12

25 5 0
                                    

Chanel Dior's POV




Naramdaman ko ang mga haplos nila sa binti ko. "WAG PO! TULONG!" sigaw ko.






Nagulat ako ng makita ang mga kaklase ko. "Anong nangyari?!" Tanong nila. Kita ko ang pag-aalala sa mga mata nila.





Unti unti ay nakaramdam ako ng sakit sa mukha at sa tyan ko. Anong nangyari? Paano ako napunta dito? Nananaginip lang ba ako? O ligtas na ako?






Chanel may nararamdaman ka ba?

May masakit ba sayo?

May kailangan ka ba?





"Nasaan si ate?" Pagtutukoy ko doon sa tindera na tumulong saakin. "She's fine now.." sagot ni Aziel.



Pinilit kong bumangon mula sa pagkakahiga agad naman nilang inalalayan ako. "Ang sakit ng tyan ko tsaka ng mukha."





Anong gagawin?

Aziel masakit daw tiyan

Uyy tulungan niyo!



Biglang lumapit saakin si Clyde at niyakap ako. "Sorry Chanel! Dapat hindi na kita iniwanan doon. Dapat mas matigas ulo ko kesa sayo pero iniwanan lang kita." Umiiyak na sabi niya.




"Huy! Ano ka ba okay lang! Wala ka namang kasalanan. Matigas lang talaga ulo ko.." niyakap ko din siya pabalik.





"Tumahan ka na.." lumayo naman siya saakin.




Napatingin ako kay Aziel. Seryoso lang siyang nakatingin saakin, ngumiti naman ako sa kanya halata pa ngang nagulat siya dahil doon. "Sorry.." sabi ko at hinanap pa 'yung dalawa. "Sorry Kiel, Kyle."






Ginulo lang nila ang buhok.. "As long as you're safe.." ngumiti naman ako.





"Anything you need Chanel?" Tanong sakain ni Bir. Kahit na masakit ang tyan ko ay nakaramdam ako ng gutom nauuhaw din ako.




Kinagat ko ang ibabang labi ko at nginitian siya, "Gutom ako, penge pagkain.." bigla ay nagtawanan sila. Pagtawanan daw ba ang gutom ko!








"Ewan ko sa inyo! Gusto ko ng fried chicken tsaka carbonara!"





"At nag request pa nga!" Rinig kong sabi ni Tan at nagapir pa sila ni Marcelo.






After namin kumain ay napagdesisyonan nila na dito na ako patulugin  at bukas nalang daw ako umuwi binilhan din nila ako ng mga damit. Sabi naman ni Aziel saakin ay kukuhanan daw niya ako ng uniform sa bahay. Hindi nalang ako kumontra sa kanila dahil alam kong nag aalala lang sila saakin.








Nanonood ako ngayon ng cartoons dito sa sala sa second floor ng bahay ni Bir medyo malayo ang ibang mga kaklase ko mag mi-meeting daw kasi sila bawal daw ako. Sige sabi niyo e.






"Kaya ayaw ko ng kaklaseng babae.." narinig kong bulong ng isa sa kanila.





"Bakit ganyan ka magsalita? Baka marinig ka ni Chanel!" Si Clyde iyon alam ko. Siya lang naman 'yung kung bumulong ay rinig ng lahat.






"Totoo naman! Tignan mo imbis na nakapagpaburda na tayo ngayon ay siya ang pinuntahan natin." Awts. Hindi ko naman gustong mangyari 'to.





"Masyado kasing pabebe ang mga babae.." dagdag pa niya. Alam kong kasalanan ko 'to. Tama naman siya naging abala pa ako imbis na makatulong.







Three Words Better Than I Love YouWhere stories live. Discover now