TB Chapter 29: Talk to Talk

14 8 30
                                    

Warning! ⚠️⚠️
There are unpleasant words!
Huwag gagayahin!



Chapter 29

Phia's PoV

Napaigtad ako nang marinig ang boses matrona na nanggagaling sa Mom ni Allan.

"Where do you think you're going after what you've done to my son?" sambit nito at nananatili pa rin akong nakatalikod mula sa kanya.

Dahan-dahan akong humarap habang nakayuko at kagat-kagat pa ang labi.

Kinakabahan ako!

"A-ahm....tungkol po doon, p-pasensya na po kung puro sugat at pasa---?" pagsasalita ko subalit napatigil nang sumabat siya.

"I don't care at all.....even if he's injured or not." walang emosyong sambit niya at umirap pa. Anong klaseng magulang ba siya? Wala siyang pakielam kahit na mamatay sa bugbog ang anak niya? Ni hindi man lang siya magpakita ng kahit kaunting pakialam? Tapos nagawa niya pang tawagin ng 'son' yung anak niya?

Nagsisimula na akong mainis sa kanya.....

Naglakad siya palapit sa pwesto ko habang nagsasalita. "By the way based on what I've heard from Sir Fred, you're the one who spend the night here the other day also the one who makes my children.....busy these days." pag-iiba niya ng topic habang nakatingin ng matalim sa akin.

"A-ako nga ho 'yon---?" pagsang-ayon ko naman sa sinabi niya ngunit napatigil nang may sumabat.

Patapusin niyo naman ako magsalita!

"Stop it! Don't drag Ate Phia into this matter! It's not her fault! Don't blame her!" biglang sambit ni Xandra habang nakapagitan sa gitna namin ng Mom niya.

Hindi niya naman ako sinisisi.....

Pero parang ganon na nga.....

"Xandra....." mahinang saway ko sa kanya dahil hindi ako makasali sa usapan nila.

Napansin kong natuon ang atensyon ni Allan at ng kanyang ama sa amin dahil sa mga sinabi ni Xandra.

"You brat, how dare you talk to me like that?!" galit na sabi naman ng Mom nila kay Xandra.

"So what?" pagsagot naman ni Xandra rito at sabay-sabay naman kaming nabigla dahil sa sigaw ni Allan.

"Alexandra!" saway nito at bakas sa mukha niya ang galit habang papalapit kay Xandra. Hinawakan niya ang braso nito nang makalapit at akmang hihilahin nang magpumiglas si Xandra sa pagkakahawak niya.

"Let me go! It hurts!" inda ni Xandra habang pilit na inaalis ang pagkakahawak sa kanya.

Aba, nasasaktan na yung bata!

Wala na akong choice kundi ang mangialam sa kanila kaya naman hinawakan ko ang braso ni Allan upang pabitiwan sa kanya ang pagkakahawak niya kay Xandra.

"Tama na." bigkas ko at napatingin naman siya sa akin. "Nasasaktan na si Xandra." dagdag ko pa at salamat naman dahil binitiwan niya ito kaagad.

Kung hindi niya binitiwan 'yon, siguro nakatikim na naman siya sa'kin ng sapak.....

Saktong pagkabitaw niya ay sinigawan siya ni Xandra. "I hate you!" sigaw nito at agad na tumakbo palabas ng mansion.

Kaagad ko naman siyang sinundan at nakitang nakalabas na siya ng gate ng mansion. Dumiretso ako sa motor ko at sumakay. Mabuti na lang pinakuha ni Allan ang motor ko at sinunod dito sa mansion.

HIDDEN SEVENWhere stories live. Discover now