Chapter Thirty-Seven

81 11 33
                                    

Aly's POV

Nakatingin lamang ako sa direksyon ni Keifer habang seryosong nakatingin sa phone. May balak ba siyang makipag-usap o wala?

Tss...

Napaismid ako nang dumating na ang order ngunit abala pa rin si Kei sa pagtipa sa kanyang cellphone. Napakunot ang noo ko dahil halos isang minuto na akong nakatingin sa kaniya ngunit parang di man lang ito nakakaramdam.

"Ehem!" pasaring ko sa kanya.

"Teka lang," agad na saad nito na ikinagulat ko.

Aba! Siya pa may ganang magtaray ah! Aba naman! Malakas! Halos hindi maipinta ang mukha ko sa galit kaya naman agad kong kinuha ang phone nito.

"Ano ba!" sigaw ko rito.

"I said wait lang di ba?" aniya sabay hablot muli ng phone nito.

Aba naman! Nanghahamon to ah!

"Hoy! Ikaw kaya ang nagsama sa akin dito! Tapos ngayon, ikaw pa may ganang magbalewala sa akin?! Aba naman," mataray na pambabara ko sa kanya.

Ngunit sa halip na sumagot ito ay nanatili lamang siyang nakatingin sa hawak.

"I said wait lang," saad nito habang ipinagpatuloy ang pagtitipa.

Naramdaman kong nag-init bigla ang ulo ko dahil sa inis.. Wow, speechless ako ah. Naismid na lang ako saka kinain ang mga inorder nito. Maya-maya ay nagsalita na rin ito.

"Okay, let's start" biglang saad nito saka inilapag ang cp sa mesa at seryosong tumingin sa akin.

Agad naman akong napalunok dahil sa kaba.

"Bakit ka nakikipag-chat sa kung kani-kanino?" biglang tanong nito sa ain. Nakalagay pa ang kamay nito sa ilalim ng kaniyang baba habang seryosong nakatingin sa akin.

Napataas naman agad ang kilay ko dahil sa tanong niya.

Teka...ako lang ba o bakit parang interview ang labas at nagmumukha siyang demanding na boyfriend?!Arghh! Aly, wag ka nga assuming! Napabuntong hininga muna ako bago sumagot dito.

"Una sa lahat, hindi ko alam na may china-chat ako na kung sino-sino at sa maniwala ka man sa hindi, hindi ako ang taong iyon," saad ko.

Alam kong hindi siya maniniwala ngunit umaasa akong kahit papaano ay maintindihan niya ako. Agad na napakunot ang noo nito kaya na-obliga akong magsalita muli.

"Wait... Ang ibig kong sabihin ay hindi ako ang taong nag-chachat sa kanila. Pero hindi rin ibang tao," saad ko.

"So...you mean, wala kang kasalanan?" aniya saka bahagyang lumapit sa akin.

Wait...pinaniniwalaan na ba niya ako?? Huh?

"Oo, ganto kasi. Tuwing natutulog ako -" hindi ko na natapos pa ang sasabihin nang magsalita ulit ito.

"Naiintindihan ko na," saad nito saka humarap sa akin.

Huh?Ang bilis naman niya ma-gets. Buti na lang at hindi siya bobo. Umaasa akong nakatingin sa kaniya habang hinihintay ang susunod na sasabihin.

"Naiintindihan ko na kung bakit ka nagiging weirdo at kung bakit kung sino sino ang chinachat. Dahil yun sa desperada ka na," diretsang saad nito na ikinalaki ng mga mata ko.

Huh?

"Ganoon ka ba ka-desperada na kahit ang mga may relasyon ay sinisira mo?!!" galit na saad nito at bahagya pang nakatayo habang nakalagay ang mga kamay sa mesa.

Hindi ganoon karami ang tao sa loob ng cafe na ito kaya naman hindi rin ganoon karami ang taong nakatingin sa amin.Sa totoo lang ay hindi ko maiwasang masaktan sa mga sinasabi niya. Akala ko ay naiintindihan na niya ako ngunit hindi rin pala. Gustong pumatak ng mga luha ko pero pinipigilan ko lamang.

Nangako ako kay Kiane noong gabing iyon na hindi na ako iiyak pagkatapos kong mabasa ang polo niya dahil sa mga luha ko habang nasa rooftop kami.Napatingin ako kay Keifer at bakas sa mga mata nito ang sakit at galit na nararamdaman niya. Maya maya ay dahan-dahan itong umupo pabalik upang kumalma.

"Wala na kami ni Veena nang dahil sa iyo," mahinang saad nito.

Naramdaman ko ang sakit na nararamdaman ni Keifer nang makitang unti-unti itong napahikbi habang umiiyak. Hindi ko alam kung bakit parang naaawa ako dito. Ito ang ayaw ko simula pa lamang, dahil alam kong nakasakit ako ng iba dahil sa nangyaring iyon.

Sabi nila, sa oras na umiyak ang isang lalaki dahil sa babae, isa lang ang ibig sabihin nito. Iyon ay dahil sa mahal na mahal niya ito. Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung gaano kaswerte si Veena dahil sa mahal na mahal siya ni Keifer.

Bigla akong nakaramdam ng inggit sa hindi malamang dahilan. Kung tutuusin ay ako ang kontrabida sa kanilang dalawa. Parang sila ang dalawang karakter sa pelikula ngunit dahil sa walang kwentang tulad ko na umeksena sa relasyon nilang dalawa ay maghihiwalay ang magkasintahan. Ngunit sa bandang huli ay magkakaayos rin ang dalawa at magkakaroon ng happy ending.

Arghhh!! Ano ba yang iniisip mo Aly! Tumigil ka nga!

Matagal ko nang iniisip kung ang kabilang mundo ba na kasama sina Fenella at Keith ay ang future ko, ngunit sa pagkakataong ito ay nagduda na ako sa isipang iyon.Nanatiling nakayuko si Keifer habang impit na umiiyak. Hinintay ko lamang ito na kumalma saka inabot ang panyong hawak ko.

"Hmm," saka inabot ang panyo ngunit sa halip na tanggapin ay hindi na siya nag-abala pa at nagpunas na lamang gamit ang kanyang kamay.

"Alam kong ako ang may kasalanan dito," nakayukong saad ko.

"Pero, di ko rin naman gustong may maghiwalay dahil sa akin. At mas lalong wala akong intensyon na paghiwalayin kayong dalawa. Totoo ang sinasabi kong hindi ako ang gumawa noon," dagdag ko pa.

"Wag mo nga ako paikutin," marahang saad nito.

Dahan-dahan kong inangat ang paningin sa kaniya hanggang sa mag-abot ang mga paningin namin.

"Hindi ko gustong magsinungaling sa'yo at lalong lalo na at hindi ko rin babalakin na paikutin ka," Muli akong napayuko.

"Nagsimula iyon noong umaga na nagising ako sa isang mundo. Alam kong hindi kapani paniwala pero maging ako ay nagtaka noong una. Sa mundong iyon ay hindi ako isang high school student. Maging ikaw," sambit ko dito.

"Ano bang pinagsasabi mo?" takang tanong ni Kei habang kunot noong nakatingin sa akin.

Napatingin ako sa kaniya. Siguro ay oras na rin ito upang sabihin ko sa kanya ang tungkol sa amin. Maniwala man siya sa hindi, ang importante ay alam niya.

****

Veena's POV

Halos hindi ko makayanan ang mga tanungan nina Rhein kanina kaya naman maaga akong umuwi.Nagpunta na ako sa shop ng tita ko at naisipang bumili ng mga bagong dress.Wala naman sa plano kong mag-shopping pero ito kasi ang stress reliever ko.

Hindi rin naman ako inabot ng gabi dahil bigla akong nakaramdam ng pagod. Pagkatapos kong magpaalam kay tita ay umalis na rin agad ako. Habang naglalakad ay napansin kong bukas pa ang cafe na palagi naming pinupuntahan noon ni Keifer.

Bigla akong nakaramdam ng sakit sa dibdib nang maalala si Kei. Sa totoo lang ay gusto ko nang bawiin ang sinabi ko sa kanya na cool off. Pero, hindi ko alam kung paano.

Wala sa sariling lumakad ang mga paa ko papasok ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay nakita ko si Keifer. Agad na nanlaki ang mga mata ko ngunit unti-unti ring nawala ang saya na naramdaman ko matapos makita ang kasama nito na si Aly.

Bakit? Bakit magkasama sila??!!

Unti-unting pumatak ang mga luha ko dahil sa sakit.

Bakit ganito?? Bakit pakiramdam ko ay mas maraming nagmamahal kay Aly??

Pinunasan ko muna ang luha ko bago lumabas sa cafe na iyon. Hindi ko kaya. Hindi ko alam kung ano ang dapat gawin sa mga oras na ito. Maaari naman akong magpatuloy sa pagtambay doon ngunit hindi ko alam kung kakayanin ko bang makatagal sa lugar kung saan alam kong naroon si Kei kasama ang babaeng iyon.

Hanggang sa makauwi ako nang bahay at doon na lamang ibinuhos lahat ng sama ng loob at sakit na nararamdaman ko. Umaasa akong sana ay ako pa rin sa huli.

Ako pa rin ang end game mo, Keifer...

Will I Wake Up?Where stories live. Discover now