Chapter Twenty-Eight

115 16 51
                                    

Aly POV

Tsk!

Pang-ilang araw ko na ba ngayon dito? Hindi ko alam pero gusto kong mag-emote kasi gusto ko nang umuwi, pero paano?

Napaharap ako sa salamin. Alam kong para akong tanga ngayon habang pinipilit ang sarili na umiiyak. Hindi ko rin alam ang dahilan kung bakit kailangan kong umiiyak. Para bang, gusto ko lang.

Weird right?

Masyado na kasi akong stress sa nangyayari. Ilang araw na ako dito at hindi pa rin magising gising sa tunay kong mundo. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o magalit kasi una sa lahat ay hindi ko alam kung kanino ba dapat ako magagalit. Kay Kei? Sa mga batang kanina pa ako kinukulit? O sa sarili ko na wala ring alam sa nangyayari??

Napasabunot ako ng buhok.

ARGHH!!!

"MOMMY!!!" malakas na sigaw ni Keith sa labas ng banyo.

Ano na naman?!!!

Padabog akong lumapit sa pinto at marahas itong binuksan.

"Bakit na naman?!" inis na tanong ko.

"Mommy, pinapasabi lang ni Dad na alas-kwatro daw ng hapon ang uwi niya. Alas-tres naman po ako. Kaya dapat makaalis na tayo ng mga alas-singko," paliwanag nito.

Napataas ang kilay ko habang nakatingin dito. Maya-maya ya umalis a rin sa harapan ko si Keih kaya naman laglag balikat kong sinarang muli ang pinto.

Tuloy na talaga yun?!

Dahan dahan akong dumausdos pababa habang nalapat ang mga likod sa pinto. Napahawak ako sa buhok at mairin iyong sinabunot at yumuko.

Arghhh!!!

Nakakainis naman kasi eh! Bakit kailangan pa iyang family family date na yan eh!! Sunod sunod na pagkatok sa pinto ang biglang gumulat sa akin.

"Mommy!! Mommy! Umalis na po sina Kuya Keith at si Daddy..." malakas ngunit matinis na sigaw ni Fenella.

Mabuti naman...Sa katunayan ay hinihintay ko talagang makaalis na sila. Mabuti na lang at medyo tanghali na kaya kailangan na rin nilang umalis. Dahan dahan akong tumayo sa pagkakaupo at lumabas ng banyo. Bumungad sa akin si Fenella saka mariing isinubsob ang mukha sa binti ko. Halos hindi ako makagalaw sa pagkakatayo. Maya maya ay itinaas nito ang kamay habang nakatingin sa akin.

Anong kailangan nito? Tinaasan ko ito ng kilay.

"Mommy?" tawag nito sa akin at saka ko lamang naintindihan ang ibig sabihin nito.

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko alam kung paano bumuhat ng bata. Paano ba??

Dahan dahan akong lumebel sa kanya at inilagay ang kamay sa bandang kili kili nito.

"Mommy,"

Paano ba? Nanginginig ang mga kamay ko sa kaba. Only child ako kaya naman paano ko malalaman kung paano bumuhat ng bata?!! Maya maya ay tuluyan ko na rin itong nabuhat.

Aruy!

Mabigat ah!

Nakangiti lamang ito habang nakatingin sa akin.Hindi ko maiwasang tingnan ang mga mata nito. Nakakainggit. Kamukhang kamukha ng mga mata ni Kei. Hindi na rin kami nagtagal dito sa harap ng banyo at nagtungo na sa kusina. Balak muna naming kumain at dahil alas-otso na ay naligo na rin kami pagkatapos.

Tanghaling tapat na bago kami natapos sa paliligo dahil hindi ko maiwasang pagbigyan ang batang ito sa paglalaro.

"Mommy! Isa pa! Laro pa tayo!!" pamimilit nito habang hinahatak hatak ang damit ko.

Will I Wake Up?Where stories live. Discover now