6

21 4 0
                                    

Chanel Dior's POV






Madungis. Madumi. Mabaho. Malagkit! Waaah! Sinusumpa ko talaga ang mga ungas kong kaklase! Hindi ito mangyayari saakin kung hi di dahil sa kanila. Dagdag pa sa pasakit ng ulo ko ang mga old classmates ko na vine-videohan ako. Kinakarma na daw kasi ako.







Edi Wow, Carabao!








Edi sila na mabait at pinagpalang lubos! Inirapan ko nalang sila at tinuloy ang pagpupunas ko ng mga lamesa. Feeling ko sinadya nilang dumihan kasi alam nilang ako ang maglilinid ngayon.








Pag nalaman ko lang kung sino ang bruhildang nagpakalat ng chismis siya gagawin kong basahan. Ang mga magagaling ko namang classmates ay nasa cr naglilinis at 'yung iba ay tumakas na. Nahuli lang ni ma'am guidance 'yung mga naglilinis ngayon.











"Wow hindi ko alam na sideline mo na pala ang paglilinis ng canteen ngayon?" Napatingin naman ako sa nagpapapansin sa lahat ng papansin. Walang iba kung hindi si Angel demonyita.










"Oo naman. Looking for basahan pa naman ako ngayon. Baka gusto mag apply?"










"And what is your point?" Nagcrossarms siya at hinawi pa ang tumakas na buhok sa mukha niya.










Nagshrug lang ako at nginitian siya. 'Yung ngiting nang-a-asar. Mainis ka please!











"Ewan ko. Ikaw na mag-isip may utak ka naman!"







Ewan ko lang kung may laman? Baka nilatak na, hindi kasi nagagamit.









"What the hell!" Bulong niya at nag martsa palabas ng canteen. Makaeksena lang daw siya, ba't ba?








"Tss. Bilisan mo nga diyan!" Napatingin ako sa nag salita. Ano na naman kaya ang inuurat nitong isa pang papansin?











Nakita ko si Clyde at Harvey na nakatingin saakin habang nagpipigil ng tawa. Isa 'to sa mga nakatakas kay Ma'am guidance kaya todo kung makangisi ngayon.










"Hoy! Isusumbong ko kayo kay Ma'am mga takas kayo!" Tinuro ko sila kaya nagtinginan naman ang mga tao sa kanila. Grabe ginawa talaga akong teleserye ng mga 'to!










Kung ayaw pa umuwi ng mga chismosang 'to pwes ako gusto ko na! Sana sila nalang nag linis tutal mukhang bet naman nila.










"Hoy! Mga panget kong schoolmates pwede ba? Lumayas na kayo sa harapan ko baka mag dilim paningin ko kayo ang maging basahan dito! Gusto niyo?!" Pinanlakihan ko sila ng mata at mukhang natakot naman sila saakin.










Bahahahaha!

'Lah gagu! Nakita mo 'yun Harvey? Aswang talaga!'

'Akala ko luluwa na ang mata niya! Hahahahaha!'

'Hahahahahahahaha!'









"Ha. Ha. Ha. Lumayas na nga din kayo!" Sigaw ko pa sa kanila. Pag-usapan daw ba ako ng harap harapan.










Alas sais na ng matapos ako agad naman akong umuwi. Kinabahan pa nga ako baka kasi maligaw ako, wala pa naman akong contact kay Tita at hindi ko rin alam ang address ng bahay niya kung sakali. Ayaw ko namang umuwi sa bahay at baka palayasin lang ako doon. Baka ayaw nila saakin kaya nila ako pinaalis doon.








Three Words Better Than I Love YouOnde histórias criam vida. Descubra agora