"Hello! Kapatid ka po ba ni Jessi?" mas nabigla ako nang marinig kong tinanong niya si Mommy nun at napatawa naman ang isa sa kaniya.

"I'm her mother" tinuro pa ako ni Mommy tsaka marahang hinampas si Eli.

"Hindi po halata, tita" amusement filled my Mom's face. Nakakunot noo ko lang siyang tiningnan. Mabilis siyang sumulyap sa akin at binalik rin kaagad ang tingin kay Eli.

"Are you my daughter's boyfriend? I didn't know that she already have a boyfriend. Bawal pa naman yan magka-boyfriend at paano ka naman nakalusot kay Jeo? Sa pagkakaalam ko bantay sarado raw si Jessi sa kaniya. But if you two are already dating. . . then can I bribe you, instead?"

What? Ang dami-dami niyang sinabi. What does she mean by boyfriend? Don't tell just because she was called tita e boyfriend ko na agad ang isang to? Magsasalita na sana ako to tell her na hindi ko naman boyfriend ang isa nang magsalita ulit siya.

"But don't you dare hurt my unica hija ha and don't you ever cheat on her, if you don't love her anymore just tell her directly no need to cheat" what is she talking about? Kita ko namang ngumingiti-ngiti si Eli. Wow?

"My, hi-"

"Why you haven't told me na you have already a boyfriend na pala, anak? Sinulat ko pa naman sa speech ko for your graduation party na walang boyfriend muna kahit pa na graduate ka na kasi you have to look for a job first" Pinagsasabi ng matandang to?

"My, my graduation is like 3 years away from now" nakasimangot kong sagot sa kaniya. "And he's not my boyfriend to be clear" I told her at napaangat pa ang dalawang kilay nito na parang tinatanong ako kung totoo ba.

"You're still young, anak. Enjoy your time and youth muna ha. As possible as you can, guard your heart kasi sakit lang ang madudulot niyan sayo—sinasabi ko talaga sayo" Napahinga na lang ako ng malalim dahil heto na naman siya sa kwentong pag-ibig niya.

"How many times do I have to tell you, I will not be as foolish as you. I will never fall in love" Nakita ko naman siyang ngumiti pero hindi abot sa mga mata nito. Siguro ay nasakitan siya nung sabihin kong hindi ako magiging tulad niyang tanga sa pag-ibig.

Hindi naman umiikot ang mundo sa pag-ibig, diba? Why bother? Hindi ka naman niyang mapapakain tsaka sakit lang naman dulot niyan e. Ano? Masaya kayo sa una pero as time goes by? Wala, masasaktan nyo lang ang isa't isa.

"Not yet, Tita" nabalik naman ako sa reyalidad nang marinig ko yun. Inis ko lang siyang tinapunan ng tingin. As if!

"Yet? So your like 'courting' my daughter?" She even quoted the word courting. What are they talking about? Makapag-usap sila ng ganiyan parang wala lang ako rito ah.

"Soon, Tita" he said while smiling at my Mom. Magsasalit na sana ako para masabi ang thoughts ko sa pinag-uusapan nila.

"That's so nice of you, hijo. But I can't just seem to understand what you've seen in my daughter?" Bago pa sila makapagsalita ay nagsalita na ako. Ang ganda naman nitong usapan nila ah parang wala lang ako sa harapan nila.

"My, I don't know what he's talking about. Clearly I don't like him and he doesn't like me too, alright? Let's go home na" Binalewala naman nila ako at binalik ang tingin sa isa't isa. Grabe talaga tong mga to.

"Or baka bakla ka rin tapos lalaki pala ang gusto mo? Kung gusto mo talaga ang anak ko, you should know your gender identity first before you court her. My daughter mind be fond of gays but if you break her heart I don't know what my daughter can do to you"

Umiiling-iling pa ito. Well? Speaking from experience? Grabe talaga ang problema nito sa mga bakla e. Bakla kasi ang minahal niya kaya ayun.

"I swear, Tita. I will take good care of your daughter. And I fully know myself na po" Pertaining to what Mom said ata tungkol sa gender identity. Napapikit na lang ako at nagsalita.

"My, you're over reacting and please stop with this topic. I wanna go home already" tumingin sa akin si mommy at inangat ang isang kamay niya.

"Anak, may isang tanong na lang ako" she faced Eli once again at ikinahinga ko na lang ng malalaim. Suko na ako.

"Hijo, are you really serious with my unica hija?" Seryosong tanong niya sa isa.

"Tita-"

"Ma'am, nariyan na ho pala kayo!" naputol ang sasabihin sana ni Eli nang narinig namin ang sigaw ng driver namin. Sabay kaming napatingin sa kaniya.

"Uuwi na ho ba tayo mga ma'am?" marahang tanong ng driver tsaka pinunasan ang pawis sa noo gamit ang likod ng kaniyang palad.

Lahat ng mga driver namin ay ang mga anak o kamag-anak rin ng mga dating driver namin. Kaya malaki rin ang tiwala namin sa kanila dahil na rin sa nakita na namin ang serbisyo ng mga kapamilya nila.

"Jemay?" napatingin ako kay Mommy ng bigla niya akong sikuhin "Baka matunaw yan" taka akong tumingin kay Mommy.

"Ha?"

"Hala don't tell me nafall ka na rin sakin?" inis ko siyang binalingan ng tingin. Asa siya! Akala mo kung sino. Ang yabang rin nito e.

Umismid ako at tinalikuran na sila. Bahala sila diyan. Naglakad na ako paalis na mabilis ring sinundan ng driver. Nauna pa siyang maglakad sa akin.

Nalaman ko naman na ang driver ang sumunod sa akin kasi malalaman mo naman yun depende sa kabigatan ng yapak ng isang tao.

"Dito ho, ma'am" inunahan niya ako at mabilis na binuksan ang pinto ng sasakyan. Mabilis naman akong sumakay at sinandal na lang ang likod tsaka pumikit.

"I said my farewell to Eli pa e, bakit umalis. kaagad? Baka hindi ko na siya makita-- Oh, I remember, Wednesday pa lang wala rin ba siyang pasok?" I shrugged. Malay ko ba. Hindi naman kami close nun, mukhang hindi na nga yun nag-aaral e.

Pinikit ko na lang ang mga mata ko at nakatulog pa nga. Nagising lang ako nang maramdamang may tumatapik sa balikat ko. Napamulat ako at nakita si Mommy na nakangiting nakatingin sa akin.

Lumabas na ako ng sasakyan at nagsimula nang maglakad papasok sa bahay. Sumasabay naman si Mommy sa akin, dala ang ilan sa mga pinamili namin. Nakabuntot naman ang tatlong kasambahay sa amin dala-dala ang ibang pinamili namin habang ang driver naman ang may dala ng mabibigat na gamit.

Binabati kami ng mga kasambahay na nakakasalubong namin na binabati naman pabalik ni Mommy habang diretso lang ako sa paglalakad. Wala na akong ganang bumati pa.

Nang marating na namin ang hagdan ay tumigil ako at tumingin kay Mommy. "My, ipatawag niyo lang po ako kapag kakain na" nakangiti naman siyang sumagot sa akin ng "Sure, anak"

Umakyat na ako habang sina Mommy naman at ang mga kasabahay ay nakasunod lang sa kaniya papunta ng kusina. Mukhang mauuna nilang ilagay ang mga grocery.

Nagbihis na ako tsaka nag-open ng wifi nang may notification akong natanggap. Palagi kasi akong nakakatanggap ng mga notification dahil isa rin akong author. Most of the notifications naman ay galing sa mga readers ko.

Minsan ay nakakareply pa ako or what sa kanila kaso most of the time hindi na rin e. Marami rin kasi sila at isa pa, hindi lang naman sa pagsusulat ang atensyon ko kaya ayun.

Elijah Iverson sent you a friend request

Muntik ko nang mabitawan ang phone ko sa nakita. Is this for real? Siya ba talaga to? Bakit niya naman ako i-aadd? Nakakapanibago lang kahit, oo, crush ko siya—hindi ako sanay na ang crush ko ang nauunang mag-approach sa akin.

Pipindutin ko na sana ang profile niya para masigurong siya nga yun nang nagnotif na na naman ito. Nag-message request siya?! Mabilis ko naman itong inopen.

Elijah Iverson
Facebook
You're not friends on Facebook
VIEW PROFILE

Hi Bebe ko! Este namin!
Accept na si Me, okay?

June 5, 2022
EDITED VERSION
#OnlyExceptionWP
Tell them other boys, they can hit the exit
Check please
'Cause I finally found the boy of my dreams
Much more than a Grammy award
That's how much you mean to me

Only Exception (UNDER REVISION) Where stories live. Discover now