Chapter 25 [Part 2]

Magsimula sa umpisa
                                    

Pero ano nga bang iniisip ng isang 'to? Simula kasi ng umalis yung si Kayla ay hindi na 'to kumibo at kanina pang 30 minutes yon. Seriously, hindi ko kayang hindi kumibo ng ganung katagal..

Pero ito na nga, nangyayari na nga. Hindi rin ako kumikibo simula nang.. argh fuck! I can't think straight!

Bumabalik na naman yung memories..

At ayoko na talagang balikan yun. Pero isang pagkakakita ko lang talaga sa kanya, nagkalabo-labo na. Nawala lahat ng pader na sinemento ko sa parte ng utak ko na tungkol sa kanya.. nagiba lahat yun with just a single gaze. It really pierce through my soul.

Takte! Ang drama ko!

"Hoy, cellphone mo.. ingay. Patayin mo nalang yan kung hindi mo naman sasagutin." Napatingin agad ako sa phone ko at walang tingin na sinagot ko ang tawag. "Hello, handsome detective speaking."

"Gago! Bilisan mo pumunta ka sa ******subdivision! Alam na namin kung sinong suspect!" Sigaw ng nasa kabilang linya.

Nanigas pa ako sa sinabi ng partner ko pero agad ko ring binuhay ang makina at nag-ayos na ako ng pag-upo ganun din si Jerry na nasa tabi ko, nag-seatbelt na siya at pinaandar ko na ang sasakyan.

"Paano..?" Bulong kong usal. I really can't believe it.. sinabi ko pa naman na ako ang lulutas sa sira-ulong killer na yon at sa totoo lang malapit na ako sa pagkakaalam non pero bakit naunahan ako? At sinong nakaalam non?

Kung sino man siya, isa siyang genius! At hindi kayang tanggapin ng ego ko ito!

"Saan daw subdivision? Ang galing ng partner mo at nalutas niya yon ng ganun kabilis.." Namamangha pang pahayag ni Jerry. Hindi ko siya nilingon at mas lalong pinabilis ang pagda-drive ko. Tangna, may police enforcer pa naman. Nagmamadali na ako eh!

"Sabi ni wonderAce sa *****subdivision daw, mga two subdivisions between there and the subdivision kung saan naganap ang unang krimen. At hindi ang partner ko ang naka-solve ng kaso! Kilala ko mga yon.. lalo na si partner.."

"Baka naman naiinggit ka lang? Kung sakaling sila nga ang naka-solba? Man, be sports! Hahaha" gago, tinawanan pa ako.

"Gago! Pakyu ka more." Pero hindi man lang nagpatinag ang gago at tawa lang ng tawa.

Ilang minuto lang, dahil sa mabilis na pagmamaneho, nakarating kami sa subdivision at nakita ko na nga ang mga police cars na nagsisidatingan at pati na rin ang partner kong readyng-ready na kasama ang ibang back-up namin. Kaya nilapitan namin siya.

"wonderAce.." Sumimangot lang siya pero binigyan niya na ako ng isang baril at yung mga kailangan pang iba. Sus, di na kailangan nito. Hahaha, yabang ko talaga!

Pero hindi ko pa naitatanong yung lapastangan na gumalaw sa playground ko.

"Ace, sinong nakaalam ng serial killer? Ikaw ba?" Tanong ko habang naglalakad na kami papunta daw sa bahay ng suspect.

"Alam mo naman na puyat na puyat na ako hindi ko pa rin malutas kung sino ang killer, tapos ine-expect mo ako?" Medyo iritado na wika niya. Maasarin talaga 'to kahit kailan. Tinapik ko nalang siya ulit na parang pinapahinahon ko siya.

"Hindi naman sa ganun. Pero kung hindi ikaw, sino naman? Si chief? Mga back-up natin?"

"None of them, Ade(pronounced as "eid"). Pero isang tawag ang natanggap namin kanina.. hindi namin nabosesan kasi halatang gumamit ng voice changer. Pinaliwanag ng caller na yon ang lahat kaya naniwala kami dahil tugmang-tugma naman sa mga nalaman natin at sa iba pang reasoning. Basta mahabang kwento, mamaya ko nalang ipapaliwanag. Ang tip pa kasi sa amin, in a matter of.. " sabay tingin niya sa wrist watch niya. 1 hour from now, may bibiktimahin ulit siyang patayin sa Carreon Subdivision."

Ghost Detective! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon