Wakas

5.2K 119 17
                                    

"KAILANGAN ba talaga iyon, munting babae? Mag-asawa na naman tayo pero bakit kailangan pa nating sumunod sa pamahiin na 'yan?" nakasimangot na reklamo ni Damon na mahinang ikinatawa ni Phoenix.

"Ang sabi naman sa pamahiin ay bawal magkita ang bride at groom sa mismong araw ng kasal, lalo na ilang oras bago ang seremonya pero bakit kailangan pang maghiwalay tayo ngayong gabi? Puwede namang bukas ng umaga na lang ilang oras bago ang kasal natin," pagpapatuloy nito habang nakabusangot ang mukha na parang batang inagawan ng candy.

"Sumunod ka na lang sa mga sinasabi nila. Isang gabi lang naman tayong maghihiwalay kaya huwag ka nang magreklamo riyan. Wala rin namang magagawa kahit na magreklamo ka nang magreklamo dahil ang masusunod pa rin naman ay ang gusto ng mga magulang mo," natatawang wika ni Phoenix. Parang batang nagdabog si Damon bago umupo sa tabi niya. Kanina pa ito nagrereklamo nang malaman nitong uuwi muna siya at hindi sila puwedeng magkita bago ang kasal nila bukas.

Kasalukuyan silang nasa living room at maya-maya ay ihahatid siya nito pauwi sa bahay ng kanyang ama. Doon muna siya magpapalipas ng gabi na kanina pa tinututulan ni Damon. Lagi nitong iginigiit na mag-asawa na naman sila kaya hindi na nila kailangan pang sumunod sa ganoong pamahiin. Pero kahit na anong gawing pagtutol nito ay ang gusto pa rin ng mga magulang nito ang masusunod. Wala itong magawa sa mga magulang nito kaya siya naman ngayon ang kinukulit ni Damon.

"Pero-"

"Walang nang pero-pero, Damon. Susunod ka sa gusto nila o walang kasal na mangyayari bukas? Mamili ka," pagputol ni Phoenix sa pagrereklamo ng kanyang asawa dahilan para tumigil ito.

"Ang sabi ko nga sila ang masusunod," nakasimangot at halatang napipilitang sagot ni Damon. Labag man sa kalooban nito ang gusto ng mga magulang ay wala na itong nagawa kundi sundin ang gusto ng mga ito.

Lumipas ang kalahating oras at inihatid siya ni Damon sa bahay ng kanyang ama. Tahimik lang ito habang nasa sasakyan sila na parang may malalim na iniisip. Maya't-maya rin ang pagbuntong-hininga nito na parang may malaking problema.

Hinayaan na lang niya si Damon hanggang sa makarating sila sa bahay ng kanyang Itay at umalis din kaagad ito matapos siya itong ihatid sa loob ng bahay. Hindi na rin nito pinaunlakan ang pag-aanyaya ng kanyang Itay na manatili muna ito roon kahit kaunting oras para uminom at makipagkuwentuhan. Magalang nitong tinanggihan ang kanyang ama sa kadahilanang may kailangan pa itong tapusing trabaho.

Mabilis na lumipas ang oras hanggang sa sumapit ang gabi. Hindi alam ni Phoenix kung nagtatampo ba sa kanya si Damon o masyado lang itong abala dahil mula nang umalis ito matapos siyang ihatid ay wala na itong naging paramdam sa kanya. Samantalang noon, sa tuwing pumupunta ito sa trabaho ay halos maya't-maya itong nagte-text o tumatawag sa kanya kapag naiiwan siya sa malaking bahay.

Nakahanda na siya para matulog at kasalukuyan siyang nakaupo sa kanyang kama. Hinahaplos niya ang kanyang malaking tiyan dahil sobrang likot ng kambal na nasa sinapupunan niya na parang hinahanap ng mga ito ang presensya at boses ng ama. Tuwing ganoong oras kasi ay kinakausap ang mga ito ni Damon habang hinahaplos ang kanyang tiyan. May pagkakataong kinakantahan pa ni Damon ang kambal at kinukuwentuhan ng kung ano-ano.

"Wala ngayon ang Daddy ninyo, babies. Walang makikipagkulitan sa inyo ngayong gabi," nakangiting wika ni Phoenix habang hinahaplos ang kanyang tiyan.

Hihiga na sana si Phoenix nang biglang nag-vibrate at umilaw ang cellphone niya na nakapatong sa maliit na mesa na nasa tabi ng kanyang kama. Kinuha niya ang cellphone at kumunot ang noo nang makitang may mensahe galing kay Damon. Binuksan niya iyon at napailing na lang siya nang mabasa ang mensahe galing sa napakakulit niyang asawa.

Open your fucking window and let me in, munting babae.

Umalis siya sa kama at nagtungo sa bintana para buksan iyon. Pagbukas niya ng bintana ay bumungad sa kanya ang malawak ang ngiting si Damon pero nauwi ang ngiti nito sa ngiwi nang samaan niya ito ng tingin. Parang naulit lang ang nangyari noon noong mga panahong kinukulit pa siya nito. Noong pinupuntahan siya ni Damon at sa bintana niya ito dumadaan.

Damon's PossessionWhere stories live. Discover now