"Yes po, Nay. Don't worry, Tita, I like studying and my extracurricular activities are always balanced" I said while smiling. I hate this. Napatingin ako kay Em na nagpapatuloy lang sa kaniyang pagkain.
Kapag nasa hapag you must know the table etiquettes, if not, you will be punished with no gadgets or book for two days. You'll maybe say na, 'two days lang? Mabubuhay ka naman niyan ah'. If only you knew how hard it is to survive this household without a phone and of course, I'm taking care other things.
"As for, Marianne, I'm proud of your fashion show last week, hija. Ang ganda ng mga designs mo, are you sure you want to pursue med and not fashion designing or maybe tailoring?" Nakangiti itong nakatingin kay Em ngayon na napatigil rin sa pagkain.
"Gusto ko pong mag-med, Nay" sagot sa kaniya ni Em.
"Alright then" bumalik naman siya sa pagkain. I sighed, kapag si Em okay lang kung fashion designing pero kapag ako sa communication, ayaw niya.
I was crying from the moment Nanay locked me in this room. There is a bed, a window that can't be open, a closet which is full of white dresses and an aircon. Pinahiran ko ang mga luhang pumapatak sa mga mata ko. Hindi dapat ako umiiyak.
Crying is pathetic. If Nanay finds out about this she might extend my stay here. It's been 15 minutes after she locked me in here. The walls were painted in white that—will drive me crazy if it weren't for the window.
She locked me in here dahil nakita niyang nagkaroon ako ng cuatro sa report card ko ngayong semestre. Hindi ko naman inaasahan ang cuatro na yun.
I told her already, unti-unti na akong kinakain at pinapagod ng legal management pero ayaw niyang makinig at mas lalong nagalit lang kaya niya ako kinulong rito.
Sabi niya sakin ay kailangan ko raw na mahimasmasan sa kahibangan ko. Kailangan ko raw na maging isang abogado tulad ng pinangako ko sa kaniya noong 4 years old pa lang ako.
Humiga ako ng kama at pinagmasdan ang kisameng malayo sa kisame ng aking kwarto. Mine was full of daisies and lavenders but this? This is dull. Pinikit ko ang aking mga mata at gumawa ng sariling mga senaryo sa aking isipan. Dun ko na rin nalaman na may kakayahan pala akong gumawa ng kwento.
Napatingin ako sa mesang merong isang ballpen at notebook. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at lumapit sa mesang iyon. Umupo ako sa upuang nasa harap nito at binuksan ang notebook wala namang nakasulat roon na kahit ano.
Kinuha ko ang ballpen at nagsimulang magsulat. Hindi ko akalain na ang punishment sa akin ni Nanay ay yun pala ang makakagising sa natutulog kong talento sa pagsusulat.
Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam muna ako sa pamilya bago bumalik sa aking kwarto. Napasandal ako sa likod ng pinto ko at napabuntong hininga na lamang. Ano ba namang buhay to.
Lumapit ako sa kama kung saan ko naiwan ang cellphone ko kanina. Napahiga ako habang ang kalahating katawan ko ay nasa sahig Binuksan ko ito at napataas ang kilay nang makita ang maraming message request ng gurang na iyon.
Elijah Iverson
Grabe ka naman
Siniseen mo lng ako😔
Accept mo na ako 😭
Hoy nakatulog ka ba?
Grabe ha!
sorry naiwan ko kasi ang
phone ko sa kwarto
nagdinner pa ako
Nakita ko namang typing siya at dahil ayaw kong pinaghihintay ako ay nilapag ko ang phone sa bedside table. Pero kaagad ko namang kinuha yun para i-accept ang friend request niya.
BINABASA MO ANG
Only Exception (UNDER REVISION)
RandomDoes love really exist? To the family who always has an unsuccessful marriage? To the family for whom marriage is just a duty? A duty you need to fulfill when you find a person you think is suitable for you? A marriage that isn't made of love, but...
