21

11 4 0
                                    

Chanel Dior's POV






Chanel ang galing niyo!

Sure ako matatalo mo representative ng Magis!

Oo nga! Maarte pa naman si Siofra!

Tama Tama!






Tinawanan ko nalang sila dahil alam kong binobola lang nila ako. Ang galing no Siofra, sikat pa at saka matalino ang galing nga nila kumanta kanina. Kung ako tatanungin kahit naman minalditahan nila ako kanina siya parin ang mananalo.










"Diba Aziel may gusto sayo 'yung si Siofra?" Napatingin ako kay Aziel ng itanong iyon ni Tan. Blanko ang mukha nitong nag shrug.







"I don't know and I don't care.." malamang sabi pa neto. Ano kaya ang problema neto at kanina pa ganyan.









Pero hindi daw alam na may gusto si Siofra sa kanya, lokohin niya si saling!











"Sus, paanong hindi mo alam, e, kahit kanino nga ata sinasabi niya o inaaway niya.." bulong ko sa sarili.









Tumingin ako sa paligid ng matahimik sila, "bakit?" Nag aalangang tanong ko. Kasi ang mga itsura nila ay nakanganga o kaya naman ay natigilan.










"What did she do?" Parang may halong galit na tanong saakin ni Aziel kaya napaiwas ako dito ng tingin. Nakakatakot naman eto, nababaliw na naman ata!












"Dior," may diing tawag niya saakin. Nakakainis naman ito, wlaa naman siyang ginawa e, minalditahan, pinapaiwas at binanatan lang naman ako non, paki alam ko naman doon. Mamatay siya sa inggit.











"Wala." Sabi ko at sumubo ng marami para hindi ako makapagsalita at hindi niya din ako kulitin. Nginitian ko lang siya ng pilit niyang inoobserba ang mukha ko.










Baka kasi pag sinabi ko pa sa kanya na pinapalayo ako non eh makarating pa sa witch na iyon at mag start pa ng gulo, ayaw ko na muna graduate na muna ako doon dahil kung hindi ako ga-graduate sa away away, pati ako hindi na makakagraduate ng high school.











Napatingin ako kay Clyde ng bumungisngis ito, napatingin tuloy sa kanya ang mga kaklase namin, sinenyasan ko naman siya na huwag sabihin.










"Walang ginawa si Siofra sa kanya, narinig lang ni Chanel 'yung usapan nila.." dahilan nito. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi niya.











"Chanel.." may tumawag saakin.










"Oy, Asher panget, bakit ka nandito?" Nagulat ko ng hilahin niya ako sa pagkakaupo at kaladkadin palabas ng room namin. Narinig ko pa nga ang pagtawag saakin ng mga kaklase ko.











Ano ba 'yan ang Dami namang naabnoy ngayong araw!











"Uy ano ba? Bastos ka hindi pa ako tapos kumain." Hinatak ko ng kamay ko huminto siya at tumingin saakin. Parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi.












"Ano ba 'yun? Sabihin mo na," nagbuntong hininga siya at umiling. Hinawakan na naman niya ang kamay ko at kinaladkad papunta sa may Gym.










Three Words Better Than I Love YouWhere stories live. Discover now