17

12 4 0
                                    

Chanel Dior's POV




Nakanganga parin ako habang tinitignan ang gown ko! Ang ganda! Pakiramdam ko isa ako sa mga fairy! Light gray ang kulay ng mga manggas neto, bagsak ang part ng sa mga balikat at simula sa may tiyan ay nagfe-fade ang kulay nito.




"Nagustuhan mo ba?" Tanong ni Aziel saakin. Hinarap ko siya at sunod sunod na tumango.




"Gustong gusto! Hala thank you Aziel!" Niyakap ko siya. Nag angst ako ng tingin ng makitang natigilan siya sa ginawa ko. Ako na Ang kusang humiwalay.





"Ah, hehe.. sorry!" Nag peace sign ako. Nagtanggal siya ng bara sa lalamunan niya bago guluhin ang buhok ko.

"Tss, tyansing ka." Nakangiting aso siya. Okay na eh!


"Natuwa lang! Ikaw nga nangnanakaw ng halik!"


"I personally chose that gown, I know It will be look best on you." Dagdag pa niya. Siya talaga ng pumili neto?



"Talaga? Saan mo nabili? Magkano, pwede utang muna?"



Tumawa siya, totoo naman babayaran ko naman, utang nga lang. Haha!



"Stupid. Sayo 'yan bigay ko. Libre. Tsaka pinatahi ko 'yan."




"Seryoso? Libre? Wah! Thank you talaga Aziel!" Akma ko na naman siya sanang yayakapin pero pinigilan ko na Ang sarili ko, baka sabihan na naman niya akong tumatsansing sa kanya. Bakit may abs ba siya?


Meron!



Sabi ko nga meron! Pero ano naman kung meron siyang abs? Ako naman merong tabs.





"Dadalhin 'yan mamaya ng driver saatin, after lunch." Tumango ako, lumabas naman na siya sa kwarto ko at hindi ko na alam kung saan ko ilalagay lahat ng tuwa sa katawan ko.





Mamayang 9am ay mag start na ang acquaintance party kaya nag-ayos na ako. Isinuot ko na 'yung puting dress. Buti nalang ay kahit paano ay kaya kong mag make up. Light lang ang ginawa ko dahil hindi ako sanay sa dark make ups. Nagmumukha din kasi akong clown.


Pinatuyo ko muna ang buhok ko Bago ko ito ayusan. Inayos ko Ang bahagyang pagkakakulot ng buhok ko, sa dulo lang kasi kulot sa buhok ko. Pagkatapos ay itinali ko paikot at magkabilang gilid ng buhok ko tsaka ko inilagay 'yung headband ko na gold. 'Yung may mga butterfly na design.




Isinuot ko na din ang heals, kailangan kasi daw iyon. Rip nalang sa paa ko dahil buong araw ito.






Bumaba na ako matapos kong makapagayos. Naamoy ko ang niluluto ni manang pero kasi kumain na ako kanina. Tsaka nakapag ayos na ako, baka madumihan pa ako.




"Good morning po manang, hindi pa po ba bumababa si Aziel?"



Humarap siya saakin hawak pa ang sandok habang nakangiti. "Hindi pa Chanel, pinapasabi pala ni Ms. Lia na baka dalawang buwan siya na hindi makakauwi."



"Ganon po ba manang? Sige po, puntahan ko lang din po si Aziel." Tumango naman ito at bumalik na sa pagluluto.




Dumiretso ako sa kwarto ni Aziel na halos katapat lang ng kwarto ko. Hindi na ako kumatok dahil bahagya naman ng nakabukas ito.





"Done?" Tanong niya saakin, nagtetext ata siya kaya hindi siya tumingin saakin. Naka topless siya kagaya ng nasa usapan. Hindi ko alam ang tawag niya doon sa suot niya na pambaba.





Three Words Better Than I Love YouWhere stories live. Discover now