Chapter 29

3.6K 105 23
                                    

"DAMON..." tanging salitang namutawi sa labi ni Phoenix dahil sa kabang nararamdaman. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya at hindi niya maiwasan ang hindi matakot kay Damon dahil hindi siya sanay na makitang ganoon ito. Para siyang kakainin nito ng buhay kung tingnan siya sa mga oras na iyon ni Damon.

"In. My. Room. Now!" mariin at medyo may kalakasang wika ni Damon na mariin niyang ikinapikit.

Nakagat ni Phoenix ang nangangatal niyang labi at kahit tila bibigay na ang nanghihina niyang tuhod dahil sa nararamdamang pinaghalong takot at kaba ay humakbang siya papasok sa bahay at tinahak ang daan patungo sa kuwarto nito. Alam niyang nakasunod sa kanya si Damon dahil ramdam niya ang presensya nito sa likod niya. Ramdam niya rin ang titig nito dahilan para magtayuan ang balahibo niya sa batok.

"Dumating ka na pala, hija. Alam mo bang kanina pang hindi mapakali itong si Damon. Kulang na lang ay halughugin niya ang buong San Antonio sa paghahanap sa 'yo kanina," wika ng ama ni Damon nang makasalubong nila ito sa hagdan.

"Pasensya na po. Nawala po kasi sa isip kong tumawag sa kanya kanina," wika niya sa ginoo at tumango lang ito.

"Aakyat na kami, Dad. May kailangan lang akong parusahan dahil sa pagiging pasaway niya. Baka hindi rin po kami makasabay sa dinner mamaya," dinig niyang wika ni Damon sa ama na ikinatungo niya. Narinig pa niya ang mahinang pagtawa ng ginoo bago marahang tinapik ang balikat ni Damon.

"Bumaba na lang kayo kapag nagugutom na kayo. Ako na ang bahalang magpaliwanag sa Mom mo kung bakit hindi kayo makakasabay sa dinner mamaya," dinig niyang wika ng ginoo.

"Salamat, Dad."

"Goodluck, Nix!" dinig pa niyang pahabol na wika ng ama ni Damon na ikinapula ng mukha niya dahil alam niyang alam ng ginoo ang tinutukoy na parusa ng anak.

Nagpatuloy sila sa pag-akyat sa hagdan hanggang sa makarating sila sa tapat ng kuwarto ni Damon. Kahit mag-asawa na sila ay magkahiwalay pa rin sila ng kuwarto dahil iyon ang gusto niya na hindi naman tinutulan ni Damon. Pero madalas ay nakikitulog ito sa kuwarto niya kaya parang wala ring silbi ang paghihiwalay nila ng silid. Kaya rin siguro ito pumayag na magkahiwalay pa rin sila ng kuwarto ay dahil malaya pa rin naman siya nitong nakakatabing matulog. Halos lumipat na nga ito sa kuwarto niya.

Minsan ay sa attic din sila nagpapalipas ng gabi at hindi na lang iyon nagsisilbing mini studio ni Damon dahil madalas ay nagiging kuwarto nila iyon bilang mag-asawa dahil doon siya madalas inaangkin nito. Basta umakyat sila sa attic ay hindi sila umaalis doon nang walang namamagitang sekswal sa kanilang dalawa. Minsan na lang din naman ito makapagpinta dahil abala ito sa trabaho at kapag nasa bahay naman si Damon ay abala naman ito sa kanya. Basta yayain siya ni Damon na umakyat sa attic ay alam na niya ang gusto nitong mangyari.

"Papasok ka ba o baka naman gusto mong diyan na kita sa labas parusahan?" wika ni Damon na ikinaputol ng malalim na iniisip ni Phoenix. Hindi niya napansin na nabuksan na pala nito ang pinto ng kuwarto at nakapasok na ito sa loob.

Marahang humakbang siya para pumasok at tila nakaramdam na ng pagkainip si Damon sa mabagal niyang pagkilos dahil hinawakan na siya nito sa braso bago iginiya para umupo sa kama.

"Ngayon ka magpaliwanag," seryosong wika nito at napalunok siya nang isa-isa nitong kalasin ang butones ng long sleeve polo na suot nito.

Bumukas ang bibig ni Phoenix para sana simulang magpaliwanag pero tila naging blanko ang isipan niya at nakalimutan niya ang dapat niyang sabihin nang tuluyang mahubad ni Damon ang pang-itaas na suot nito. Kusang naglakbay ang mga mata niya sa makisig na katawan ng asawa at nanatiling nakabukas ang bibig niya habang pinagsasawa ang mga mata sa hubad na itaas na bahagi ng katawan ni Damon. Maraming beses na niya iyong nasilayan, nahaplos at nahawakan pero natitigilan pa rin siya kapag nakikita ang hubad nitong katawan, sobrang lakas pa rin ng epekto nito sa kanya.

Damon's PossessionTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang