Base on his ID lace, may nakalagay na pangalan ng kabilang university. Nanunuod lang naman siya ng TikTok. Nilipat ko na lang ang tingin sa labas ng jeep.

Parang huminto ang mundo ko nang makita ang pamilyar na kotse. Ang kotse ng lalaking naghatid sa amin kanina sa school at ang lalaking tinatakasan ko rin kanina.

Tinted ang sasakyan niya, pero alam kong siya 'yung may-ari ng sasakyan dahil na rin sa plate number nito. Inalis ko ang tingin ko sa sasakyan niya at binaling na lang sa unahan.

Hindi kami naka-uniform ni Kaye kaya nakapasok kami kanina sa mall. Bawal kasi kapag hindi pa tapos ang klase eh. Kaya rin siguro di nagtataka ang mga nakakasabay namin from SAC kung bakit wala kami sa school ng ganitong oras.

Napatingin ulit ako sa sasakyan niya. Napakunot na lang ang noo ko dahil kung tutuusin, pwede siyang mauna sa amin dahil hindi naman masyadong busy ang kalsada.

Napansin kong kapag bumabagal ang jeep ay bumabagal rin siya. Narinig kong nagbubulungan na ang mga pasahero dahil sa sasakyan na sumusunod sa amin.

Bihira lang kasi ang mga sasakyan na ganito dito. Isang black Mustang. Sino'ng hindi mapapatingin, 'di ba? Hindi naman naghihirap ang probinsiya namin, pero masasabi ko lang na katamtaman ang pamumuhay ng mga tao rito.

Ten minutes ride seems so long for me. Ngayon ko lang naramdaman na ang haba pala ng ten minutes. Akala ko kasi ang bilis lang lumipas n'un tulad ng nararamdaman niya para sa 'yo. De, joke lang.

Muntik na akong masubsob kay Kaye nang biglang huminto ang jeep. Kinuha ko ang wallet ko at tiningnan kung may cash ako.
May sariling card kasi kapag kumakain sa canteen kaya hindi na kailangan ng cash. Kaya kadalasan ay hindi na ako binibigyan ng cash para sa baon ko.

Ang laman ng wallet ko lang ay debit card na binigay sa akin ni Mommy dati, library card, picture ko with Mudrakels, pic ko with Kaye, pic with barkada, pic namin nina Marianne at Miley, business card ni Daddy, Identification Card ko for National, isa pang identification card na para sa municipal, extra 2x2 pictures at copy ko ng ID sa school kung sakaling mawala.

"Uhm, how much?" Nakita kong napatingin sa akin ang katabi ko. Gwapo niya naman.

Kaya napatingin rin ako sa kaniya. Ang sakit naman sa eyes ng may ka-eye contact. Gagamitin ko na naman ulit ang saline solution ko. Yikes! Palagi ko lang kasi 'yun ginagamit kung nasosobrahan na ako ng eye contact sa ibang tao.

"Miss, 5 pesos lang," I just nodded my head at him but as I look at my wallet I don't even have a cent but only a ten of thousand pesos.

Shocks, kainis! Dapat handa ako sa mga ganito. Pucha naman, 'e. Ang hirap naman maging rich kid! Mas gugustuhin ko na lang maging mahirap. Hayst.

Kung may another self ko, mas maayos kung simple lang buhay niya with a twist para astig. Dapat may sakit para mas exciting.

"Uhm, may barya ka ba? It's only ten pesos lang naman for the both of us," but she just shook her head. Naghihirap na ba kaming dalawa dahil sa nangyayaring ito?

Napakasaklap naman ng life naming dalawa. Ayos lang 'yan, Jessi. At least may tinulungan ka na namang nilalang, 'di ba? Ayos na 'yun.

"Uhmm, here Manong, just keep the change." The woman took it from my hand and passed it to another woman, and she passed it to a man, then to the driver.

Only Exception (UNDER REVISION) Where stories live. Discover now