Chapter Thirty-Three

114 12 27
                                    

Aly's POV

Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko nang maramdaman kong para bang may nakamasid sa akin.

Puting kurtina?

Umm, picture frame...

Mesa?

Inikot ko pa ang paningin ko nang may mapansin akong kakaiba.

Gi-gitara?! Agad akong napabalikwas sa higaan.

Wa-wait! Bakit...Bakit may gitara? Wala ako nito at kung nasa kabilang mundo ako at wala rin namang gitara doon...kaya, kaya paanong nagkaroon ng gitara dito? Inilibot ko pa ang paningin at hindi lang iisa kung hindi tatlo ang gitarang iyon na nakasabit sa dingding.

Te-teka... Ano bang nangyari?

Si...si Kiane, tapos umiyak ako?

Wahhhh!!! Di ko na maalala!!! Napatakip ako ng kumot nang biglang may magbukas ng pinto.

"Aly, I know you're awake. Baba ka na lang if you feel like it,okay?" tinig na nagmumula sa pinto.

I know that voice.Si Kiane. Tinanggal ko kaagad ang kumot sa katawan ko ngunit wala na rin pala ito sa pinto.Nakahinga ako ng maluwag. Agad na hinanap ng mata ko ang cellphone ko. Agad ko rin naman itong nakita sa ibabaw ng mesa sa tabi ng kamang ito.

Anong oras na? 8:35...Oh great! Inabot ako ng gabi sa bahay...o sa kwarto ng isang lalaki. Wala naman sigurong nangyari di'ba? Pinakiramdaman ko ang sarili ngunit wala namang masakit kaya ipinagpatuloy ko na lang ang pagtingin sa cellphone.

May nag-text ba sa akin? Si Mommy or si Kuya Lean? Ay! Oo nga pala at di uso sa kanila ang text at naka-messenger sila. I immediately opened the app and the first thing I notice ay may flood messages ang ilan sa akin.

Arghh!! Di ko pa pala nakikita itong kalokohan na 'to!!! Inisa isa kong tingnan ang mga messages. Tama nga sila.

Halos hindi ko mabilang ang mga recent chats na ito at karamihan sa kanila ay lalaki.Chad? Sino naman 'to?

Binuksan ko ang convo at laking gulat ko sa message convo ko sa kanya.

" I don't know, Aly. I have a girlfriend. And for now, I love her more than any other girls" basa ko sa message ni Chad.

So, rejected pala ako? Ay mali! Hindi pala ako ang Aly na tinutukoy niya.

Tsk!

"I'm willing to wait,dar...ling??" pagbasa ko sa reply ko.

Taeng malagkit! Ang landi mo nga Aly! Ni-reject ka na lahat lahat umaasa ka pa! Arghhh!!!Sinong mag-aakala na si Aly version 2.0 ko ay napakadesperada at super landi!

Fuck! Mas lalo tuloy akong nahihiya sa sarili ko. Knowing na palagi kong nakakasalubong ang ilan sa mga lalaki na 'to. Saan pa ako kukuha ng kapal ng mukha?

Isasara ko na sana ang messenger dahil wala namang sms sina kuya at mom ngunit biglang naagaw ang atensyon ko ng makita ang pangalan na hindi ko inaasahan.

"Ke-Keifer Pe...Peterson," pagbabasa ko sa pangalan nito.

Hindi ko alam ngunit bigla akong nakaramdam ng sakit sa dibdib ko. Naalala ko na naman ang paraan ng pagtingin niya sa akin matapos akong sampalin ni Veena. Malayong-malayo sa mukhang nakikita ko sa kabilang mundo. Sa shokoy na palaging nakangiti tuwing kasama ang dalawang anak nito.

Iwinaksi ko kaagad sa isipan ang ideyang iyon dahil lalo lamang akong nasasaktan. Nanginginig kong binuksan ang messages ko sa kanya.Halos manlaki ang mga mata ko sa flood messages kong hindi niya pa nasi-seen kaya naman nag-backread ako rito.

Will I Wake Up?Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang