Chapter 27

3.9K 103 17
                                    

WALANG narinig na salita si Damon kay Phoenix kahit nang simulan niyang isa-isang alisin ang saplot niya sa katawan sa harapan nito. Wala itong naging kibo sa ibabaw ng kama buhat nang ihiga niya ito roon. Nanatili lang itong tahimik at nakasunod ang mga mata sa bawat galaw niya habang isa-isa niyang inaalis ang lahat ng saplot niya sa katawan. Nag-iwas lang ng tingin si Phoenix sa kanya nang ibaba niya ang huling saplot na tanging tumatakip sa kanyang pagkalalaki na mahina niyang ikinatawa.

"Tumingin ka sa akin, munting babae. Dapat masanay ka nang nasisilayan ang hubad kong katawan dahil araw-araw mo rin naman itong masisilayan at mararamdaman," pilyo at may halong pang-aakit na wika ni Damon bago sumampa sa kama at dahan-dahang gumapang sa ibabaw ni Phoenix hanggang sa magpantay ang kanilang mga mukha. Hinawakan niya ang baba nito para iharap ang mukha sa kanya bago niya ito sinimulang marahang hinalikan.

Noong una ay hindi gumaganti si Phoenix sa halik niya pero hindi rin nagtagal ay tumugon ito na ikinangiti ni Damon. Ang kaninang marahang halik ay naging mapusok at malalim, tuluyan ng natupok ng init na hatid niya ang depensa ni Phoenix. Pumulupot ang mga braso nito sa batok niya at nakipagpaligsahan sa paraan ng paghalik sa kanya at naghiwalay lang ang mga labi nila nang pareho silang kapusin ng paghinga.

Mabilis na kumilos ang mga kamay ni Damon at sa isang iglap ay pareho na silang walang saplot sa ibabaw ng kama. Humiwalay siya sa katawan ni Phoenix para pagmasdan ang kahubdan nito pero mabilis na hinila nito ang kumot para takpan ang hubad nitong katawan na mahina niyang ikinatawa.

"Huwag kang mahiya, munting babae. Mag-asawa na tayo at isa pa'y may nangyari na sa ating dalawa. Nahawakan at nahalikan ko na rin ang iba't-ibang parte ng iyong katawan kaya wala ka nang dapat na ikahiya o ikailang pa. Wala ka ring dapat na ikahiya sa katawan mo dahil sexy and hot ka. Pero ako lang ang dapat makahawak at makakita ng lahat ng ito, maliwanag ba?"

Hinawakan ni Damon ang kumot na nakatakip sa katawan ni Phoenix bago dahan-dahang hinila iyon. Nagpaubaya naman ito hanggang sa tuluyan niyang maalis ang kumot kaya muli niyang nasilayan ang magandang katawan ng kanyang asawa. Asawa, isang salita pero sobrang lakas ng epekto sa kanya. Nagdudulot iyon sa kanya ng walang katumbas na ligaya at kusang sumisilay ang ngiti sa kanyang labi sa tuwing naiisip niya na mag-asawa na silang dalawa.

Muli niyang inangkin ang labi ni Phoenix at nagsimula na ring humaplos at maglakbay ang malikot niyang kamay sa hubad nitong katawan. Impit na daing nito ang namayani sa buong attic at lumakas ang ungol ni Phoenix nang bumaba ang labi niya sa dibdib nito at iyon naman ang sinimulan niyang halikan. Sinamba niya ang dibdib nito at salitang naglaro sa hinaharap ni Phoenix ang kamay at bibig niya, minamasahe niya ang isa habang nakakulong sa bibig niya ang kabila. Salitan niyang ginawa iyon hanggang sa makuntento siya.

Muling naglakbay ang labi ni Damon sa hubad na katawan ni Phoenix pababa sa tiyan nito hanggang sa dumako ang labi niya sa ibabaw ng simbolo ng pagkababae nito. Saglit siyang  nag-angat ng tingin kay Phoenix at nahuli niya itong nakatingin sa kanya na parang hinihintay ang susunod niyang gagawin. Nagtataas-baba ang dibdib nito dahil sa malalim na paghinga at bakas ang pagkasabik sa mapupungay at tila lasing nitong mga mata. At tila napigilan nito ang paghinga nang dahan-dahan niyang ibaon ang mukha sa pagitan ng mga hita nito hanggang sa tuluyang lumapat ang labi niya sa kaselanan ni Phoenix na mariin nitong ikinapikit. Malakas itong umungol nang sakupin ng mainit niyang bibig ang kayamanan sa pagitan ng mga hita nito.

Hindi niya inaalis ang mga mata sa mukha ni Phoenix habang sinasamba niya ang kaselanan ng kanyang asawa. Gustong-gusto niya ang nakikita niyang reaksyon sa mukha nito idagdag pa ang nasasarapang daing at ungol nito na lalong nagpapaalab sa init na kanyang nararamdaman sa mga oras na iyon. Pabaling-baling ang ulo ni Phoenix kaliwa't-kanan habang mariing nakakapit ang mga kamay sa unan. Hindi nagtagal ay narating nito ang sukdulan at doon lang siya tumigil sa pagsamba sa nasa pagitan ng mga hita ng kanyang asawa.

Damon's PossessionWhere stories live. Discover now