4

22 4 0
                                    

Chanel Dior's POV




"Huwaaa! Asher sabi mo kakain lang sa restaurant? Walangya ka pinamigay mo ako!!!" Nagwawalang sabi ko kausap ang gunggong kong pinsan thru video call.







Akala ko talag kakain lang. Dahil naman sa gutom ko hindi na ako nag isip at go nalang ng go yun pala pinamigay na ako ng mama at pinsan ko.









Naiiyak na ako. Paano pag inalipin ako ng mga tao dito? Paglinisin ako ng buong mansyon nila kapalit ang paninirahan ko dito? Paano kung patigilin nila ako sa pag aaral at gagawin nila akong alipin o kaya taga dampot ng tae ng aso o pusa o kalabaw o kahit anong hayop na meron sila.. parang si Asher!







At paano kung.... WAHHH! CANNOT BE!








"ASHER PAANO KUNG HINDI NILA AKO PAKAININ NG 6 TIMES A DAY!!!!" Mamaya ipakain lang nila sakain eh mga mumu o kaya tira tira? At syempre dah gutom ako, edi kakainin ko parin kasi no choice.










"Ano ka ba! Mahiya ka naman diyan kay Mrs.Rivera! Naririnig ka kaya!" Singhal pa niya saakin.










Siya pa talaga may ganang mainis ha! Naramdaman ko nalang ang sunod sunod na patak ng luha ko. Ang daya daya bakit kailangan dalhin ako dito? Ano bang ginawa ko? May utang ba si Mama sa kanila at kailangan ko ba iyong bayaran? Magkano ba?










"Please understand us Chanel.." halos pabulong na sabi ni Asher bago ibaba ang tawag.










"Wag mo ibaba!!" Nagmamakaawang sigaw ko pa kahit na nakapatay na ang tawag.








Linapitan naman ako ni Mrs. Rivera at niyakap. Pero bago pa niya magawa iyon ay lumuhod na ako sa harapan niya.









"Mrs. Rivera please po wag niyo po akong gagawing alila. Gusto ko po makapagtapos ng pagaaral. Promise po hindi ako magpapasaway at kokontian ko lang ang pag kain ko. Pero please po pakainin niyo po ako. Magkano po ba ang utang ng mama sa inyo pagiipunan ko po.." Umiiyak na sabi ko na dito.










Pakiramdam ko ay dinaya ako ni Asher, ni mama. Bakit? Isang tanong lang pero hindi pa nila masagot!











"Hahaha! Ano ka ba! Hindi Iha, tahan na. Bakit mo naman inisip na aalilain ka namin dito? At saka kumain ka lang ng kumain mag request ka lang kay manag tuwing nagugutom ka and walang utang ang mama mo. May dahilan lang siya kaya ka niya pinatura dito." Sinuklay pa niya ang buhok ko ay pinatong sa lap niya ang ulo ko dahil napahiga na ako sa sahig at siya naman ay naupaupo sa sofa.










Nagangat ako ng tingin at tumigil sa pagiyak. Sumasakit na kasi ang mata ko at nakakain ko na rin kasi ang sipon ko.










Yak! Kadiri ka Chanel salaula!









"Ano po bang dahilan iyon?" Tanong ko dito at suminga sa damit ni Asher. Pag nagkita kami ay ipupunas ko ito sa mukha niya. Ganti ng pangaapi nila.










Nginitian lang niya ako at malungkot na inilingan. Inabutan din niya ako ng panyo pero inilingan ko din siya.












"Okay na po ako dito sa damit ng Animal kong pinsan." Sagot ko lang sa kanya na ikinatawa niya.









"I like your humor.." sabi pa niya saakin.









"Eh? Ah sige po hehe.. I like foods din po." Kumukulo na kasi ang tiyan ko sa gutom. Ene na men! Gutom na gutom na ako at mas lalo pa ngang nagutom dahil sa pagiyak!










"Oh yes, yes, ofcourse. Buti pinaalala mo. Tara na at kumain." Tumango lang ako at tahimik na sumunod na sa kanya. Hehe! Finally!










Sunod sunod na subo ang ginawa ko. Grabe ang daming pagkain parang may fiesta lang ah! May inihaw na manok, Buttered Seafoods, tatlong klase ng Pasta, Isda, Sinigang at sabi pa ni tita ay may Ice cream daw sa ref pang dessert. Syempre lahat yan titikman natin no!









Grabe, ganto ba kumain ang mga mayayaman?








Sabagay pag nanonood ako sa TV yung mga mayayaman napakadaming pagkain sa lamesa tapos ay susubo lang ng isa at aalis na.










Dinadagdagan naman ni Mrs. Rive—Tita pala 'yung pagkain ko. Tita nalang daw kasi ang itawag ko sa kanya naasiwa din daw kasi siya sa haba ng tawag ko sa kanya. Umoo nalang ako kasi agree naman ako ang haba pag binabanggit.











"Uhm Tita.." Tawag ko kay Tita bago sumubo. Ang sarap magluto ni Manang the best!











"Yes Chanel?" Dior nalang po kasi! Pero sige baka pag umangal ako ay hindi na niya ako pakainin. Hahaha! Charot!











"Uhm, pwede ko po bang malaman ang dahilan kung bakit dito po muna ako titira? At gaano katagal din po ako mag stay dito? Hindi naman po sa ayaw ko ha? Gusto ko po ang sarap po kasi mag luto ni manang tas ang dami pang pag pipilian pero ayun nga po?"












Nginitian naman niya ako at nagpunas muna ng bibig niya bago uminom ng tubig at bahagya pang nagtanggal ng bara sa lalamuna.









Ang dami ding kaekekan ni Tita.. masyadong pasuspense. Hehe!











Kung ako siguro tinanong kahit puno bibig ko sasagutin ko. Ngayon ko lang narealized na wala akong manners!
















"I'm so sorry Chanel but I am not in the position to tell you that.. but I guess you are staying here until your Completion." Sagot saakin ni Tita.













Tumango nalang ako bilang sagot. English kasi wala akong baon for today's video. Charot!











So bali 9-10 months akong mag stay dito? Wala naman sigurong masama. Mabait si Tita, marami pang pagkain at last but not the least hindi nila ako aapi-apihin dito. Akala ko matutulad ako sa napapanood ko sa TV na kinakawawa tas sa bandnag huli isa pala akong heiress and soon to be a CEO of their large company.












Tapos na kaming kumain kaya hinatid na din ako ni Tita sa kwarto ko. Pagpasok ko dito ay Malaki! Ay hindi sobrang laki! Maayos na din ang mga gamit ko at teka!










Bed check! Napakalambot!










"Nagustuhan mo ba?" Tanobg saakin ni Tita. Lumingon ako sa kanya at sunod sunod na tumango napahagikgik naman siya at nakitalon na din saakin











"Thank You po Tita! Gustong gusto ko po!"









"Mabuti naman at nagustuhan mo, o siya bababa muna ako ha?" Paalam naman niya saakin na tinanungan ko at pinasalamatan ulit.













Pagkaalis ni Tita ay dumiretso naman ako ng tingin sa banyo.Malaki din! Kumpleto pa simula sa skin care products hanggang sa panghilod sa makalyong mukha ni Asher!











Ginawa ko na ang night routine ko bago humiga sa napakalambot kong kama. Akala ko nga ay mamamahay pa ako pero dire diretso akong nakatulog, dahil na din siguro sa pagod.















Three Words Better Than I Love You
Chapter 4
hanadjirel

Three Words Better Than I Love YouWhere stories live. Discover now