Nakita ko naman sina Em-em at KJ na magkasabay habang hawak ang bag naming dalawa ni Kaye. Naka-uniform naman na kami dahil bago pumasok ay nagpalit na kami ng damit. Of course, para walang guard ang maghinala.
Ang dali lang kaya nilang lokohin. Mentally laugh. Okay, baliw na talaga ako dahil nasisiyahan na ako sa mga ganung bagay. Dark humor rising up.
"Saan ka galing, Jessi? Kanina ka pa namin tinatawagan pero off 'yang phone mo," wala nang segundong pinalampas si Em-em at kaagad nagsalita nang nasa harapan niya na kami.
Walang emosiyon ang mukha ko habang nakatingin sa kanila. Naka-pigtail ang mahaba kong buhok dahil sa init ng panahon kanina ay naisipan ko na taliin na lang ang buhok ko.
"Ikaw pa naman ang nangunguna sa batch natin kaya dapat maging mabuting role model ka sa mga freshman at sophomore, pero ikaw pa 'tong nagka-cutting. Kayong dalawa," si KJ naman ang nagsalita.
Tatay ba kita, pre? Minsan talaga nakakainis na sila. Pake ko naman sa mga batang 'yun? Nasa kanila kung susundin ba nila kami o hindi. Hindi ko naman hawak mga utak nila, ah?
"Boring kasi magturo ng matandang 'yun tsaka mabuti ngang sumama ako kay Jessi, 'no. New experience at isa pa, hindi ko pa malalaman na nakauwi na pala si Kuya," naiimpluwensiyahan ko lang talaga ang babaitang ito.
Pero matagal na niya talagang kilala ang lalaking iyon. I wonder if magkaano-ano silang dalawa. Curious lang ako. "At isa pa, hindi naman namin kasalanan kung susundin ng mga bata. May sarili silang isip, 'no. Alam nila ang tama at hindi, and besides, me and Jessi only want to have some fun rin before we graduates."
Kibit-balikat na dagdag ni Kaye. May point rin naman siya. Although I just wanted to make memories for my anakis to tell at sa kaniya to enjoy her life even though they're already in college. Napatango ako sa sinabi niya. Napahinga na lang nang malalim si Marianne sa naririnig mula kay Kaye.
"Just don't tell Nanay and Tatay about this," tanging nasabi ko na lang. Hindi ko lang gustong atakihin sila. Well, matanda na rin ang dalawang 'yun at mas mainam kung hindi na sila mag-alala tungkol sa mga ganitong bagay. Petty things.
Sabay-sabay kaming naglalakad papunta sa gate nang napansin ko na parang may humahabol sa amin. Meron nga talaga. I felt his presence together with some guys from our class.
Napatigil sila sa paglalakad habang ako naman ay magpapatuloy na lang sana nang hilahin ako ni Kaye.
"KJ" tawag ni Tanner sa lalaking kasama namin. Oh, wow! Kailan pa kaya sila naging close? Makatawag ng KJ!
Umayos ako ng tayo at hinawakan ang strap ng bag ko habang nakahawak naman sa braso ko si Kaye.
"Oh?" Hinarap niya si Tanner na may kakaibang aura na pumapaligid sa kaniya. Oh, wow! Hindi naman ako na-inform na nag-away sila o ano.
Matawagan nga si Apollo mamaya. So, kailan pa sila naging close? Kanina lang? Nag-cutting lang kami, close na sila? Kapag talaga wala ako, may nangyayari. Shet, ang unfair!
"Uhm, don't you owe me something?" may malapad na ngiti ito sa labi habang sinasabi 'yun. 'Yung alam mo 'yung nakakalokong ngiti.
'Yung ang sarap katayin nang buhay. Stop na, dark thoughts. Nakatingin lang kaming dalawa ni Kaye habang silang dalawa ay magkaharap.
"Callum, as I can recall, we already paid you?" Mahinhin na sabi ni Em-em tsaka pumagitna sa dalawa na mukhang may tensiyon na namamagitan sa kanilang dalawa.
Bakit bigla-bigla na lang 'to nag-i-English? Once in a blue moon 'yun, 'e. In fairness, ang galing niya mag-English accent, ha. Hindi halata na minsan lang.
"Oh yeah," ngumiti ito nang matamis. Napakurap ako when I saw that he just suddenly kissed Em-em on her cheeks. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa pero kaagad rin silang umalis na nagkakantiyawan ang mga kasama niya.
"What was that?" Sabay na sabi namin ni Kaye. Lumingon ako kay Kaye na ngayon ay nakatingin rin pala sa akin. Pareho kaming may pagtataka sa mukha.
Hindi makapaniwala, completely, ang mukha ni Kaye kahit hindi man sila kasing-close tulad naming dalawa. Alam niya ang status ng dalawang 'yun.
Nakanganga ito habang nakatikom naman ang bibig ko. At ngayon, may mas matibay akong point para tawagan si Apollo.
Nagpatuloy lang silang dalawa sa paglakad kaya kaagad naman kaming sumunod ni Kaye kahit naguguluhan pa sa nangyayari.
Ano ba talaga ang nangyari habang wala kami? Napapala ng cutting. Kaya simula ngayon, No to Cutting classes! Dahil hindi ka makakalap ng magandang tsismis kung ganun.
Nagpaalam na kami sa isa't isa dahil nauna na ang sundo ng dalawa—sina Kaye at KJ. On time naman palagi ang driver namin ah, kaya nga nagtataka ako kung bakit wala pa rin ang sa amin. Noong kaming dalawa na lang ni Marianne ang naiwan ay kaagad ko siyang pinaulanan ng tanong. I know her.
These past few days she's not on her usual self and I know that she hates Tanner and will not let him suddenly just kiss her at the hallway. But why didn't she even push him or kick his balls, did my cousin fell in love with that specie?
"No way! Don't tell me na--" Nahinto lang ako sa pagyugyog sa kaniya nang may biglang bumusina at talaga pang sa tabi ko. Literal na nasa tabi.
Hinarap ko ang sasakyan at napaatras na lang nang makilala kung kaninong kotse 'yun. Malamang. Ano bang nangyayari?
It's freaking Eli's car and Kuya's with him with a bored face. They walked towards us. I cleared my throat when I saw him with a smirk drawn in his lips while looking at me.
I'm gonna kill you! Paano niya 'to nagawa sa akin? Sabi ko, sasabihin ko lang sa kaniya if I have time kung ano ang reason why we cut classes.
He's so dead no- I'm so dead.
When they were already in front of us, I already prepared my ears for another seremonyas from Kuya. Another seremonyas because of that freaking Elijah.
This is insane. Girl, friend ka lang ni Kuya, so why would I be scared of you? I don't know either.
"How's your day, girls?" I looked at Eli in a dazed. He smiled and winked at me while he's standing there behind Kuya.
Umasim naman ang mukha ko kaya napatingin rin sa akin si Kuya. Mabuti na lang ay nabalik nito agad ang tingin kay Em nang magsalita ito.
"Ayos lang, Kuya," maikling sagot ni Ate na ikinatango ni Kuya. Baka ano na namang kagaguhan ang pag-usapan nila.
"So, let's go, mga bata," he said and opened the backseat and signaled us to get inside and we did.
Kuya sat at the passenger seat and when they already wore their seatbelts, Eli started the engine. Not long after he started driving, I heard someone's phone's ringing, definitely not mine.
"Hello," Eli said and put it on speaker.
"Elijah Iverson, where are you?" a woman spoke from the other line.
"Sige, pupunta na lang ako mamaya," kaagad niya rin namang pinatay ang phone
nito.
"Tol, si Loisa 'yun, 'di ba?" Tumango naman ang lalaki sa kaniya. "Bakit naman kayo magkikita mamaya, e wala naman na kayo---" hindi ko na narinig ang sinabi ni Kuya nang kaagad kong isinalpak ang earphones ko sa tenga.
June 2, 2022
EDITED VERSION
#OnlyExceptionWP
YOU ARE READING
Only Exception (UNDER REVISION)
RandomDoes love really exist? To the family who always has an unsuccessful marriage? To the family for whom marriage is just a duty? A duty you need to fulfill when you find a person you think is suitable for you? A marriage that isn't made of love, but...
