Chapter Forty-Six

86 12 14
                                    

Aly's POV

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Mabuti na lang talaga at naiwan kong naka loud speak ang alarm kaya naman isang ring pa lang nito ay nagising agad ako. Agad akong nagpunta sa banyo para magtoothbrush at nagtungo sa kusina. Inaasahan kong naroon si kuya Lean pero isang kapirasong papel lamang abg bumungad sa akin na nakadikit sa pinto ng ref.

'Hoy! Nasa ref ang pagkain mo! Wag mo ako ubusan ah

-Love by kuya mong pogi'

Halos mapangiwi ako habang binabasa ang sulat niyang iyon. Napailing na lang ako at agad na binuksan ang ref at kinuha ang pagkain na sinasabi niya.

'Aiishh...sweet talaga ni kuya. Naiiyak ako shete!' sarkastikong saad ko sa sarili habang napapailing sa pagkaing iniluto niya kuno.

Tiningnan ko ang oras sa cellphone at napangiti ako ng makitang 6:35 pa lang. Maaga pa naman kaya nagpatugtog muna ako sa cellphone habang kumakain ng bacon na luto ni Kuya. Napapayugyog pa ang ulo ko sa tuwing napupunta sa koro ang kanta at kung minsan ay sumasabay pa rito.

Maya maya ay tumunog ang notification ng phone ko kaya naman agad akong nagpunta palapit rito at nakita ang message ni Sophie.

Where are you? Aga naman ata niyan. Anong oras na ba?

Tsk! 20 minutes pa.

Nagtipa agad ako para mag-reply dito at saka nagpunta sa itaas para mag asikaso. May 20 minutes pa naman pero mas maganda nang maaga makapasok. Isa pa, ay hinihintay na rin ako ni Sophie.

Ilang saglit pa ay natapos na rin ako sa pagbibihis kaya naman nagpunta na agad ako sa campus. Papasok pa lang ako ay ramdam ko na ang tingin ng ibang tao sa akin. Karamihan sa kanila ay ang mga babaeng galit pa rin sa akin habang ang iba naman ay ang mga lalaking mula ulo hanggang paa ang pagtingin sa akin.

Geez...masanay ka na Aly. Kagagawan mo 'to eh!

Nasaan na ba kasi si Sophie eh! Napaismid ako. Kung dati ay halos wala akong nakukuhang atensyon sa tao, ay ngayon ay nagmumukha na akong artista sa dami ng nakatingin.

Paliko na sana ako ng hall ng biglang may tumawag sa akin.

"Aly!"

Agad akong napalingon rito at nakita si Kiane na nakangiting tumatakbo palapit sa akin.

"Ki-Kiane...hehehe.. ba-bakit?" nahihiyang tanong ko.

Arghh!! Bakit ako nauutal?!

"Hi! I thought hindi ikaw... hahaha akala ko mapapahiya ako," saad nito at bahagyang napakamot sa batok.

Napaiwas agad ako ng tingin nang makita ang reaksyon niyang iyon. Ang cute niya mahiya!! Napapahawak sa batok!

"Ay...hehe bakit?" mahinang tanong.

"Oh right...sorry, hahaha anyway, would you like to take a lunch with us?" tanong nito.

Huh? Wait, is he inviting me to take a lunch with him?? Ay..n-no...with them pala...

"Su-sure... I'll-"

"REALLY??!!" malakas na sigaw nito.

Halos mapatingin ang lahat sa amin sa lakas ng boses niya. Awkward akong napangiti rito.

"S-sorry...basta sabi mo ah...wait kita sa labas ng room niya. Bye!" mabilis na saad nito at tumakbo na palayo.

A-anong meron dun?

Weird. I mean, we're not close bukod kay Kei. Well, don't get me wrong. Hindi rin kami close ni Kei but atleast nag-uusap kami. Hindi man first time but it's quite unbelievable that Kiane approach me all of the sudden.

Will I Wake Up?Where stories live. Discover now