Chapter Seventy-Five

47 6 0
                                    

"Aly! Nandito kami!" malakas na sigaw ni Sophie habang tinatawag ang kaibigan.

Agad namang napalingon ang dalaga saka tumakbo palapit dito. Kakatapos lang ng special test ni Aly sa philosophy at kasalukuyan rin siyang hinintay ni Sophe para sabay silang mag-lunch.

"Kamusta ang exam?" pangangamusta sa kaniya ni Sophie habang sabay na naglalakad sa gitna ng hallway. Isinukbit naman ni Aly ang kanyang bag sa balikat habang naglalakad.

"Madali naman yung first part, pero nai-intimidate ako sa tingin ni Sir Saino. Grabe akala mo naman mangongopya ako eh kaming dalawa lang naman nasa opisina niya," pag-rant ni Aly habang nakahawak sa noo.

"Hahaha, seryoso? Ang bait kaya nun sa amin, haha. Ilang beses ka lang kasi niya na-meet dahil palagi kang absent sa class niya," sagot ni Sophie sa kaniya.

Napairap na lamang si Aly dito saka ipinasok ang dalang notebook sa loob ng bag. Kasalukuyan na silang papunta sa cafeteria nang bigla na nilang makasabay sa pagpasok sina Keifer at Veena. Agad na natigilan ang apat sa paglalakad at napatingin sa isa't isa.

"Ah..."

Napalingon pa si Sophie sa kaibigan ngunit nakatingin lamang ito sa ibang direksyon saka naglakad sa kabilang direksyon.

"A-Aly? T-teka!" sigaw ni Sophie dito saka hinabol ang kaibigan. Saglit pa siyang napalingon kina Kei ngunit nakayuko lang rin ang binata.

Agad namang nagtungo sa pinakadulong bahagi ng cafeteria si Aly saka napaupo dito. Katapat nila ang isang transparent na salamin dahilan para makita ang mga tao sa ilabas. Agad na napaiwas ng tingin si Aly sa kaibigan nang makitang umupo ito sa kaniyang harapan.

Sa kabilang banda naman ay pumasok na rin sa loob ng cafeteria sina Keifer kasama ang nobya. Sinadya niyang dalhin ang nobya sa dulong bahagi ng cafe, malayo sa pwesto nina Aly.

"Babe, ano io-order mo?" tanong sa kanya ni Veena saka umupo. Inayos din nito ang dalang bag at inilagay sa kanyang tagiliran.

"Kahit anong gustuhin mo, I'll order the same na lang din," sambit ni Keifer saka umupo sa katapat.

"Hmmm, maybe sandwich na lang. Medyo mabigat pa ang tyan ko for rice eh, ganun ka na lang din ba?" tanong sa kaniya nito.

Tumango lamang si Keifer saka muling tumayo. "Wait here, i-order ko na sa counter, I'll add some drinks na rin," dagdag pa nito.

"Ah yes, kahit mango flavor na lang," sagot sa kaniya ng nobya saka siya napatango.

Habang naglalakad ay hindi niya maiwasang mapatingin sa direksyon nina Aly nang mapansin si Sophie na nakangiting palapit din sa counter. Malayo pa lang ito ay nakangiti na agad sa kaniya si Sophie.

"Hey! Labasan niyo na rin pala?" tanong sa kanya ni Sophie.

"Ah, yes... nauna lang ako dahil sinundo ko pa si Veena sa class niya," sagot niya dito saka pumila sa likuran ng kasunod na bumibili.

"Ohh, eh bakit ang tagal naman ni Kiane? May exam din ba yun ngayon?" tanong sa kanya ni Sophie.

"Huh? W-wala naman ata. Iniwan ko siya sa room kanina dahil busy pa siya sa pagsusulat eh,"

"Ahh, ganoon ba? Sabi niya kasi ay ililibre niya kami ngayon eh, kaso wala pa naman siya dito. Kaya pinag-order na ako ni Aly," sagot naman sa kanya nito.

Pilit na napangiti na lamang si Kei saka napatingin sa harapan. Sa kabilang banda naman ay nakatingin rin sa kanila si Aly saka napabuntong hininga.

Aly's POV

Hayst. Ano na naman kaya ang pinag dadaldal nito ni Sophie? Kahit kailan talaga ay napaka daldal niya eh noh? Psh!

Napaiwas na lang ako ng tingin saka napalingon sa labas. Sa totoo lang ay tatlong araw na ang nakakalipas ng nabalitaan namin na nagkabalikan na ang dalawa. Noong una ay hindi ko alam kung ano ang mararamdaman. Wala namang kaso sa akin ang bagay na iyon dahil una pa lang ay alam kong magkakabalikan talaga silang dalawa.

Will I Wake Up?Where stories live. Discover now