Chapter 20

4.6K 115 26
                                    

NAMUMULA ang mukha ni Phoenix at hindi magawang tumingin kay Damon nang puntahan siya nito kinabukasan. Wala na sa tabi niya ang binata nang magising siya kaninang umaga at nag-iwan lang ito ng isang maikling notes na nagsasabing umalis na ito at isang matamis na pasasalamat sa nangyari sa kanila kagabi. At hindi niya maiwasan ang pamulahan ng mukha nang muling maalala 'yon.

Ang malalim at mapusok nitong paghalik sa kanya, ang paglalakbay ng mainit nitong mga kamay at labi sa katawan niya lalo na ang ginawa nito sa nasa pagitan ng kanyang mga hita. Marupok na kung marupok, malandi na kung malandi pero hindi niya itatanggi na nagustuhan niya ang ginawa ni Damon sa kanya kagabi. Halos mabaliw na siya sa ginawa nitong pagsamba sa pagkababae niya.

Mabuti na lang at wala si Damon nang magising siya kanina dahil hindi niya alam kung paano niya ito haharapin at pakikitunguhan pagkatapos ng namagitan sa kanila. Lalo na at wala siyang naging pagtutol sa ginawa nito kagabi sa kanya at nagpaubaya lang siya sa binata. Hinayaan lang niya itong gawin ang gusto nitong gawin sa katawan niya at kung hindi rin ito ang kusang tumigil ay baka hindi lang pagsamba nito sa nasa pagitan ng kanyang mga hita ang namagitan sa kanilang dalawa, baka naisuko na rin niya ang kanyang kainosentehan kay Damon. Ganoon siya naging karupok kagabi rito.

"Ang sarap talaga ng maruya mo, baby. Sakto lang ang tamis at lambot. Hindi nakakasawang kainin," wika ni Damon habang may kakaibang kislap ng kapilyuhan sa mga mata nito. Dinilaan pa nito ang ibabang labi at mabilis siyang nag-iwas ng tingin kay Damon dahil naalala niyang ginawa rin nito 'yon kagabi matapos nitong sambahin siya.

Silang dalawa lang ang nasa bahay dahil may pasok sa trabaho ang kanyang ama samantalang umuwi muna ang kanyang Tita Joy sa bahay ng mga ito. Alas-tres na rin ng hapon at halos kararating lang ni Damon at nagpaluto ito sa kanya ng meryenda. Maruya pa ang hiningi nito na parang sinadya nitong iyon ang ipaluto para ipaalala sa kanya kung paano siya nito sinamba, kung paano nito tinikman at kinain ang special maruya niya na itinawag nito sa kanyang pagkababae.

"Bakit ka pala nandito na naman? Hindi ka ba pumasok sa trabaho?" tanong niya kay Damon nang hindi tumitingin sa gawi nito. Inabala niya ang sarili sa pagluluto ng maruya na matagal pa ang ipinagluluto niya dahil mabilis lang na kinakain ni Damon pagkakaluto niya. Nakatatlong piraso na ito.

"Maaga kong tinapos ang trabaho para mapuntahan agad kita. Para kasing bigla akong nag-crave sa maruya mo," wika nito at sinamaan niya ito ng tingin nang makita niya ang kakaibang ngiti ni Damon. Parang may iba na namang ipinapahiwatig ang binata at umiral na naman ang kapilyuhan nito. Kinindatan lang siya ni Damon at matamis na ngitian, parang hindi ito apektado sa masamang tingin niya at parang tuwang-tuwa pa ito.

"Kumusta pala ang tulog mo kagabi? Masarap ba?" muling tanong nito at hindi na niya napigilan ang sariling ihampas dito ang spatula na hawak na ikinabilog ng mga mata nito. Halatang nagulat ito sa ginawa niya dahil hindi ito nakaiwas at tinamaan ito sa braso.

"Ano na namang kasalanang nagawa ko? Nagtatanong lang naman ako kung masarap ba ang naging tulog mo kagabi. Mapanakit ka talaga, munting babae," nakangusong wika ni Damon at hinaplos ang brasong nasaktan.

"Linawin mo kasi ang tanong mo," wika niya na ikinanganga nito.

"Ano bang hindi malinaw sa tanong ko? Don't tell me na iba ang iniisip mong masarap sa tanong ko? Iniisip mo ba ang ginawa kong pagtikim sa special maruya mo kagabi? Hindi na naman dapat itanong pa iyon dahil halata namang nasarapan ka. Ang sakit kaya ng anit ng ulo ko dahil sinabunutan mo ako kagabi. Ang likot mo pa at medyo maingay ka rin mabuti na lang at hindi nagising si Itay sa kabilang kuwar—" hindi na nito naituloy ang gusto nitong sabihin dahil sinubuan niya ito ng maruya para tumigil ito sa pagsasalita. Wala man lang preno ang bibig nito na parang hindi man lang naiilang sa mga salitang lumalabas doon samantalang siya ay sobrang nag-iinit na ang mukha. Inosente pa siya nitong tiningnan bago nginuya ang maruyang isinubo niya.

Damon's PossessionWhere stories live. Discover now