Lumapit naman kami sa kaniya at agad naman siyang inalalayan tsaka kina-usap nina Marianne at Kj. Uupo na rin sana ako nang may naalala ako. . .
"Oye!! Espere!! (Hey!! Wait!!)" Bwisit na 'to! Bakit ba kanina pa ako nag-i-Spanish?
Pahamak kasi 'yung binabasa ko, 'e. "Hoy!!" Sa wakas ay huminto rin ito at lumingon sa akin. Hawak na nito ang pinto ng kotse niyang nakabukas.
Nahihingal pa akong humabol sa kaniya. Mabilis lang talaga akong mahingal kapag physical activity na. Kahit isang daang metro lang ang tinakbo ko ay grabe na ang hingal ko.
"I forgot to tell you that may kailangan kang bayaran sa akin" tumaas ang kilay niya na para bang nagsasabi na kung ano 'yun, pero hindi ako makapagsalita. Ano bang nangyayari sa akin at nagkakaganito ako ngayon? Bwiset! Hindi naman ako ganito.
"Ohhh, marunong ka naman palang mag-Tagalog pero kanina ka pa nag-a-alien language diyan" malawak ang ngiti nito habang nakatingin sa akin. Parang may iba sa mga ngiti at tingin niya, parang pamilyar ang mga yun sa akin.
"Ano 'yun?" nagsalita na lang siya ulit nang makita niyang di ako nagsalita at napaayos pa siya ng tayo.
"May libro akong binabasa kanina. . ." hindi ko na maipatuloy ang sinasabi ko kasi kahit na may kasalanan siya mukhang di ko rin masisikmurang magpabili sa isang stranger. Tumaas naman ang kilay nito na para bang hinihintay ang susunod kong sasabihin.
"At natapunan 'yun ng inumin ko kaya kailangan mo akong bilhan ng bago." Tumaas naman ang dalawang kilay niya sa sinabi ko. Parang ang translation nun eh Eh ano naman ngayon? Walanghiyang lalaking 'to! Akala niya ata mura lang 'yon, e!
"Pwede mo namang patuyuin 'yun." Sinamaan ko naman ito ng tingin. Aamba na sana ako ng suntok nang mahawakan niya ang kamao ko.
Nakangiti ito at wala man lang pangamba sa mukha niya na baka saktan ko siya dahil babae ako. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Oops, not my handsome face at sabi mo kanina gwapo ako, 'diba? Kaya mo bang galusan ang gwapo kong mukha?" Ang yabang naman nitong lalaking 'to!
Inis na binawi ko ang kamaong hawak niya at pinagpag yun sa palda ko na mabuti na nga lang ay hindi natapunan ng kape kanina. Kung sakali, baka bumalik kami sa bahay ng wala sa oras.
"Hoy lalaki! Sinalo mo ba lahat ng kayabangan nang nagpaulan ang Diyos?" Inis na sambit ko sa kaniya. Alam ko naman na gwapo ka, huwag mo lang ipamukha sa akin.
Sira na araw ko eh. Pahamak talaga ang ginawa ko kagabi kaya siguro ako minamalas ngayong araw na 'to.
"Hindi, at hindi rin lalaki ang pangalan ko," nakangiti pa ito na parang inaasar ako. Inuubos talaga ng lalaking 'to lahat ng pasensiya ko eh.
"I'm Elijah, you can call me Eli" nilapit pa nito ang mukha niya sa akin. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa nang ilang beses dahil sa biglaan niyang paglapit sa akin.
"I don't effin care about your name" linapit ko rin ang mukha ko habang nakatingin nang masama sa kaniya.
Akala mo, madadaan mo ko sa ganyang galawan mo? Kung alam mo lang kung ilang libro na ang nabasa ko na napapatiklop ng lalaki ang babae sa ganyang paraan. Pwes, pre, iba ako!
"Tsk, tsk, my darling," inipit nito ang buhok ko sa likod ng tenga ko at bumulong sa hangin ng salitang narinig ko pa.
"Bata ka pa rin." Ang kaninang matalim na tingin ay napalitan ng nagtatakang tingin. Napakurap ako nang dalawang beses sa sinabi niya. Napaatras naman ako sa narinig ko.
"Ano?" nagtatakang tanong ko sa kaniya. Magsasalita pa sana ito nang may humatak na sa akin palayo.
Paglingon ko ay si Jeo lang pala—ang Tito kong apat na taon lang ang tanda sa akin. Kaya hindi kami pinagkakamalang mag-tito, 'e. Hindi naman kasi nalalayo ang edad namin, at halata naman 'yun sa mukha niya.
YOU ARE READING
Only Exception (UNDER REVISION)
RandomDoes love really exist? To the family who always has an unsuccessful marriage? To the family for whom marriage is just a duty? A duty you need to fulfill when you find a person you think is suitable for you? A marriage that isn't made of love, but...
