Chapter Thirty-Nine

80 10 28
                                    

Kei's POV

Oh fuck!

"Dammit Kiane!" malutong na sigaw ko rito matapos niyang hampasin ng malakas ang binti ko.

Shit naman oh! Ang sakit kaya!

"The hell dude! Nandito lang ako sa tabi mo oh! No need to shout!" angil nito saka padabog na tumayo. I forgot. Nasa tabi ko lang pala ito nang bigla akong sumigaw. At dahil tahimik ang paligid kanina ay talagang nagulat siya sa biglaang pagsigaw ko.

Pinipigilan kong tumawa dahil mukhang nagulat talaga ito. Napatingin naman ito sa akin at tila ba nanghihinala na sinadya ko iyon hanggang sa hindi ko na napigilan pa at napahagalpak ako ng tawa.

"Haha, sorry dude...but your face hahaha it's just...hahaha your face is so priceless...hahahha," hindi ko na napigilang matawa sa itsura nito nang magulat ito.

Dahil sa inis ay muli na naman niya akong hinampas sa ulo.Hahahaha...

Ilang saglit pa ay nagtungo kami sa kusina upang kumain.

"Sino ba kasi ang nasa isip mo kanina?" takang tanong ni Kiane sa akin habang hinihipan ang kape.

Jeez! Gabing-gabi na pero nagkakape pa rin ang loko!

"Wala," deretsang saad ko rito.

Shit naman kasi! Bakit si Aly pa ang naisip ko nang mga oras na yun eh! Napayuko ako habang abala si Kiane sa paghigop ng kape niya.

"Nga pala, narinig mo ba ang nangyari kanina? About Aly?" tanong ni Kiane saka umupo sa katapat kong upuan.

"Yeah," walang ganang sagot ko.

"Honestly, naguguluhan ako. I mean, from what I'm seeing from her. It's like she changed a lot. Maybe, she have a problem kaya ganoon ang kilos niya last time. Hindi ako naniniwala na malandi or desperada na si Aly. Parang hindi niya nga rin alam ang ginagawa niya last time eh," biglang litanya ni Kiane.

Napatingin ako sa kanya. Nakayuko lamang ito at diretsong nakatingin sa hawak na baso.

Yeah, I forgot. May gusto nga pala si Kiane sa babaeng iyon. I wonder what curse did Aly used to seduce Kiane. I mean, hindi naman siya sexy eh! Hindi rin ganoon kagandahan! Hindi rin matalino? So how?

"Minsan nga naiisip ko, baka hindi niya talaga alam na may gumagamit ng account niya. Or baka naman may split personality siya," saad ni Kiane na agad na napatingin sa akin.

Split-personality?

"Ahh...I- I mean...hindi ko sinasabi na hindi siya mentally stable ah...What if lang naman," saad nito na tila ba nahihiya sa sarili.

Oo nga naman. May gusto siya doon sa tao pero siya pa mismo ang nagsabing baka may deperensya si Aly.

"Or baka naman, you know...arghh, basta! Imposible naman kasi na nawawala na lang siya bigla sa sarili tapos di niya na kontrolado ang sarili. Edi para na rin yung split personality..." saad nito na para bang kinakausap ang sarili.

Hindi ko na lang ito pinansin dahil hindi ko rin naman siya maintindihan.

"Ikaw Kei, sa tingin mo...anong nangyayari kay Aly?" biglang tanong nito sa akin.

Napatingin ako rito ngunit seryoso itong naghihintay ng sagot ko. Anong tingin ko sa nangyayari kay Aly?

"Nagsimula iyon noong umaga na nagising ako sa isang mundo. Alam kong hindi kapani paniwala pero maging ako ay nagtaka noong una. Sa mundong iyon ay hindi ako isang high school student. Maging ikaw at lahat tayo,"

"Nagising akong asawa ka sa ibang mundo,"

Bigla akong napakamot sa ulo matapos maalala ang mga katagang iyon. Napakaimposible naman kasi!

Will I Wake Up?Where stories live. Discover now