"Makikita mo na ang lola mo ulit." aniya at hinawakan ako sa baywang. Naramdaman ko ang paghalik niya sa aking noo.

Gusto ko magpasalamat sa lahat pero pakiramdam ko hindi ko masasabi lahat ngayon. Pakiramdam ko ay iiyak ako sa samu't saring emosyon ko ngayon.

Hawak hawak niya ako sa baywang ng makapasok kami ngunit nakaramdam ako ng pagka-ihi.

"Bathroom lang ako Frosto." pagpaalam ko. Tumango siya at iniwan ang kausap para samahan ako. Hindi naman ako nag apila dahil hindi ko saulado ang malaking restaurant na ito.

Pumasok ako sa comfort room ng pambabae. Nakita kong may babae doon na nakatayo at may kausap sa cellphone. Pumasok na ako sa cubicle para umihi. Nahirapan ako dahil naka romper ako!

Nang matapos akong umihi ay nahirapan na akong iangat ang zipper sa likod! Parang nastuck iyon o tumigas!

"Hala!" kinabahan ako. Sumilip ako sa pintuan at nakitang andoon pa ang babae kanina. Kinagat ko ang labi at nanalangin na sana tulungan niya ako.

Parang pamilyar siya sa akin!

"M-Mawalang galang na po." agad itong lumingon sakin na nakataas pa ang isang kilay. "Iyong damit ko kasi. . .n-nahirapan akong hilahin ang zipper po."

"Ah!" kalaunan ay tumawa siya. "Sige sige!" lumapit siya sakin at inayos ang damit ko sa likod. Parang gumaan ang pakiramdam ko.

"Alam mo parang nakita na kita e." sabi nito.

Ngumiti ako sa kanya. "Oo nga po e parang nakita na po talaga kita."

Habang nag uusap kami ay papalabas na kami ng banyo. Doon nabungaran ko si Frosto na nakahalukipkip habang nag aantay. Umayos siya ng makita ako.

"Oh! Frosto! Sinong inaantay mo? Ako ba? " sabi ng babaeng kasama ko. Nagulat ako doon!

"Tita, hindi po."

"Hay , inimbitahan kasi ako dito ni Ava! Sabi niya may kainan kaya syempre gogora na ako! Masarap kasi ang libre!" humalakhak ang ginang na maganda at nilingon ako. " Alam mo ba ateng. . .ito si Frosto, patay na patay yan noon kay Ava! Nag aagawan sila ng kambal niya kay Ava!" sabay tawa ng malakas ng ginang.

"Manang mana sakin iyang anak ko-"

Nanahimik ako sa aking narinig at nagkatitigan kami ni Frosto. Tahimik lang siya at tila concern sa reaksyon ko.

"Tita , I invited Ava. Ipapakilala ko  ang fiancee ko, si Soledad." seryoso ngunit puno ng diin ang boses ni Frosto.

Kinagat ko ang labi ng nalaglag ang panga ng mama pala ni Ava! Kaya pala pamilyar talaga siya sakin! Sa daming nangyari sakin ay nakalimutan ko!

"M-Magandang araw po tita.' bati ko.

Namutla ng husto si tita. Tila isang malaking kasalanan ang sinabi niya sakin at nasapo pa ang noo niya.

Nasaktan ako sa mga narinig ko. Ganon ba? Mahal pala nilang mag kambal noon si Ava. Nag agawan sila kay Ava.

Paano kung mahal pa ni Frosto si Ava? Hindi ko yata kayang masaktan ng lubos.

"O-Oh, hijo. . . I'm sorry. " nilingon niya ako. "Hija, nagjojoke lang ako. Wag mo nang isipin pa ang mga nasabi ko ha." aniya at awkward siyang umalis sa harapan namin.

Huminga ako ng malalim at ngumiti kay Frosto. Magsisinungaling ako kung sasabihin ko na maayos ako. Pero hindi ako dapat magalit kay Frosto. Ang bait niya sakin at samin ni lola.

Kinabig niya ako at hinalikan sa buhok. Sobrang higpit ng hawak niya sa akin.

"Ikaw lang ang mahal ko Sol. Please, don't doubt my feelings for you. Mahal na mahal kita." aniya.

Pumikit ako ng mariin at tumango. Gusto kong' lusawin ang bigat ng loob ko sa pamamagitan ng yakap ko sa kanya. Sa pasilyo dito ay kami kang dalawa. Nagulat ako ng kabigin niya ang batok ko at hinalikan ako.

Marahan lang ang kanyang paghalik pero tila ba bolta boltaheng kurente ang epekto sakin. Kakaiba ang kanyang mga halik sakin. Nakakaliyo iyon.

"F-Frost.." dahil sa tangkad niya ay tumatama ang labi niya sa noo ko. Sobrang lapit naming dalawa.
“Hinding hindi ako magsisisi kung ibibigay ko ang sarili ko sayo. K-Kung ikaw ang maging ama ng mga anak ko."

Sunod sunod na ang pagmura niya at tumango sakin. Hinalikan niya ako ng mariin sa pisngi.

"Shhh, don't talk about that with me. I might lose my control Sol." anas niya.

Ngumisi ako at tiningala siya. " Handa ako Frosto. Iyon ang palaging nasa isip ko at panaginip ko. Kahit ng naghiwalay tayo. Iyong simpleng pamumuhay na kasama ka, at magiging anak natin-"

"Shhh.. . .S-Stop please. " kinabig niya ako para yakapin ngunit nakita ko na ang pag badya ng luha sa kanyang mga mata. Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya.

"Basta, mahal na mahal k-kita." hindi ko maiwasang hindi maiyak sa dibdib niya.

Unang Halik Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon