Chapter 25

4.7K 99 9
                                    

HALOS mapunit ang labi ni Damon dahil sa malawak na ngiti nang magising siya pagsapit ng umaga. Walang pagsidlan ang saya niyang nararamdaman habang parang baliw na pinagmamasdan si Phoenix at ilang minuto na niyang ginagawa iyon. Hindi niya alam kung gaano kahaba ang naging tulog niya pero kahit ganoon ay hindi mababakas ang puyat at pagod sa kanya. Kahit yata paulit-ulit niya muling angkinin si Phoenix ay kanyang makakaya pa.

Parang hindi pa rin siya makapaniwala hanggang sa mga oras na iyon na sa wakas ay may namagitan ng sekswal sa kanilang dalawa ni Phoenix, sa wakas ay naangkin na rin niya ang katawan ng dalaga na noon ay lagi lamang laman ng pantasya at panaginip niya. Magiging pagmamay-ari na rin niya ito sa wakas kapag naproseso ang marriage contract na pinapirmahan niya kay Phoenix kagabi.

Alam ng mga magulang niya ang kanyang plano at sa katunayan ay ang mga ito ang nag-asikaso ng lahat. Ang mga ito na rin ang bahala para maging balido na mag-asawa na silang dalawa ni Phoenix. Bago na lang niya ito pakasalan sa simbahan kapag nakapagtapos na ito sa pag-aaral at kapag handa na talaga ito. O kaya naman ay kapag nalaman niyang mahal din siya ng dalaga.

Nalaman din niya na kinausap na rin ng kanyang mga magulang ang ama ni Phoenix tungkol sa mga plano niya, si Phoenix lang talaga ang walang alam. Bago din siya umuwi kahapon galing sa opisina ay dumaan muna siya sa hospital para bisitahin ang kanyang Ate Joy at para na rin kausapin ang ama ni Phoenix tungkol sa plano niya at pumayag naman ito. Kaya malawak ang ngiti niya nang makauwi siya kahapon.

Hindi niya alam kung nakailang beses niyang inangkin si Phoenix kagabi kaya hindi na siya nagtaka kung bakit hanggang sa mga oras na iyon ay tulog pa rin ito. Marahan at may pag-iingat ang ginawa niyang pag-angkin dito kagabi kahit na sobrang sabik na sabik na siyang gawin dito ang kanyang mga pantasya pagdating sa ibabaw ng kama. May mga susunod pa namang pagkakataon na aangkinin niya ito at doon na lang niya gagawin ang kanyang mga pantasya kay Phoenix, mga pantasyang noon pa nabuo sa isipan niya habang pinagmamasdan ang dalaga.

Ninakawan muna niya ng halik sa labi si Phoenix bago siya umalis sa tabi nito. Baka makagawa pa siya ng kapilyuhan na kanina pang tumatakbo sa kanyang isipan lalo na at pareho pa silang walang saplot sa ilalim ng puting kumot. Idagdag pa na kanina pang handa ang nasa pagitan ng kanyang mga hita.

May sumilay na ngiti sa labi ni Damon nang makita ang kaunting mantsa ng dugo na ebidensya na siya ang nakakuha ng kainosentehan ni Phoenix. Alam niyang nabibilisan si Phoenix sa mga nangyayari sa kanilang dalawa pero masaya siya dahil kahit ganoon ay ipinagkaloob pa rin nito ang sarili sa kanya. Kahit naman buo na ang desisyon niyang angkinin ito pero kung tumanggi si Phoenix ay hindi niya 'yon itutuloy. Ang hindi lang siya mapipigilan ay ang gawing pagmamay-ari niya ang dalaga na kahit tumutol ito ay wala itong magagawa dahil gagawin niya ang lahat para mangyari iyon.

Iniwan niya sa kanyang silid si Phoenix para ipagluto ito ng breakfast. Hindi muna siya naligo dahil plano niyang sabay na lang sila ni Phoenix na mag-shower mamaya pagkatapos nilang kumain ng almusal. Isinuot niya lang ulit ang brief at boxer short na hinubad niya kagabi na pinarisan niya ng puting sando. At sinadya niya iyon ang isuot para makita ng mga magulang niya ang mga markang gawa ni Phoenix sa kanyang leeg at balikat, para malaman ng mga itong tagumpay siya sa kanyang planong angkinin si Phoenix at ang gawing pagmamay-ari niya ito. Dala niya rin ang folder na may lamang marriage contract na pinapirmahan niya kay Phoenix kagabi para ibigay sa kanyang Dad.

"Good morning, Mom! Dad!" malawak ang ngiting bati niya sa mga magulang na nadatnan niya sa kusina. "Nasaan po si Nana Perla?" kunot-noong tanong niya nang hindi makita ang matanda at ang kanyang Mom ang nagluluto na tinutulungan ng kanyang Dad.

"Good morning, anak. Kaaalis lang ni Manang Perla para puntahan si Joy sa hospital dahil ngayon ang labas niya. Baka mamayang hapon pa ang balik niya," sagot ng kanyang Mom na hindi tumitingin sa kanya. Ang kanyang Dad lang ang tumingin sa gawi niya at agad na tumuon ang mga mata nito sa ilang marka niya sa leeg at sa bakas ng kagat ni Phoenix sa kanyang balikat. May sumilay na pilyong ngiti sa labi ng kanyang Dad bago ito napailing.

Damon's PossessionWhere stories live. Discover now