Chapter Forty-Nine

88 9 14
                                    

Sophie's POV

"Pst,"

Napairap ako sa kanya. Tsk!

Napakatanga naman kasi. Sabi niya kasi ay susunduin niya ako. So in the end hinintay ko talaga siya pero 10 minutes na lang at male-late na ako at wala pa rin siya! Kaya mag-isa na lang akong pumasok. Muntikan pa akong hindi makaabot sa time kasi siksikan ang pasahero sa bus.

Tapos pagdating ko dito sa campus, nandito na pala siya. At hindi lang yun! Ang lakas pa maka-amnesia! Wala naman daw kasi siyang sinabing ganun!

"Pst...uyyy, Sophie! Umasa ka talaga?? hahaha seryoso?" natatawang sambit nito.

Hindi ko tuloy maiwasang mahiya sa sarili ko Para tuloy akong assumera na ay susundo talaga sa akin.

"Sophie! Dylan!!" malakas na sigaw na nagmumula sa pinto.

Sabay kaming napalingon rito. Napakunot ang noo ko nang mapansing maganda ata ang gising ni Aly ngayon. Anong meron?

"Aly!" malakas na sigaw ni Dylan at tumakbo palayo sa akin.

Nakabukas pa ang mga braso nito na animo'y yayakapin si Aly ngunit bago pa man ito makalapit ay mabilis nang naitaas ni Aly ang kamay niya upang pigilan si Dylan na makalapit sa kaniya. Hawak-hawak ni Aly ang ulo ni Dylan habang inilalayo siya nito.

Teka... ngayon ko lang napansin, mas matangkad pala si Aly kaysa kay Dylan?!

Agad akong napatawa sa posisyon nila. Mukhang hindi rin inaasahan ni Dylan na mas matangkad sa kanya si Aly dahil halos lumuwa ang mata nito sa gulat. Napangisi naman si Aly.

"Eehhhh??" ungot ni Dylan.

Pinagaspas pa nito ang mga kamay niya at kahit na hindi ganoon kalakas ang pwersa ni Aly ay nahihirapan pa rin si Dylan na makalapit dito. Napatawa ako.

"HAHAHAHAHA,"

Sinamaan ako ng tingin ni Dy. Hahahha...nagmumukha tuloy siyang bata sa comics na pinapagaspas ang mga kamay para makawala sa pagkakahawak sa kanya.

Hindi naman na nakaganti pa si Dylan dahil halos kasunuran lang ni Aly ang prof. Agad kaming napaupo habang si Dylan naman ay nakasimangot na umupo sa upuan niya. Napatawa ako. .

Serves you right, dumbass! Hahahha...sa akin pa rin ang huling halakhak!

Halos isa't kalahating oras na ang nakakalipas at nagle-lesson pa rin si prof about Limitations sa basic calculus. Hindi naman sa ayaw ko ng basic cal kasi nakaka-enjoy rin siya minsan kaso may time talaga na bobo ako. Tulad ngayon.

Naunahan kasi ng kamalasan eh! Tss...badtrip.

Masama akong tumingin kay Dylan pero mukhang siya ata ang pinakawalang pakialam na makita ni prof na hindi nakikinig. Nakalagay kasi ang earphone niya habang malakas ang volume. Medyo rinig ko nga rin ang tugtog ni Charly Black eh.

Inirapan ko na lamang ito. Maya maya pa ay natapos na rin ang basic cal kaya naman naghintay na lamang kami sa susunod na subject namin. Habang naghihintay ay pumunta muna ako kay Dylan dahil may kailangan akong tanungin.

"Dy!" Humarap agad ito sa akin pero mabilis ring tumalikod.

"Hoy! Anong drama mo dyan? Parang tanga," sambit ko ulit dito.

"Wala! Tahimik ako ngayon," Psh...kailan ka pa ba naging tahimik, aber?? Tinuktukan ko siya.

"Seryoso ako tanga!"

"Ano ba yun??!!" inis na sigaw niya. Ay galit?

"Sabi mo kagabi sa tawag ay tutulungan mo ako kay Ross hindi ba? Oh...paano yun?" nahihiyang tanong ko.

Will I Wake Up?Where stories live. Discover now