Simula

9.6K 193 46
                                    

"HELLO, handsome. Wanna sleep with me tonight? Your place or mine?"

Hindi pinansin ni Damon ang babaeng lumapit sa puwesto niya. Idinikit pa nito ang katawan sa kanya at nagtayuan ang balahibo niya sa batok nang dilaan ng babae ang kanyang tenga at bahagya pang kinagat. Nagtayuan ang balahibo niya hindi dahil naapektuhan siya sa ginawa at sa presensya nito kundi dahil sa narinig na mga salitang lumabas sa bibig ng babae.

Hindi naman iyon ang unang beses na may magyaya sa kanyang makipag-sex pero ang hindi niya gusto ay ang babae ang lalapit at magyayaya sa kanya. Wala sa bokabularyo niya ang makipag-one night stand lang, ang pumatol sa panandaliang ligaya. At sa kasamaang-palad ay wala pa siyang natitipuhang babae kaya sa edad na twenty-one ay birhen pa siya kahit na nag-aaral siya sa liberadong bansa. Pero kahit ganoon, hindi naman siya inosente pagdating sa ganoong bagay.

"Sorry, but I'm not interested. I'm not here to hook up," balewalang pagtanggi ni Damon kahit nang umupo ang babae sa kandungan niya. She tried to kiss him pero mabilis siyang umiwas. Sinamaan niya ito ng tingin na may halong pagbabanta dahilan para bumakas sa mukha nito ang takot. Mabilis itong umalis sa kandungan niya na ikinatawa ng kaibigan niyang nagyaya sa kanya para pumunta doon.

"Sayang siya, bro. Kung ako sa'yo papatulan ko siya. Malapit ka na rin namang bumalik sa Pilipinas kaya bakit hindi mo na sulitin ang mga nalalabing araw mo rito sa ibang bansa? Huwag mong palampasin ang pagkakataong makatikim ng ibang lahi," nakangising wika ng kaibigan na ikinailing na lang ni Damon.

"Hindi ako pumunta rito para sa ganyan. Pumunta ako rito para mag-aral," sagot niya sa kaibigan. Ito naman ang napailing sa kanyang tinuran.

"Napakaseryoso mo naman sa buhay, bro. Maaga ka niyang tatanda. Pasarap din naman pag may time. Basta ako... magbibilang muna ako ng babae bago bumalik sa Pilipinas. Magkakalat muna ako ng ating lahi rito sa ibang bansa," pilyong wika ng kaibigan bago malakas na tumawa.

Napangiti at napailing na lang si Damon sa taglay na kalokohan ng kaibigan. Walang halong biro ang sinabi nito. Dahil sa ilang taon na niya itong kasama sa ibang bansa ay kilala na niya ito at lahat ng kalokohang ginagawa ng kaibigan ay alam niya. Wala itong pinapalampas na babae basta magpakita ng motibo sa kanyang kaibigan. Siya tanggi nang tanggi, ang kaibigan naman niya salo nang salo. Basta may suot na palda ay pinapatulan nito.

"Huwag ka sanang tamaan ng karma dahil diyan sa mga kalokohang ginagawa mo. Sobrang maningil ang karma, bro. Walang patawad. Kaya habang maaga pa ay itigil mo na ang mga kalokohan mo," seryosong payo niya sa kaibigan na tinawanan lang nito.

Kasalukuyan silang nasa isang bar dahil nagyaya ang kanyang kaibigang lumabas sila para daw magliwaliw at maghanap ng aliw o kaaliwan. Wala sana siyang planong sumama pero pinilit siya nito at dahil malapit na rin naman silang maghiwalay ng tatahaking landas ay  pinagbigyan na niya ito. Pero hindi sa kalokohang gusto nitong gawnin niya tulad ng pumatol sa mga babaeng lumalapit sa kanya.

Tapos na siya sa pag-aaral kaya wala ng dahilan para manatili pa siya sa ibang bansa. Pag-aaral ang ipinunta niya roon at ngayong tapos na siya ay hindi siya tutulad sa kanyang kaibigan na mananatili pa roon para magliwaliw. Hindi naman kasiyahan para sa kanya ang manatili pa roon at pumatol sa iba't-ibang babae tulad ng gusto ng kaibigan niya, ganoon ang depinisyon ng kaibigan niya sa salitang kasiyahan. Pero ang kasiyahan sa kanya ay ang umuwi sa bansang sinilangan, sa piling ng kanyang mga magulang dahil sobrang miss na miss na niya ang mga ito. Hindi rin naman kasi ang mga ito nagtatagal sa ibang bansa kapag binibisita siya ng mga ito dahil sa mga negosyong maiiwan, pinakamatagal na ang isang linggo.

Inubos niya ang lamang alak ng baso niya at bahagyang napapikit dahil tinamaan na siya ng epekto ng alak. Malalim na rin ang gabi kaya plano niyang magpaalam na sa kaibigan na babalik na sa apartment na kanyang tinutuluyan. Hindi niya puwedeng sabayan ang kaibigan dahil ginagawa nitong umaga ang gabi at gabi naman ang umaga. Siya naman ang tanging gustong gawin pagdating ng gabi ay ang humilata sa ibabaw ng kanyang kama. Aral sa umaga, pahinga sa gabi. At kapag may libreng araw ay naghahanap siya ng sideline para hindi lahat ay iaasa niya sa pera ng kanyang mga magulang. May sarili naman siyang pera na pamana ng kanyang yumaong lolo at sariling ipon pero hindi niya iyon ginagalaw dahil na rin sa utos ng kanyang mga magulang. Hangga't kaya raw siyang suportahan ng mga magulang niya ay hindi niya dapat galawin ang kanyang sariling pera. Para daw iyon sa kanyang future at hindi para sa kanyang pag-aaral dahil sagot pa raw iyon ng mga ito.

Damon's PossessionNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ