Chapter 15

4.2K 128 37
                                    

KAHIT pagod sa mahabang biyahe at malalim na ang gabi ay dumiretso pa rin si Damon sa tinitirhan ni Phoenix at ng ama nito. Isinama siya ng kanyang ama papuntang lungsod pagbalik niya sa malaking bahay kahapon kaya hindi na siya nakapagpaalam pa kay Phoenix. Nagkaroon ng problema ang isa sa negosyo ng kanyang ama at kinailangan ang tulong niya kaya halos buong araw siyang abala.

Mabuti na lang at naayos agad iyon kaya pinayagan siya ng kanyang ama na bumalik sa San Antonio at kahit gusto na niyang umuwi para magpahinga ay dumiretso siya sa bahay ng mag-amang Specter para humabol sa kaarawan ni Phoenix. May isang oras pa namang nalalabi bago magpalit ang araw kaya abot pa siya. Sana lang ay hindi nagtampo sa kanya ang dalaga dahil nangako siya rito kahapon na babalik siya at may ibibigay rito.

Hindi na siya bumaba ng kanyang sasakyan at nakiusap na lang siya sa ama ni Phoenix na gusto niyang makausap ang dalaga. Lumapit ito sa kanya kanina nang mapansin ang pagdating ng sasakyan niya. Humingi siya sa ginoo ng paumanhin dahil pumunta pa siya kahit malalim na ang gabi. Sinabi niya rin sa ginoo na humabol lang siya sa kaarawan ni Phoenix at malawak siyang napangiti nang sabihin nitong hinintay siya ng dalaga. Pero nakaramdam din siya ng konsensya nang sabihin ng ginoo na malungkot si Phoenix nang pumasok ito sa sariling silid para magpahinga dahil umasa itong dadating siya. Nagtampo raw ang dalaga dahil isa siya sa inaasahan nitong dadalo sa kaarawan nito pero hindi siya dumating.

Ilang minuto ang lumipas buhat nang bumalik sa loob ng bahay ang ama ni Phoenix ay nakita niyang lumabas si Phoenix. Napalunok siya nang masilayan ang dalaga lalo na sa suot nito ngayon na isang malaking t-shirt na umabot sa gitna ng hita nito ang laylayan. Parang wala na rin itong suot na pang-ibaba kung titingnan dahil maiksi ang suot nitong shorts. Nakalugay lang din ang mahaba nitong buhok and she looks damn hot habang naglalakad ito palapit sa sasakyan niya. Parang natuyo ang kanyang lalamunan kaya sunod-sunod siyang napalunok habang hindi inaalis ang mga mata sa dalaga.

"Bakit hindi ka pumasok sa loob ng bahay? Kumain ka na ba? May natira pang pagkain sa loob kung nagugutom ka," wika ni Phoenix nang pagbuksan niya ito ng pinto ng sasakyan. Pinapasok niya ito sa loob.

"Nagugutom ako pero parang iba ang gusto kong tikman at kainin ngayon, munting babae..." paos ang boses na wika niya habang nakatitig sa labi nito. Mabilis itong nag-iwas ng tingin sa kanya na pilyo niyang ikinangiti. Hindi niya talaga mapigilan ang taglay niyang kapilyuhan kapag nasa tabi niya ang dalaga. Mabuti na lang at hindi ito natu-turn off sa kanya.

"Bakit ngayon ka lang?" pag-iiba nito sa usapan.

"Sorry. Isinama ako ni Dad sa Manila kahapon dahil nagkaroon ng problema sa isang negosyo niya roon. Hindi na ako nakapagpaalam sa 'yo kahapon dahil biglaan," wika ni Damon at huminga nang malalim. "Maghapon akong abala at pinilit kong tapusin ang dapat kong gawin para makahabol ako sa kaarawan mo. Dito na agad ako dumiretso para makaabot ako. Pasensya na kung ngayon lang ako," seryosong dagdag niya habang nakatitig kay Phoenix. Hindi niya itinago rito ang pagod na kanyang nararamdaman at pagod niya rin itong nginitian.

"Hindi ka na sana nag-abala pang pumunta kung pagod ka, nagpahinga ka na lang sana. Maiintindihan ko naman kung bukas mo na lang ipaliliwanag ang rason mo kung bakit hindi ka nakapunta ngayon," wika ni Phoenix na ikinailing niya.

"Hindi puwede, baby. Hindi ko puwedeng palampasin ang mahalagang araw na ito para sa 'yo. Nangako rin ako kaya dapat tuparin ko 'yon." Kinuha niya ang kamay ni Phoenix at hinalikan ang likod no'n. Hindi nito binawi ang kamay sa kanya at hinayaan lang nitong paulit-ulit na patakan niya ng halik iyon.

"Happy birthday, baby..." bulong niya habang nakalapat ang labi niya sa likod ng kamay nito.

"S-Salamat..." nauutal na mahinang wika nito at bumaba ang mga mata niya sa labi ng dalaga nang kagatin nito iyon.

Damon's PossessionWhere stories live. Discover now