Chapter Eighty-Five

58 5 0
                                    


Aly POV

Halos alas-nueve na kami ng umaga nakaalis ng bahay. Kung hindi pa si Keith ang magpunta sa kwarto namin ay mukhang wala talagang balak na tumayo si Kei. Mukhang sa panganay na anak talaga siya nakikinig at hindi sa asawa. Hmp!

Oh well, technically, hindi talaga ako ang asawa niya ngayon.

Napailing na lang ako nang mag-umpisa nang mag maneho si Kei ng sasakyan habang ang dalawang bata naman ay prente na ring nakaupo sa back seat ng kotse. Ilang saglit lang ang hinintay namin at nakarating na rin kami sa harap ng isang restaurant. Hindi pa naman kasi ganun karami ang resto sa mundong ito kaya naman nahirapan rin kami ng bahagya sa paghahanap.

Pagdating namin dito ay agad naman na nag-order si Keifer. Natanong na rin ang mga bata sa gusto nila kaya naka-order din ito agad. Pagbalik nito ay naging seryoso bigla ang mukha nito. Napakunot noo ako ngunit hindi ko na lang rin ito pinansin pa.

*****

Kei's POV

Pagkatapos kong ihatid ang pagkain nina Aly ay nagpaalam muna ako na pupunta sa restroom. Agad akong napasandal sa pinto nang makapasok dito at sa kabutihang palad ay walang tao sa loob. Agad akong nagpunta sa ihian saka binuksan ang zipper para umihi.

Pagkatapos nito ay isinara ko na rin ito ngunit bago pa man lumabas ay hindi ko maiwasang matulala.

Why am I thinking like this? Why do I feel like it would be nothing even if I remain calm and happy with them right now. I'm going to die later right?

It's just sad that the past version of myself won't even get a clue na wala na siyang uuwiang pamilya. That he would also disappear after I die here.

Well I just hope that my life in my real world will be okay and resolve after this. I hope I won't die for real, huh.

Natawa ako sa iniisip ko.

I have this feeling that I'm with the real Aly. I feel like bumalik ulit siya dito the same thing to what happened to me. But still, it doesn't matter. Wala rin namang magagawa if siya nga talaga ang kasama ko ngayon.

Pilit na lang akong napangiti saka lumabas ng restroom. Pagdating ko sa kanila ay abala pa rin ang mag-nanay sa pagkain. Napangiti na lang ako habang nakatingin sa kanila. I know, Aly has no idea that I am here. That I'm the person she's hugging last night and that I'm the person who kissed her goodnight.

But I will let her know that I'm the one who can let go and die for her even if it means, we can't know who we are in our present life.

Nagpatuloy na kami sa susunod na galaan pagkatapos namin kumain ng restaurant na iyon. Saktong alas-dose ng tanghali ay nagtungo naman kami sa mall kung saan kami manonood mamaya sa sinehan. Nagpalamig muna kami sa iba't ibang shop sa loob habang puro laro naman si Fenella sa tren na dumadaan para mag-entertain ng mga bata.

Napatingin ako kay Aly nang makitang nakangiti itong nakatingin sa bata. Ngunit ilang saglit lang ay napatingin rin ito sa akin dahilan para mapaiwas ako ng tingin.

Fuck! Kailan ba ako nahiya sa isang babae? Alam ko ay wala pa! Pero kay Aly... ibang iba ang dating at tama niya sa akin.

Napaisip na lang ako kung ano kaya ang magiging reaksyon niya sa oras na malaman niyang ako nga ito. Magagalit kaya siya? Or matutuwa? Alam kong may nararamdaman rin siya sa akin matapos niyang tumugon sa mga halik na binato ko sa kanya noong nasa tabing dagat kami. At kahit ilang beses niya pangi-deny ang bagay na iyon ay walang magagawa iyon dahil naramdaman ko na ang tamang sagot sa paraan ng paghalik niya sa akin.

Hindi na rin nagtagal ay nagbukas na ang sinehan kaya naman pumasok na rin kami agad.

"Daddy!!" biglang tawag sa akin ni Fenella na para bang nagpapakarga. Napatingin pa ako kay Aly ngunit minulatan lang ako nito ng mata na animo'y sinasabing buhatin ko ito. Sa huli ay wala na akong nagawa pa kundi kargahin ito kahit na may kabigatan na rin ang bata. Habang si Keith naman ay nakasunod sa likuran ko at nakahawak sa kamay ng mommy niya.

Napangiti ako nang makita ang porma naming apat habang papasok sa loob.

"Kei, umayos ka, dun ka sa dulo...yung mga bata ang nasa gitna," utos sa akin ni Aly.

"Why? I want here...I can just hold Keith here," sagot ko dito. Umupo kasi ako sa tabi nito imbes na sa tabi ni Fen na nasa kanang bahagyang ni Aly.

"Shut up, Keith...palit kayo ni Daddy mo ng upuan,"

"Huh?? But I'm comfortable here," sagot sa kanya ng bata na ikinatuwa ko.

"See?"

'Nice one, son...anak talaga kita' saad ko sa sarili.

"Isa!" warning naman nito dahilan para mabilis na sumunod ang isa.

Tuluyan nang nawala ang ngiti ko nang makitang nasa malayo na si Aly dahil nasa pagitan na naming dalawa ang mga bata.

Psh! One last chance na oh! Bago mamatay, tsk! Di man lang pinagbigyan.

Halos hindi ko natagalan ang pinapanood namin dahil may pagka-romance ito at bahagyang mystery. Maging si Keith ay pinipilit na lang na di makatulog lalo na sa part ng drama habang si Fen at Aly naman ay halos hindi matanggal ang mata sa screen.

Maging ang pop corn nila ay wala masyadong bawas dahil mas focus sila sa pinapanood kaysa sa kinakain.

Psh! Ito ang dahilan kung bakit hindi ko tinanggap kay Ate Mari ang ticket na ito nang ibigay niya sa akin sa loob ng kusina kahapon. Alam kong ito ang mangyayari pero hindi ko inaasahan na ibibigay niya ito ng palihim kay Aly. Sa huli tuloy ay ako pa ang binaliktad niya na kisyu gusto kong hingin ang ticket kahit hindi naman.

Pagkatapos ng ilang oras ay natapos na rin ang panonood namin hanggang sa makalabas na kami ng mall. Nagpunta agad kami sa garage at sumakay sa kotse. It's already 7pm dahil kumain rin muna kami sa loob bago umuwi. Naging tahimik na rin ang mga bata dahil sa pagod habang si Aly naman ay nakatingin lang rin sa labas ng bintana.

I've been talking to her kanina pa sa mall hanggang sa pagkain namin. I don't want to miss a thing like talking to her. I know, malapit na kami sa lugar kung saan mangyayari ang lahat...and I didn't waste my time at tumingin sa kanila isa't isa.Gamit ang center mirror ay tiningnan ko ang mga bata na natutulog sa likuran habang si Aly naman ay nakiki-jam lang rin sa tugtugan.

Mayamaya pa ay isang pulang ilaw ang nakita ko..hudyat na malapit na ang isang truck na iyon. Katulad ng sinabi sa akin ni Ate Mari...nakaayon ang lahat ng ito sa kanyang plano. Napatingin na lang ako sa kanila saka tinunggo ang kotse papunta sa gilid ng highway.

"Kei? What's wrong?" tanong sa akin ni Aly nang mapansing inihinto ko ang kotse.

"Just stay here, Aly..." sambit ko dito saka naglakad na palabas. Kita ko ang pagkalito sa mga mata ni Aly habang sinusundan ako ng tingin. Pagdating ko sa intersection ng daan ay napahinto ako habang nakatingin sa kotse. Nakita kong nagising na rin ang dalawang bata habang nakatingin sa direksyon ko habang si Aly naman ay may hindi mapaliwanag na ekspresyon habang nakatingin sa akin.

"Keifer!!! What the hell are you doing!!!" sigaw nito sa akin saka lumabas ng kotse.

Narinig ko na ang malakas na busina ng malaking ten-wheeler truck na palaging dumadaan sa intersection na ito. Napakalapit na nito sa akin kaya naman kahit na huminto ito ay hindi na rin ganoon kadali lalo pa't napakabigat rin ng kargada nito.

"Keifer!!! Get out of there! What the hell are you doing?!!" malakas na sigaw nito ngunit hindi ko na marinig pa ang sinasabi nito. Nakatuon na lang ang tingin ko sa mga mukha nila lalo na kay Aly na akma pa sanang hahabol sa akin ngunit hindi na siya nakaabot pa ng isang malakas na pwersa ang humila sa akin pailalim sa isang malaking truck. Ramdam ko ang pag-gulanit ng katawan ko at kasabay nito ang pagkawala ng buhay ko.

"Keifer!!!" malakas na sigaw ni Aly kasabay ng pagbagsak nito sa sahig habang nasa likuran ang dalawang bata na umiiyak na rin.

"I... I love you Aly...and I will always do."

Will I Wake Up?Onde histórias criam vida. Descubra agora