"Eli, kailan ka pa nakabalik?" Seryoso nitong tanong sa lalaking kaharap namin.
Parang kilala niya pa to ah, parang old friend ata? Ewan ko kung ano ang connection nila sa isa't isa. Basta, 'yung libro ko ang mahalaga. Oh, 'di ba, ang babaw? Pero kasi libron na yung pinag-uusapan dito oh.
"Bro, don't a long-time-no-see friend should ask first how am I? Well I'm alive and kicking," napairap ulit ako sa pagiging pilosopo.
I knew it! They're old friends talaga eh, what's odd lang is I've never met him. He's familiar but I can't seem to put it together if when we've met or where or how.
"Jessi, pumunta ka na sa sasakyan ko. Sinabihan ko na si Manong na dalhin na muna sa malapit na talyer ang kotse ninyo." Tumango na lang ako sa kaniya kahit naguguluhan pa rin sa nangyayari.
Paano kaya nakapunta rito si Kuya na parang si Flash? Ang bilis niya! Pero mabuti na 'yun, malalayo na ako sa lalaking pang-iinis lang ang ambag buhay ko. Naglakad ako palapit kina KJ at Em-em na nakatayo lang sa harap ng sasakyan ni Jeo.
Nakaparada rin ang kotse nina KJ sa unahan lang ng kotse ni Kuya. Nakita ko pa ang driver nito na nakaupo sa isang malaking bato habang sumisipol at nililibot ang tingin sa paligid. Muli akong napahinga nang malalim sa ibang pakiramdam na hatid ng hangin sa akin.
"Ayos ka lang ba?" Magkasabay na tanong namin ni KJ—well, siya para sa akin habang ako naman ay para kay Em-em. Tinaasan ko si KJ ng kilay nang makitang may nakakalokong ngiti sa labi nito.
May ibig sabihin na 'yun, 'e. Ano na namang kawalanghiyaan ang nasa isip nito? Kaya ayaw kong makipagkaibigan sa lalaking may sapi dahil si KJ pa lang, nakaka-migraine na.
Two types naman kasi siya: una, kill joy sa mga bagay na alam niyang nakakalabag sa batas ng magulang namin; pangalawa, maraming kalokohan siyang nalalaman na hindi makakapagpagalit sa nanay niya.
"Ayos lang naman kami, KJ" si Em-em na ang sumagot sa tanong ni KJ na hindi ko na nasagot.
Oh, 'e pake n'yo ba? Napapikit ako sa inis na baka sakaling malaman ni Mommy ang nangyaring to ay mag-hi-hysterical na naman siya.
Pero kung tatahimik lang naman si KD (Kuya Driver), edi walang problema dahil alam kong hindi magsasalita si Kuya lalo na't madadamay siya.
Nakatingin lang kaming tatlo sa dalawang lalaking seryosong nagkukwentuhan pero hindi pa rin nawawala ang ngiti ni Eli sa mga labi niya. Paminsan-minsan nakikita kong palihim siyang sumisilip sa amin at naniningkit pa ang mga mata.
"Mauna ka na lang siguro, KJ" pagbasag ni Em sa katahimikan sa pagitan namin. Hindi ako tumingin sa kaniya at patuloy lang na tinitingnan ang dalawa. Nakapamulsa ang isa habang si Kuya naman ay seryosong nakatingin sa kaniya.
"Hintayin ko na lang kayo" rinig ko namang sagot nito sa sinabi ng pinsan ko.
"Bahala ka" sabi naman ng isa.
Tumingin ako sa kanila at nakita kong binalik lang nito ang attention sa kaniyang cellphone at nanood ulit ng TikTok. Lumapit ako sa kotse ni kuya tsaka binuksan ito at kinuha ang tumbler tsaka uminom ng tubig.
Mukhang nailipat naman na nila agad ang mga gamit namin mula sa sasakyan namin at nilagay ito sa kotse ni kuya. Kaya mas mabuti pang kasama ko si Marianne kesa ako lang mag-isa eh. Responsible kasi siya tapos hindi pa absent minded.
Naramdaman ko naman ang pagkalabit sa akin ni KJ kaya nilingon ko ito at inilayo ang tumbler sa bibig ko bago magsalita.
"Bakit?" Umiling lang ito. Uminom na lang ulit ako, parang naubos kasi yung laway ko kanina eh. Naramdaman ko naman siyang lumapit sa akin.
"Sa tingin mo, gusto ka niya?" bulong nito kaya nasamid ako. Narinig ko pang tumawa ito nang mahina. Ang sama naman nito! Nasamid na nga, tinatawanan pa!
"Ayos ka lang?" Halata namang nagpipigil ng tawa. Inirapan ko na lang siya.
Nagtaka naman ako kung bakit parang hindi ako pinansin ni Em-em. Kaya nilingon ko siya at ayun, nakita ko siyang nasa loob na ng sasakyan. Hindi masyadong tinted ang sasakyan kaya makikita mo ang loob nito kapag malapit ka rito.
Naka-earphones siya habang tumatawa, hindi ko nga lang marinig. Umiling na lang ako at binalik ulit ang tingin sa dalawa.
"Wala siyang gusto sa akin" tumikhim ako kasi parang nakaka-ilang kasi ang tanong niya.
"Uhmmmm. . . " Pinukulan ko naman siya ng masamang tingin pero hindi pa rin nawawala ang nakakalokong ngiti nito sa labi.
"Sige ka. . . hindi kita tutulungan kay Princess. Tingnan natin" ako naman ang tumawa nang mahina na parang kinukutya siya. Iyon ang pang-blackmail ko sa 'yo. Princess lang pala ang password eh.
"Tss, kami na, 'no?"
"Dati" sinamaan niya ako ng tingin pero nagpatuloy pa rin ako sa pagsasalita "Hindi na ngayon dahil pinagpalit ka niya sa kaibigan mo. . . dati." Sumama naman ang timpla ng mukha niya.
"Na gusto mo rin" may nakapaskil na matamis na ngiti sa labi nito.
"Dati" pambabara ko sa kaniya na ikinalukot ulit ng mukha niya habang ako ay napapangiti dahil sa tagumpay. Jessi, one; Kj, zero.
Nabalik na naman ang tingin ko sa kanila. Hindi pa ba sila tapos mag-usap? Tumingin ako sa relo ko at may 15 minutes pa naman kami bago magstart ang klase.
Kung magkakilala pala silang dalawa, ba't hindi ko siya maalala o bakit di ko siya kilala? Kailan ka pa nakabalik? So, magkakilala sila. . . matagal na. Baka nagkita na kami dati.
Bata ka pa rin? So kilala niya talaga ako simula noong bata pa ako. I admit that he seems familiar but not too familiar to put him in the place of people I've met. Hindi ko maalala kung nakasalamuha ko ba 'tong abnormal. I only knew some friends of Kuya Jeo, maybe only 7 of them.
"Aray!" nabalik ako sa reyalidad at napahawak sa ulo ko nang may naramdaman akong bumatok sa akin. Pag-angat ko ay kaagad kong binatukan ang taong pinakamalapit sa akin.
"Aray naman!" Kaagad na umawang ang labi ko nang makitang si Eli ang nabatukan ko.
"Hala!" Napatakip pa ako sa bibig ko at nakikita ko namang tumatawa nang tahimik si KJ sa likod ni Eli. Sinamaan ko siya ng tingin at binalik ang tingin kay Eli habang nakatingin sa kaniya ng gulat.
"Lo sient- ibig kong sabihin, sorry," paghingi ko ng tawad kay Eli. Hindi ko naman sinasadya eh.
"JM, halika na," I tilted my head at Kuya's direction who's already standing at the door of the driver's seat of his car with the door's open.
I turn my gaze back at the two guys standing in front of me. KJ just waved his hand at me and signaled me that he's already leaving. I just waved my hand at him with a smile plastered on my face. A fake one.
I just nodded my head for the man in front of me and immediately turned my back at him, but before I could take a step, he spoke.
"Kumain ka ng masustansiya para mas madali ang paglaki mo, kung pwede nga lang, pati pagtanda mo." I looked at him again and just gave him a weird look, but he just smiled at me.
"At sino nagsabi?"
"Ako, ngayon-ngayon lang."
Amusement is plastered on my face after he said that, he's really something, huh. Pinilig ko na lang ang ulo ko at tinalikuran siya tsaka naglakad na ulit papunta sa car ni Kuya.
May 31, 2022
EDITED VERSION
#OnlyExceptionWP
YOU ARE READING
Only Exception (UNDER REVISION)
RandomDoes love really exist? To the family who always has an unsuccessful marriage? To the family for whom marriage is just a duty? A duty you need to fulfill when you find a person you think is suitable for you? A marriage that isn't made of love, but...
