18

13 4 0
                                    

Chanel Dior's POV




Tumayo na si Aziel dahil pinapapila na ang pinaka representative ng bawat houses. By year level ang labanan. Nagtaka ako ng makita si Asher. Siya 'yung representative ng Sygnus?






Napansin ko na bahagya siya pumayat, hindi ba siya kumakain? Gwapo parin naman ang pinsan ko, syempre nasa lahi na iyan. Aaminin ko, namimiss ko na siya, pero kasi hindi man lang niya ako sinuyo, nagpapasuyo lang din naman ako kasi may karapatan naman siguro akong magtampo sa ginawa nila diba?







Napatingin siya sa gawi ko at alam kong ako Ang tinitignan niya dahil nagpilit siya ng ngiti, nginitian ko rin siya, natawa pa ako dahil nagulat siya sa ginawa ko. Akala siguro niya ay mumurahin ko siya. Napangiti na siya ng tuluyan, nag senyas pa ako sa kanya na galing niya. Tumango naman ito at nginuso si Aziel, pwede namang dalawa silang I cheer ko.







"Sino 'yung nginingitian mo siyan Chanel?" Tinignan pa ni Clyde 'yung tinitignan ko, sa likod kasi nakapila sila Asher kaya malapit saamin at syempre halatang may kausap ako kasi kailangang lumingon ako sa likod.






"Pinsan ko, siya pala ang representative ng Sygnus.."






"Ahh, edi kalaban natin siya?" Tumango nalang ako kaya tumango nalang din siya.







"Si Riley pinsan mo Chanel?" Biglang singit ni Andrei. Tumango ulit ako. "Oo, bakit? Magkakilala kayo?"







Umiling lang siya at ngumiti, nag shrug nalang ako.






Nagumpisa nang maglakad ang mga representative ng grade 7, Mula sa Slytherin hanggang sa Hufflepuff. Ang popogi! Puro kasi lalaki ang representative nila. Gwapo talaga tsaka pwedeng pumasa bilang model. Ang boto ko ay 'yung sa may ravenclaw.





"Pustahan tayo Chanel, doon ako sa may Gryffindor.. ikaw?" Sabi ni Harvey. Again ba naman daw akong magsugal.






"G ako! Magkano ba? Doon ako sa Ravenclaw!"







"Sige 10 pesos ha? Woooh! Go Gryffindor!" Bigla niyang sigaw, napatingin tuloy saamin 'yung ibang mga studyante at nakatanggap pa siya ng batok kay Bir.






"Ang mahal naman ng 10 pesos! 5 nalang!" Angal ko. Inilahad naman niya ang kamay niya para iseal ang deal namin.








Biglang tumayo si Bir ng lapitan siya ng isa sa mga CSL. Hindi nalang namin pinansin iyon. Sa grade 8 ay puro sila mga naka hunger games outfit. Hindi ko alam ang mechanics ng sa kanila pero ang a'astig nila! Sa grade 9 ay mga babae ang representative, Tinkerbell ang theme nila, may mga naka violet sila ang fast flying fairy, ang orange naman ay mga animal fairy ang yellow ay light fairy, green tinker fairy, ang blue ay water fairy at ang pink ay Garden fairy, walang winter, scout tsaka thunder fairy.








Gusto ko hiramin 'yung mga pakpak nila! Kuhang kuha pa nila ang mga suot ng mga fairies doon! Saan kaya nila nabili 'yun?











Maya maya lang ay bumalik na si Bir at hindi mapakali. Tumabi siya saakin. "Chanel may problema tayo," bulong niya saakin. Bigla naman akong kinabahan.







"Ano 'yung lumubha ba sakit ni Aziel? Anong nangyari?" Tanong ko dito, sabi ko na nga ba! Puro kasi okay lang ang sagot nung lalaki na iyon! Mamaya ma disqualify pa kami!







"Ha? May sakit si Aziel?" Takang tanong niya, ay ano ba 'yung problema?







"Wala.. ano ba 'yung problema?"





Three Words Better Than I Love YouWhere stories live. Discover now