba si Yor? Mamaya nga maka search talaga!












Nagpose siya na kunwaring nagaayos ng tie niya at ako naman ay nakatakip ng phone ang mukha ko at si Anya lang ang nakikita tsaka ang suot ko.











Pagkatapos no'n ay dumiretso na kami sa kotse para pumunta doon sa condominium daw ni Harvey, napansin ko lang parang ang yayaman ng mga kaklase ko pero napakakuripot, puro palibre ang bukang bibig, sabagay ganon din naman ako pero hindi naman kasi kami mayaman, may kaya lang.










"Aziel, galit ka ba saakin?"










Tinignan lang niya ako saglit pero hindi siya sumagot saakin, nagpatuloy Lang's iay sa pagdadrive kaya hinayaan ko nalang at hindi na ulit ako nagsalita. Sa totoo lang, nahihirapan ako sa gantong sitwasyon namin ni Aziel, gusto ko 'yung katulad dati, 'yung nakukulit ko pa siya.














"Sorry na.." hindi parin siya sumagot, nakaramdam ako ng parang maiiyak, bakit? Nakakainis kasi e, bakit ba kasi kailangan kong sabihin pa iyon? Bakit kailangan ko pang magsinungaling. Mas madali a man magsabi ng totoo kesa magsinungaling pero mas pinilit kong mag sinungaling.












"Please don't hate me.."















Narinig ko Ang pagbuntong hininga niya, sakto naman na huminto ang kotse niya sa isang mataas na building.














Lalabas na sana ako ng kotse niya ng hatakin niya ako at iharap sa kanya, hinawakan niya ang chin ko para iharap kaya nagkasalubong ang mga tingin namin. Seryoso lang siya saaking nakatingin.











Three Words Better Than I Love YouTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang