Kinuha ko naman ang libro sa bag ko para ipagpatuloy ang hindi natapos na chapter kagabi. Kinuha ko rin ang iced caramel macchiato na pinabili ko kanina.

Nakalimang pahina pa lang ako nang nauntog ang ulo ko sa passenger seat. Kapag minamalas ka pa nga ay nabasa ang librong binabasa ko dahil sa inumin.

Importante ang librong to sakin. This is a treasure for me, and plus the fact that it's limited edition. Sa US pa 'to galing, a gift from Dad and it's a risk having a connection with him. Mom might go berserk again.

Padabog akong lumabas ng sasakyan. Kaagad kong pinuntahan ang sasakyang tumigil rin sa unahan. Di ko alam kung anong nangyari pero ang alam ko lang ay kasalanan to ng mukong na to.

Malakas kong kinatok ang bintana nito. Ang mahal din kaya ng sasakyan namin? At buti na lang yun lang ang natamo namin. Paano kung mas malala pa? Alam naman niyang daan to eh nagpapadalos dalos.

Nabangga lang naman kasi kami sa isang puno dahil siguro iniiwasan ni Manong ang sasakyang 'to. Umatras naman ako nang makitang bumukas ang pinto ng sasakyan nito.

Taas kilay ko namang hinantay ang pagbaba nito na akala mo naman ay nasa movie na may slow motion effect dahil sa bagal niyang kumilos. Nang nakatayo na siya sa harapan ko ay napalunok naman akong pinasadahan siya ng tingin mula paa hanggang ulo.

Muntikan pa ngang mahulog ang panga ko nang makita ang lalaking moreno at natansya kong nasa 5'10 to 6 feet siya sa harapan ko.

Hala, ang tangkad niya naman, 'Day! Nangangamoy hanggang crush lang. Akala ko sa libro lang ang perfect picture guy eh.

Ang amo pa naman ng mukha niya; hindi mo aakalain na sobrang ganda ng tindig niya kung mukha lang ang nakikita sa sobrang amo nito.

Umiling na lang ako. Jessi, alalahanin mo, may kasalanan 'yan sa 'yo! Inis na sigaw ng kabilang side ng utak ko. Tama! Kailangan kong umayos kung gusto kong makausap nang maayos ang lalaking 'to.

Pero kahit na ano man siya kagwapo ay kailangan niyang managot. Tulad nga ng ilang beses na sinabi ni Kuya, looks can be deceiving.

Bumuntong hininga ako at lumapit sa kaniya. Kailangan ko pa siyang tingalain dahil 5'5" lang ako. Matalim ko siyang tiningnan habang pilit kong inayos ang sarili ko sa katangahan na baka makapapahamak at makapahiya sa akin sa harap ng bwisit na 'to.

Tumikhim ako bago sumigaw. "Estas ciego!? (Are you blind!?)"  Inis kong kinamot ang ulo ko dahil sobrang gwapo niya.

Gaga ka, self!! Huwag kang marupok dahil lang sa gwapo siya. Ganito na ba ako karupok sa mga gwapo? Hindi dapat ako magpaapekto nang ganyan kalala sa kanila.

"Por qué tan guapo!! no soporto tu hermoso rostro!! Cazzo (Why are you so handsome!! I can't stand your beautiful face!! Damn it!)" Naiinis kong sigaw sa pagmumukha niya.

Nagitla na lang ako nang may dalawang kamay ang naglayo sa akin mula sa kaniya, sina Marianne at KJ. Napakurap ako nang nakatulala lang siya sa akin at hindi man lang umimik. Na para bang pinagmamasdan niya ako nang mabuti.

"Sorry," yumuko ito sa amin habang matalim pa rin ang mga titig na binibigay ko sa kaniya.

Nakita ko pang ngumiti siya ng hindi naman naabutan ng segundo kaya hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba yun. Napakurap ako sa nakita at mas lalong tinaliman ang tingin sa kaniya, walanghiyang lalaking 'to.

"Ayos lang naman po kami kaya, sorry po kung nasigawan ka ng kasama namin" sabi ni Marianne. Huh? Pero. . . di bale na nga. Pasalamat siya dahil gwapo siya at nasa crush list ko na siya.

Pasalamat ka talaga dahil pwede kitang isulat sa death note ko pero sa crush list kita nilagay. Umirap lang ako at bumalik sa sasakyan. Naka-upo ang driver sa labas ng sasakyan habang may hawak na panyo sa noo nitong nagdurugo.

Only Exception (UNDER REVISION) Where stories live. Discover now