Chapter 11

4.9K 137 59
                                    

"NIX!" malawak ang ngiting pagtawag ng lalaking kasama ni Manang Perla kay Phoenix. Kung hindi siya nagkakamali ay ito ang kababata at matalik na kaibigan ni Phoenix na nagngangalang Marco. Pero sa nakikita ni Damon ay hindi lang basta kaibigan ang turing nito sa dalaga. May lihim itong pagtingin sa munting babae niya at hindi niya iyon gusto. Akin lang ang munting babae ko, akin lang ang isang Phoenix Specter!

"Marco? Anong ginagawa mo rito?" kunot-noong tanong ni Phoenix sa kaibigan at mas nagsalubong ang kanyang mga kilay nang mahigpit na yakapin ni Marco ang dalaga.

Kumuyom ang kamao ni Damon at sobra-sobra ang ginawa niyang pagpipigil para hindi lumapat sa mukha ni Marco ang kanyang kamao. Gustong-gusto na niya itong saktan dahil sa ginawa nitong pagyakap sa munting babae niya. Siya nga nayayakap lang niya si Phoenix kapag tulog ito tapos ang lakas ng loob ng lalaking ito na yakapin ang munting babae niya sa mismong harapan niya. Fuck! Ang sarap niyang balian ng braso...

"Binibisita ka. Nami-miss na kasi kita," nakangiting wika ni Marco matapos nitong yakapin si Phoenix. Masama niyang tiningnan ang dalawa at nakaramdam din siya ng inis sa dalaga dahil hindi man lang nito itinulak ang asungot na kaibigan nito. Pero ang mas nakakainis ay parang hindi siya nakikita ng mga ito, parang wala siya sa paligid kung magtitigan ang dalawa na ikinatiim ng bagang niya.

"Nami-miss ka riyan. Wala pa kayang isang buwan buhat nang magtrabaho ako rito," wika ni Phoenix at inikutan ng mga mata ang kaibigan. Sabihin ng isip-bata pero kahit iyon ay ikinainis niya. Dapat siya lang ang iikutan nito ng mata, dapat siya lang ang susungitan ng dalaga at higit sa lahat dapat ay nasa kanya lang ang atensyon ng munting babae niya. Damn!

"Pero nasanay na kasi akong bumibisita sa inyo at halos araw-araw kang nakikita. Nami-miss ko na ring bumuntot sa 'yo na parang aso at higit sa lahat ay nami-miss ko na ang mga luto mo," nakangusong wika ni Marco na halatang nagpapa-cute sa munting babae niya. Umismid siya habang masamang nakatingin sa kanyang karibal. Feeling cute, mukha namang pato!

"Babawi na lang ako sa susunod kong day off," wika ni Phoenix na malawak na ikinangiti ni Marco. Mas lalong dumilim ang mukha niya dahil hindi niya nagustuhan ang sinabi ng dalaga. Hindi niya gusto ang ideyang magkasama ang dalawa tuwing day off nito sa trabaho. Kailangan niyang gumawa ng paraan. I'm sorry, baby. Pero hindi ko hahayaang masolo ka ng asungot na 'yan.

"Promise 'yan, ha. Aasahan ko 'yan," malawak ang ngiting wika ni Marco na ikinangisi ni Damon. Aasa ka lang sa wala, fucker!

Itinago niya ang iritasyong nararamdaman nang sa wakas ay bumaling sa kanya ang atensyon ng dalawa.

"Siya nga pala si Damon, siya ang nag-iisang anak ng mag-asawang Salvador," pakilala ni Phoenix sa kanya kay Marco. "Damon, siya naman si Marco, kababata at matalik kong kaibigan," pakilala nito kay Marco sa kanya.

"Nice to meet you, bro," wika ni Marco sa kanya at dahil maayos naman itong humarap sa kanya ay hinarap niya rin ito nang maayos. Kahit na gustong-gusto niya itong saktan dahil sa ginawa nitong pagyakap sa munting babae niya. Tinanggap niya ang pakikipagkamay nito pero hindi siya nagsalita. Baka kung ano pa ang masabi niya dahil sa sobrang pagkainis at selos na nararamdaman niya.

Bumaling ang atensyon niya kay Phoenix at masama itong tiningnan. Kumunot ang noo nito at bakas ang pagtataka sa mukha kung bakit masama ang tingin niya. Naglakad siya patungo sa kusina pero tumigil siya sa likod ng dalaga.

"Hindi ko gusto ang ginawa niyang pagyakap sa 'yo, munting babae. Handa akong maghintay hanggang sa tumungtong ka sa tamang edad bago ako kumilos para maging akin ka pero parang kailangan ko na yatang itatak diyan sa kokote mo na pagmamay-ari kita dahil may umaaligid sa 'yong asungot. Akin ka lang, munting babae. Tandaan mo 'yan," seryoso at mahinang wika niya sapat lang para marinig ni Phoenix bago siya nagpatuloy sa paglalakad patungo sa kusina. Iniwan niya ang dalawa sa living room at hinayaan niyang harapin ni Phoenix ang kaibigan nito. Hindi naman siya ganoon kasama para ipagtabuyan ito kahit na pinapatay na niya ang lalaki sa kanyang isipan.

Damon's PossessionUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum