Chapter Seventy-Six

49 7 0
                                    

Aly POV

Pagkatapos namin kumain ay bumalik na rin kami agad sa kani-kanilang klase. May dalawa pa akong test pagkatapos noon kaya naman nagmadali rin ako para matapos na.

Hindi rin naman nagtagal ay natapos na rin ako sa terror na teacher ko na si Miss Ava. Umalis na ako sa room na iyon at balak ko munang dumaan sa locker room bago puntahan si Sophie sa classroom namin. Habang naglalakad ako palabas ng room ay nakita ko si Keifer sa hallway. Mukhang kakagaling rin nito sa locker room nila base sa dala nitong bag. Agad naman akong napayuko at nag-iwas ng tingin.

Para bang ang bagal ng oras habang naglalakad kami mula sa magkabilang direksyon hanggang sa makalagpas na kami sa isa't isa. Ngunit hindi pa man kami nakakahakbang ng ilang metro mula sa isa't isa ay bigla itong napahinto saka nagsalita.

"You're coming, right?" tanong nito sa akin.

Agad naman akong napaharap dito ngunit nanatiling nakaharap ang likuran nito sa akin.

"Huh?"

"On Saturday... you're coming right?" tanong nito sa akin.

"Y-yeah..." tipid na sagot ko rito. Hindi naman na ito nagsalita pa at nanatili lamang tahimik. Hindi rin nagtagal ay nagpatuloy na ulit ito sa paglalakad na para bang nagmamadali.

Anong problema ng isang yun?

****

Sa kabilang banda naman ay agad na napakamot ng ulo si Kei ng tuluyan na siyang makaalis sa hallway na iyon. Hindi niya alam kung bakit bigla na lamang siya nagsalita kanina sa harap ni Aly. Ngunit alam niya sa sarili na maski siya ay naiilang sa sitwasyon nilang dalawa ng dalaga.

Napatulala na lamang si Kei habang patuloy sa paglalakad nang biglang may umakbay sa kanyang likuran.

"Kei!"

Agad siyang napalingon dito at nakita ang nobya na malawak ang ngiti sa kaniya.

"Veena..." tawag niya dito saka pilit rin na napangiti.

"Oh wait...what are you doing here by the way? I thought you're with Dylan and Ross?" takang tanong sa kaniya dito saka sila nag-umpisa sa paglalakad.

"Ahh, yeah...I- I just get something from my locker room," sagot naman nito habang patuloy pa rin sa paglalakad. Napatango-tango na lamang si Veena saka napatingin sa kanilang harapan.

Sa kabilang banda naman ay nagpatuloy na rin si Aly hanggang sa makarating sa kanilang classroom. Agad siyang sinalubong ni Sophie na malawak ang ngiti.

"Alyy!!!"

"Oh...bakit?" tanong niya dito hanggang sa tuluyan na siyang nakalapit dito.

"Nandyan si Kiane!!! Hihi kanina ka pa hinahanap!!" kinikilig na sigaw nito sa kaniya saka mabilis na hinila papasok sa loob ng classroom.

Agad namang napansin ni Aly ang dami ng tao na nakatingin sa kaniya na para bang kanina pa rin naghihintay sa kaniya. Sa hindi malamang dahilan ay para bang kinabahan si Aly sa nangyayari at may kutob na siya sa nangyayari. Gayunpaman ay hindi na niya nagawa pang-makapagsalita dahil sa paghila sa kaniya ng kaibigan.

"Wait! Teka lang naman, Sophie!" saad niya dito ngunit hindi siya binigyan ng pagkakataon nito na makapagsalita pa.

Natigilan na lamang siya nang makita ang maayos at malinis na harapan ng klase. Ilang saglit lamang ay mabilis akong tinulak ni Sophie papasok.Napalingon pa ako dito ngunit nakangiti lamang ito sa akin habang itinuturo ang loob ng classroom.

Dahan-dahan akong ibinalik ang tingin sa harapan ko hanggang sa maabot ng mga paningin ko ang isang lalaki na nakayukod sa harapan ko. Napangiti ito habang masayang nakatingin sa akin.

"K-kiane..." hindi makapaniwala na tawag ko dito habang nakatingin sa kaniya.

Kasalukuyan na nakayukod si Kiane sa kanyang harapan habang may hawak itong isang pulko ng bulaklak. Hindi mawari ni Aly ang mararamdaman habang tinitingnan ito at seryosong nakatingin sa kaniya.

"Aly Vasper... I know this is quite fast. But I don't care. Love me now and I will let you feel how much I love you all my life. I'll let you live full of happiness while we're together...so I want to ask you..."

Saglit pa itong tumigil habang nanatiling nakatingin kay Aly.

"Aly, will you be my girlfriend?" sinserong tanong nito habang nakatingin ng diretso sa mga mata ng dalaga.

Sa unang pagkakataon ay para bang natigilan, literal ang dalaga at hindi makasagot. Nakatingin lamang siya sa binata habang tinitimbang ang nararamdaman bago sagutin. Hindi niya maiwang ma-pressure lalo pa at maraming tao ang nakatingin sa kanilang dalawa.

Gayunpaman ay hindi niya maiwasang mapatingin sa mga mata ni Kiane. Alam niya na totoo ang mga ito at sinserong sinasabi sa kanya ang tunay na nararamdaman ng binata.

Ilang saglit pa siyang natigilan hanggang sa biglang dahan-dahang tumayo si Kiane. Nakangiti pa rin ito habang hawak ang isang bulaklak. Naririnig sa paligid ang impit na tili ng mga kasamahan o kaklase ni Aly na marahil at nagpa-iwan rin matapos malaman ang tungkol sa munting surpresa ni Kiane sa dalaga.

Anong oras na rin kasi at mukhang talagang nagpa-iwan ang mga ito para makita ang mga susunod na mangyayari.

Napatingin na lamang si Aly sa mga kaklase na nakatingin sa kaniya hanggang sa makarating si Kiane sa harapan ng dalaga. Dahan-dahan nitong inabot ng bulaklak kay Aly. Nalilito man ay wala nang ibang nagawa pa ang dalaga kundi ang tanggapin ito.

Mayamaya pa ay nagulat na lamang ang lahat nang biglang siyang yakapin nito. Gamit ang isang kamay ni Kiane ay hinila niya ang uluhan ni Aly palapit sa kaniyang dibdib dahilan para magulat rin ang dalaga.

Ang kaninang impit na tili ay biglang umingay na animo'y nakawala sa hawla. Nangunguna sa boses na maririnig ang malakas na sigaw at panunukso sa kanila ni Sophie na nasa kanilang likuran. Habang ang iba naman ay halos magwala sa sobrang kilig.

Katulad ni Keifer ay sikat at hinahangaan rin si Kiane kaya naman may ibang babae rin ang mas ninais na umalis na lang nang makitang niyakap ng binata ang dalaga.

"Aly..." tawag sa kanya ni Kiane habang nanatiling nakayakap sa kanya.

" I have failed to love you twice before...please think about it again. Let me love you this time, please... I'll wait for your answer till you're ready," malumanay at napaka-sincere na sambit nito.

Ganun na lamang ang pagkalambot ni Aly nang marinig ang huling salita na ito ni Kiane at hindi na magawa pang makapagsalita at sa halip ay iniangat niya ang kanyang kamay upang yumakap pabalik dito.

*****

Hindi na rin naman sila nagtagal doon at minabuti na rin nilang umuwi. Sa kabutihang palad ay hindi naging mailang ang pangyayari lalo pa at wala pang sagot si Aly. Mukhang naiintindihan rin naman ni Kiane kung bakit hindi siya nito masagot. Gayunpaman ay wala siyang balak na pilitin o i-pressure ang dalaga.

Isa pa ay nanliligaw pa lang naman siya at hindi pa kailangan nito na sagutin agad siya. Para sa kanya ay umpisa pa lamang ito upang ipaalam kay Aly ang tunay na nararamdaman niya para dito.

Sabay na umuwi nina Kiane at Aly si Sophie na siyang walang tigil sa pagkukwento sa nakita niya kanina. Pagkauwi nila ay agad na napahiga si Aly sa kaniyang kama habang nakatingala sa kisame. Hindi niya na alam kung ano ang dapat na maramdaman at isipin gayong napakaraming bagay ang nangyari kanina.

"Aly, kain na!" tawag sa kaniya ni Leander na nasa ibaba na pala. Paguwi niya kasi ay wala naman ito dito sa bahay kaya naman walang gana na lamang siyang tumayo sa kama saka naglakad palabas.

Naabutan niya sa ibaba ang isang babae na nakaupo patalikod sa kaniya. Napakunot pa ang noo niya habang palapit dito.

"Oh, umupo ka na at kakain na," tawag sa kanya ni Lean nang mapansin siya nito.

Agad naman siyang naglakad palapit sa mga ito hanggang sa makita ang mukha ng babae.

"A-ate Mari?" takang tawag niya nang makita ito. 

Will I Wake Up?Where stories live. Discover now