So ganun pala 'yun? Ipapasa mo sa isa 'tas ipapasa na naman sa isa hanggang sa makarating na sa driver. Fantastic!
Nakita ko pang nanlaki ang mga mata nito, pero bumaba na kami ng jeep. Malaking tulong na siguro 'yun sa kaniya. Basta mabuting tao lang ang hinayupak na 'yun at sa mabuting paraan niya gagamitin ang pera, kung ganun ay mas maraming biyaya pa ang darating sa kaniya.
May bago na naman akong crush—ang gwapong nilalang sa jeep. We were about to sneak in again when we heard a voice behind us.
Nakakainis talaga. Abot na naman ang kaba sa dibdib ko. Ang babaeng walang kinatatakutan ay natatakot ngayon sa lalaking nasa likuran namin.
"Saan kayo galing?" I almost stopped breathing when I heard that voice. Maamo ang pagkakasalita, pero para sa akin ay takot na takot na ako.
Huhu, paano na ang future ko? Parang hindi na ito takot na isumbong ako kay Nanay, kung hindi ang takot sa kung ano ang magiging reaksiyon niya.
Nakita kong lumingon si Kaye. Not again. Baka kilala niya 'to. Lahat na lang ata ng tao sa mundo ay kilala niya. Sa sobra ba namang friendly niya, lahat na lang ng tao sa school ay kilala niya. Kada may nakakasalubong kami ay kilala niya.
"Waah! Kuya Eli, kailan ka pa nakabalik?" Masiglang sabi ni Kaye. Kaya napalingon na lang ako. Niyakap ni Kaye si Eli na para bang kilalang-kilala niya ito.
Hindi naman nakagalaw ang lalaki sa biglaang pagyakap sa kaniya ni Kaye. Napatingin ito sa akin na kinunutan ko lang ng noo.
"You know him?" Takang tanong ko kay Kaye. Napahiwalay naman siya sa lalaki na tumikhim lang at inayos ang gusot na damit.
Ang arte naman. Kulang na lang maligo na siya ng isang gallon ng alcohol. Nagusot lang naman damit niya eh. Teka, anong konek?
"Oo... bakit?" Hinawakan ko ang damit niya at nilapit siya sa akin. Napatingin naman ito sa akin.
Napailing siya at hinawakan ang kamay ko at marahang binaba. Parang tanga. Binalik ko ang tingin ko sa lalaki.
"Siya 'yung tinatakbuhan ko kanina," bulong ko sa katabi at siniguradong hindi ito marinig ng lalaki. Nakita kong nanlaki ang mga mata niya at umawang ang mga labi na kaagad niya namang tinapalan ng kamay niya.
Ang OA lang, ha. At dahil kilala ko siya ay alam ko na ang sasabihin niya.
"Mag-ex ba kayo?" Gulat na sabi niya na narinig rin ni Eli, for sure. Ako naman ngayon ang nanlaki ang mga mata sa sinabi niya. Pero kunwari lang na nabigla ako sa sinabi niya. Lokang-loka ba naman ito.
Akala niya ang dami ng lalaki ko. Hindi niya alam na wala pa akong naging lalaki. Brotherly lahat ng kausap ko pero nafo-fall daw. Psh, mahihinang nilalang.
"Hindi! Ewan ko sa 'yo!" Tumingin naman ako kay Eli and put my finger at my lips telling him not to talk. Oo, takot ako sa kaniya, pero so what?
Kailangan nating tapangan ang loob na gawin lang 'yun sa kaniya tulad ng tapang na dapat meron ka para mag-confess. De, joke lang. "I'll just tell you later, Kuya," sarkastiko kong sabi sa kaniya.
Kaagad akong tumakbo habang tangay si Kaye. And as usual, sa likod na lang kami dumaan. Nang makarating kami sa building namin ay maraming estudyante na ang nasa hallway, siguradong pauwi na. Uwi na kayo bago pa kayo mapagalitan ng mga jowa niyo.
ESTÁS LEYENDO
Only Exception (UNDER REVISION)
De TodoDoes love really exist? To the family who always has an unsuccessful marriage? To the family for whom marriage is just a duty? A duty you need to fulfill when you find a person you think is suitable for you? A marriage that isn't made of love, but...
