"Yung sa librong binasa ko kagabi? Grabe! Deserve talaga yun ng kontrabida, nilunod kasi nila sa drum na puno ng asido" tunawa ako
"Ayun walang natira-- ay! Maliban na lang pala sa ngipin at kuko niya, malamang hindi kasi yun matutunaw ng asido e" nakasimangot naman siyang nakikinig sa akin. Mainis ka!
"Diyan ka na nga! Libro na naman ang bukambibig mo akala ko totoong lalaki na yang iniisip mo" napatawa naman ako sa narinig. Mas binilisan niya ang paglalakad niya.
"Uhm hi" napatingin ako nang may narinig na boses ng lalaki sa tabi ko lang. Napatigil ako sa paglalakad kaya napatigil rin siya sa paglalakad.
Tiningnan ko naman ito tsaka hinarap ng nakangiti. May maliit na ngiti sa labi niya habang parang hindi makatingin sa akin.
"Yes?" nakita ko pang nag-alinlangan pa itong magsasalita. Parang timang lang. . . Sayang sa gwapo niyang yan? Dapat nga ay pinagyayabang niya yan e.
"Magatatanong lang sana ako?" Tinaasan ko naman siya ng kilay habang si Em naman ay hinihintay niyang magsalita ang lalaki.
"Kayo ba ang mga pinsan ni Miley?" Napataas na lang ang dalawang kilay ko sa sinabi niya. Ano kayang ginawa ni Miley?
"At bakit mo naman tinatanong? May kalokohan ba siyang ginawa?" tanong ni Em sa kaniya. Nanlaki naman ang mga mata nito at kaagad na umilinghabang kinakaway ang kamay sa hangin na para bang sinasabi na hindi.
Bakit parang kinakabahan siya? Kung tutuusin kahit siguro isang suntok niya lang sa akin ay mahihimatay na ako sa laki at taas ba naman niya. Or baka? Isang suntok ko lang ay mahimatay na siya? Malaki nga ang lamya-lamya naman
Siguro mga aabot rin siyang 6 feet. Not bad. Bagay lang naman ang ulo niya sa katawan niya. I mean may mga tao kasing malalaki ang katawan tapos maliit lang naman ang ulo nila.
Nakakaturn off kasi sa akin ang masyadong malaki ang katawan. Buti pa si Eli kahit maamo ang mukha bagay naman sa katawan niya.
Bakit ba siya napasok sa usapan na'to? Sino ba siya para pumasok sa isip ko? Nga naman! Sino ba yan?
"And why are you asking us?" tanong ko naman sa kaniya. Mukhang wala namang harm sa kaniya but I can't help it.
"Uh kasi tatanungin ko lang sana kung bakit hanggang ngayon hindi pa siya pumapasok?" Nakayuko nitong sambit na nagpataas ng isang kilay ko. Buti na lang nakatigil kami sa gilid ng isang puno kaya hindi kami naiinitan.
Bakit kasi siya bigla-biglang sumusulpot lang e. Nasa gilid na rin naman namin ang canteen kaya malapit na sana akong makakabili ng burger with patty (minsan kasing bumili ako ng burger sabi nila with patty po? Like duh! Obvi kaya nga burger diba) cheese and egg.
"Bakit mo naman tinatanong? At bakit ba parang hindi ka makatingin sa amin? Pangit ba kami? Oh baka naman may disease sa mga mata namin na kapag tumingin ka mamatay ka na agad" Diretsong sabi ko, nakaka-insulto na kasi na parang hindi siya makatingin sa amin. Parang mas matanda pa nga siguro sa amin 'to eh.
"Kasi may tatanungin lang sana ako sa kaniya at dahil. . . mahiyain lang talaga ako Pres and Rep and to clear, hindi kayo pangit" napairap na lang ako sa hangin. Bakit niya ba kasi hinahanap si Miley? As if naman boyfriend siya ng pinsan ko.
"Ano bang tatanungin mo sa kaniya?" Ngayon ay nakatingin na ito sa amin ng seryoso. Parang baliw. May bipolar disease ba 'to? Ang bilis magpalit ng mood ah
"Sorry mga bata pero hindi niyo ako masasagot" Bata? I wonder why he's calling us that? Kanina tinatawag niya pa akong Pres e.
"Aba't-! Anong sabi mo!?" Biglang sigaw ko sa kaniya at mabuti na lang ay nahawakan kaagad ako ni Em kung hindi, basag na yang mukha niya sakin.
"Sorry sa abala" nakangiti na siya ngayon. Baliw talaga! "Mauuna na ako and please don't tell this to Miley" masama lang ang tingin ko sa kaniya habang siya naman ay nakangiti lang at umalis na sa harapan namin.
Nakita tuloy namin ang surname niya sa jersey at nakalagay pa ngang CAPTAIN sa jersey niya. Hindi man ako fan ng basketball ay alam ko naman ang jersey nila dahil dumadaan muna sa amin ang mga bagay-bagay na tungkol sa mga clubs o about sa sports at dahil na rin sa varsity ng university.
Nagtataka naman akong nakatingin lang sa retreating figure niya. May gusto ba yun sa kapatid ko? Like freshman then senior? Wow! Grabeng agwat yan. Hindi naman siya ang magiging captain kung hindi siya graduating e.
Hindi tulad ng ibang school kapag magaling ka ikaw na ang captain. Dito kasi kapag graduating ka na and plus magaling ka. Unfair daw sabi ng iba, e anong magagawa nila? Mas may experience naman kasi yun e.
Nang makarating kami sa cafeteria ay may nakita akong nagkukumpulan na mga babae. Anong meron dito? As the President of the Student Body lumapit ako sa kanila.
Naningkit na lang ang mga mata ko nang makita kung sino ang pinagkakaguluhan nila. Naramdaman ko ata ang pagkulo ng dugo ko dahil sa nakita ko.
Bakit ba nandito sila?!
June 7, 2022
EDITED VERSION
#OnlyExceptionWP
YOU ARE READING
Only Exception (UNDER REVISION)
RandomDoes love really exist? To the family who always has an unsuccessful marriage? To the family for whom marriage is just a duty? A duty you need to fulfill when you find a person you think is suitable for you? A marriage that isn't made of love, but...
