Chapter Eighty-Two

46 6 0
                                    


Aly's POV

Halos hindi ako makagalaw habang nakatulala kay Keifer. Nakapikit ito habang patuloy sa paghalik sa mga labi ko. Hindi ko magawang maitulak ito dahil pakiramdam ko ay pagsisisihan ko ito sa oras na ilayo ko siya sa mula sa akin.

Naramdaman ko na lamang na bahagya pa itong lumapit sa akin habang pilit sa pagdiin ang paghalil niya sa akin. Ramdam ko ang pagsasama ng laway namin habang patuloy siya sa ginagawa. Mayamaya pa ay tumaas ang isang kamay niya at humawak sa bandang leeg ko. Bahagya niyang inalis ang nakaharang na buhok ko doon saka mas lalo akong inilapit sa kaniya.

Hindi ko napigilan na mapasinghap nang mas diinan niya pa ang paghalik at sa bawat galaw nito ay mas lalo kong nararamdaman ang paghinga niya. Namalayan ko na lamang ang sarili na nadadala sa bawat galaw nito.

Mayamaya pa ay hindi ko na naiwasan pang mapapikit habang sumasabay sa bawat halik niya. Sinuklian ko ang bawat halik na iyon.

Kung minsan ay nagkakabaliktad pa kami ng direksyon dahilan para mahirapan ito sa pagsunod sa akin dahil sa pabago bago kong direksyon. Bahagya kong naramdaman ang pagtaas ng labi nito. Alam kong nakangisi ito sa akin ngayon dahil sa pagiging baguhan ko sa paghalik. Dahil dito ay inihinto ko ang paggalaw ko at napayuko, dahilan para maputol ang paghalik niya sa akin.

"Hmm...cute,"

Ngunit hindi rin nagtagal ay naramdaman ko ang kamay nito na humawak sa aking baba at muling humalik sa labi ko. Sa pagkakataong ito ay mas banayad na ang mga halik nito at para bang ginagabayan na ako sa bawat galaw ng mga labi nito. Pareho rin kaming nakapikit at dinadama ang bawat nangyayari nang bigla kaming sabay na napamulat.

Isang malakas na kabog sa aming dibdib ang sabay naming naramdaman at maski si Keifer ay napatingin sa akin. Ganoon na lamang ang gulat ko dah sabay rin kaming napahiwalay sa paghahalikan at napatalikod sa isa't isa. Isang kakaibang sensayo ang naramdaman ko matapos ang huling halik na iyon ni Kei. Isang malakas na tambol ang tumunog sa dibdib ko na para bang may masamang mangyayari sa oras na magpatuloy pa kami sa ginagawa.

Napahawak rin ako sa aking ulo dahil bigla itong sumakit kasabay ng paghihiwalay ng labi nito. Pinakalma ko muna ang sarili dahil masyado lang ata akong nagulat at napagtanto sa kung ano ang ginagawa naming dalawa. Ilang saglit pa ay lumingon ulit ako kay Keifer ngunit laking gulat ko nang makita itong nakahiga sa buhanginan.

"Keifer!!" malakas na sigaw ko dito saka mabilis na lumapit dito. Nakahiga na ito sa buhangin habang nakaharap ang mukha sa ibaba.

"Arrgghhh!! Arghhh!!" patuloy na sigaw nito habang nakahawak sa ulo nito.

Napakunot ang noo ko. A-anong nangyayari?!

"Kei! Kei!!" malakas na tawag ko dito ngunit nakahawak pa rin ito sa kaniya ulo na animo'y may iniinda dito.

Ilang saglit pa ay narinig ko na rin ang paglapit nina Sophie, Dylan at iba habang nag-aalala na nakatingin sa amin.

"Keifer?!!"

"Kei! Dy, kuhain mo ang towel niya sa table," utos ni Ross at mabilis na lumapit sa kaibigan.

"Arghh!!! Tama na!!! Ang sakit!!!" malakas na sigaw ni Keifer habang nakapikit pa rin at nakahawak sa ulo.

"Aly, what happened?" nagaalala ng tanong sa akin ni Ate Mari saka napahawak sa balikat ko.

"Ate...I don't know, were just okay kanina, then...then he suddenly collapsed. Nakita ko na lang na nakahawak na siya sa ulo niya, just like that," hindi ko mawari na kwento sa kanila habang hindi mapakali.

Grabe ang tambol ng dibdib ko habang nakatingin kay Keifer. Alam ko. Hindi ko alam ngunit maski ako ay nakaramdam ng kakaiba habang nakahalik kami sa isa't isa. Kahit na mahinang pananakit lamang ng ulo ang naramdaman ko ay alam kong may epekto rin ito sa akin. Habang ang kaniya naman ay hindi ko alam kung paano ipapaliwanag.

Will I Wake Up?Where stories live. Discover now